22/03/2026
Ang hirap kitain pero atleast galing sa'kin
Galing sa’kin yung hirap, pagod at pawis
Nagcommute papasok, walong oras sa trabaho at minsan higit pa oras na iyon na nagtiis
gusto ko ‘to ako mismo yung gumagawa ng sariling pera ko
ayoko umasa iba baka sa huli’y masumbatan pa ng ibang tao
nagigipit din ako, nauubusan at nawawalan
pero lagi ko sinasabi sa sarili ko, mas okay na ‘to
na ramdam ko yung bawat piso o sentimo
at kahit papaano ay nakapagbibigay at aambag na rin ako
-at alam ko, hindi habang-buhay ganito kaliit na pera ang mahahawakan ko, PAPALDO!