12/09/2026
**AIAI DELAS ALAS, NAGBIGAY-LINAW SA ISYU KAY GERALD SIBAYAN**
Nagbigay ng paglilinaw si Aiai delas Alas matapos tanungin ng isang netizen kung nasa Amerika pa rin ang kanyang dating asawa na si Gerald Sibayan at kung totoong na-deport na ito.
Ayon kay Aiai, **ni-revoke niya ang green card petition** na dati niyang inihain para kay Gerald, ngunit nilinaw niyang **hindi siya ang nagpa-deport** sa kanyang dating asawa.
Nang tanungin kung paghihiganti ba ang dahilan, sinabi ni Aiai na bahagi ito ng proseso kasabay ng kanilang divorce at **hindi personal na paghihiganti.**
**Ano ang masasabi ninyo sa paglilinaw ni Aiai?**