14/09/2026
POSTING THIS FOR AWARENESS
At sana yung mga marshall maging aware din kayo. Wag lang kayong magrely sa nakagawian ninyo na.
Sana matuto rin kayong mag explore ng ibang bagay lalo na may pagkakaiba ang mga recent batches ng motor na narerelease.
Next time sana mag RPM check kayo, check the coil, check niyo yung wire kung iba ung kulay, timbangin, at pag hindi kayo sure, buksan ninyo.
Ngayon pag binuksan ninyo, make sure na may ipapalit kayo.
Kasi napakadaling manghusga at mag-akusa ng OPEN MOTOR.
Pero PAGKATAO at REPUTASYON ang nakataya diyan.
Sa inyong mga marshall,
walang mawawala pag nagkamali kayo.
Pero sa racer na nasira ninyo ang pagkatao at reputasyon, hindi niyo na yun mababalik yun.
Di naman binabayaran ang mga marshall para makasira.
Binabayaran sila to promote a RACE THAT IS FAIR.
Kaya nga naglalaan ng mataas na bayad ang mga racing centers para maging accountable din ang marshalls sa mga call out nila.
May kasabihan tayo,
"Marshall's decision is always final."
Pero paano natin irerespeto ang kasabihan na yun kung yung call ng marshall WALANG SAPAT NA BASEHAN?
Make sure na pag nagDQ kayo,
MAY FULL PROOF KAYO AT SAPAT NA BASEHAN at kaya ninyong tayuan ung call ninyo.
Maybe it is time to level up the checking of motor dito sa Pilipinas napag-iiwanan na tayo.
Sa ibang bansa RPM Check muna.
At sana sa mga marshall, panawagan naming mga RACERS, sana po wag masyadong mataas ang tingin sa sarili. Sana nandyan kayo para mag-guide.
Sa KORTE ka, pwedeng umapela eh.
Pero sa inyo hindi? Guilty agad eh nang hindi man lang nabibigyan ng pagkakataon na mapatunayan kung may sapat na basehan ang DQ. Ang lala eh. Walang presumption of innocence. Guilty agad eh.
Sa mga kapwa ko racer ishare ninyo ito para maging aware din yung mga marshalls.
Hindi niyo po kami kalaban.
Iisa lang gusto natin: PATAS NA LARO at PATAS NA DESISYON.