22/04/2020
Magandang araw po sa lahat,
Isang buwan mahigit na po nang ipatupad ang lockdown sa buong Pilipinas at quarantine sa bahay dahil sa sakit na COVID-19 pandemic. Maraming tao ang nagpanic na baka mahawa or dapuan sila ng sakit na ito, may iba naman na nangamba kung saan naman sila kukuha ng pangkain araw araw dahil pinatupad din ang "No work, No pay" lalo na sa mga drivers na arawan ang kita. Masuwerte nlng kung may negosyo sila na pwede pagkuhaan ng panggastos, pero paano ang mga walang negosyo at umaasa lang sa araw-araw na kita? Maraming nagsabi hindi sila mamamatay sa Virus kundi sa gutom sila baka mamamatay. At ngayon ang gobyerno gumagawa ng paraan para mabigyan ng ayuda ang mga pamilya na higit na apektado ng crisis na ito pero ang tanong "Lahat ba ng pamilya na apektado nabigyan o mabibigyan?" Sa panahon po na ito ng crisis dapat mas higit maging mabuting tao tayo lalo na sa kapwa natin huwag po tayo maging makasarili dahil hindi natin hawak ang buhay natin at kung mawala tayo sa mundo higit na importante ay nakatulong tayo sa ating kapwa lalo na sa panahon ngayon ng crisis sa ating bansa.
Nananawagan po ako sa mga taong may kakayahan na tumulong sa mga pamilya na higit na apektado ng kahirapan ngayon sana po mahanap nyo po sila at maabutan ng tulong. Ako po ay ordinaryong tao lamang po pero nais ko po tumulong sa mga pamilya na nakakaranas ngayon ng gutom at sa pamamagitan ng facebook na ito baka sakali ay maging daan para matulungan sila.
At sa mga pamilya na nakakaranas ng hirap ngayon huwag po tayo mawalan ng pag-asa dahil may awa ang Diyos Manalangin at Magtiwala po tayo sa Amang Diyos sa pamamagitan ng kanyang iisang anak na si Jesu-Kristo. Amen.
Maraming salamat sa paglaan ng oras sa pagbabasa. βββ