12/08/2026
Inspirational Love Story
“Hiwaga Ng Pag-ibig”
Part #3
Dumiretso sa kanyang silid si Axel, at napaupo siya sa isang bahagi ng ding ding ng kanyang silid.
Napa kuyom ang kanyang mga kamay, habang may gumuhit na luha sa kanyang mga mata. Naalala niya kasing bigla ang kasintahan na si Rachel.
Dalawang buwan mula ng iwan siya ng nobya. Nagpunta ito sa America upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Flashback…
“What Rachel? you mean to say sasama ka pa rin sa tita mo sa States?” gulat niyang tanong kay Rachel
“Yes, and I'm sorry Axel.” nakayukong sabi ng dalaga
“Pero Rachel di ba napag-usapan na natin ito?” tanong ni Axel na hindi maintindihan kung magagalit ba o makikiusap sa kasintahan
“Oo nga Axel, pero…” natitigilan pa rin ang dalaga
“Pero ano?” ulit muli niya
“Axel please try to understand, unawain mo naman sana ako. Naisip ko kasi na ito na yung chance ko na makapag-aral sa States, and I just only want to grab the opportunity and you should be happy for me.” aniya
“Masaya? paano kong magiging masaya kung alam kong magkakalayo naman tayo.” katwiran niya
“Pero, it's just a few years, Axel.” katwiran pa ng dalaga
“A few years? then tell me how many years? tatlong taon, apat?” at biglang na lamang napaluha ang binata
“Well you can't blame me! pangarap ko na ito, eh ikaw hindi ko nga alam kung may pangarap ka pa.” sigaw nito
“And what do you mean?” tanong niya na naguguluhan
“Why don't you look at yourself? huminto ka na nga sa pag-aaral mo.” naiinis nitong sabi
“Oo nga, pero hindi ibig sabihin non, dito na lang matatapos ang mga pangarap ko. Di ba malinaw sayo na mag-aaral nga ako next year sa kursong gusto ko.”
“Ewan ko sayo Axel.” maikling sagot ng dalaga habang nakatingin lamang sa kanya
Hinawi naman ni Axel ang mga luha sa kanyang mukha dahil parang gusto niyang kalimutang bigla ang sakit na kanyang nararamdaman.
At hinarap niya ang nobya.
“Alam mo pwede ka naman mag-aral dito sa Manila eh, kung gusto mo lang talaga. Now tell me alin bang mas matimbang sayo, ang pag-alis mo o ako?” malungkot niyang tanong
Tinitigan siya ni Rachel bago muling nagsalita.
“Huwag mo na akong hintayin sumagot pa Axel, masasaktan ka lang.” sagot ni Rachel
At tinalikuran siya ng dalaga.
“Umph!” malakas na hinampas ni Axel ang harapan ng kanyang kotse
Gusto niyang manghinayang dahil minahal niya si Rachel at sa loob ng dalawang taon nilang mag kasintahan ay ibinuhos niya lahat ng kanyang pagmamahal.
Ngunit bakit ganun? tanong ng kanyang puso, parang balewala pa rin ito sa dalaga.
Mas pinili nito ang kanyang kagustuhan na mag-aral sa ibang bansa.
Mga pangarap na hindi siya kasama sa huli.
Samantalang si Abby sa probinsya, dala pa rin niya ang bigat sa kanyang dibdib.
“Hu.. hu.. hu.. paano mo nagawa sakin ito Tristan akala ko ba mahal mo ako? may… may mga bagay din akong gustong, gustong matupad tulad mo.” sambit niya habang umiiyak
“Pero sinira mo, sinira ng pagtitiwala ko sayo.” mahinang sambit ng dalaga
At sumubsob siya sa unan umaasa na mababawasan ang sakit na nadarama.
Matapos ang dalawang buwan ay hindi maintindihan ni Axel kung paano siya nakumbinsi ng mga magulang sa gusto nilang mangyari.
Ngayon ay nakaharap sila sa isang judge upang mag-isang dibdib at kasama niya ang babaeng ngayon pa lamang niya nakilala.
“You may now kiss the bride.” nakangiting sabi ng judge
Ngumiti lang ang binata at tumingin sa kanyang bride sa halip na sundin ang sinabi ng judge.
Hindi naman nagtaka si Abby, sa isang estranghero na tulad ni Axel ay ayaw din niyang mahalikan nito, ni mahawakan man lang.
Matapos ang isang araw ng kasal… ng kanilang pagkukunwari na sila ay tunay na nagmamahalan ay oras na ngayon para harapin nila ang bagong yugto ng kanilang buhay.
Ang buhay mag-asawa.
Umiiyak si Abby sa harap ng kanyang ina, habang nagpapaalam.
“Abby anak basta lagi mong tatandaan yung mga bilin ko sayo ha. Maging mabuti ka lamang asawa sa kanya.” habilin ni aling Liza
At mahigpit niyang niyakap niya ang anak.
“Huwag kang mag-alala darating din ang araw na matutuhan mo siyang mahalin.” dugtong pa nito
Lumapit naman si Cherry, ang bunso niyang kapatid.
“Ate, kumuha ulit tayo ng santol pagbalik mo dito ha?” ani Cherry
“Ah,oo bunso, huwag kang mag-alala babalik din agad si ate ha.” pilit na pinalakas ni Abby ang kanyang loob sa harap ng kapatid
Nilingon ni Abby si Axel, at natanaw niya ito na inilalagay na sa kotse ang kanyang mga gamit.
Labag man sa kalooban niya ang desisyon ng kanyang mga magulang na ipakasal siya sa hindi naman niya kakilala ay wala siyang magawa.
Kailangan niyang magtiis alang-alang sa kahihiyan ng kanyang pamilya.