28/05/2026
“Hindi na mahal ang nerds”
May mga araw na naiisip ko, ang dami dami ko pang pangarap na hindi natutupad. Ang dami ko pang gustong maabot, parang laging may kulang pa.
Pero may mga simpleng bagay na magpapaalala talaga sayo na malayo na tayo sa buhay na meron tayo noon,
Kasi hindi na mahal ang nerds.
Kaya na natin siyang bilhin kapag gusto natin.
Hindi na siya pagkain “pang mayaman” lang.
Kaya ngayon, kung nalulungkot ka at iniisip mo na parang walang nangyayari sa buhay mo, isipin mo yung mga bagay na dati pangarap mo lang pero ngayon, nasayo na.
Para lang itong susyal version ng “Hindi na madami ang sabaw ng Payless Beef Noodles”
Hindi na muna yun ang example, kasi madalas sabaw na tayo sa pagod. Pero keri lang, kapit lang!💪