09/08/2026
Sa kabila ng maulan na panahon, ang saya pa rin makita na nagkakaisa ang card community sa Pilipinas. 🌧️🃏❤️
Despite the rain, card enthusiasts, collectors, and hobbyists still found their way to gather, enjoy the hobby, share stories, trade cards, and most importantly, enjoy each other’s company. I’m grateful to be part of a community where the love for the hobby brings people together and creates friendships along the way.
Maraming salamat din sa mga bagong nakilala ko. I may have met many of you only recently, pero naniniwala ako na habang tumatagal, mas lalalim pa ang pagkakaibigan at samahan natin. 🤝
Salamat din sa pagrespeto ninyo sa akin bilang isang Kristiyano. I truly appreciate the understanding and respect. At dahil dito, gusto ko ring maging consistent sa aking paninindigan: hindi ako dapat pumayag sa coin flips kapag hindi tayo nagkakasundo sa presyo.
Pag-usapan natin nang maayos. Mag-negotiate tayo. Maghanap tayo ng presyong parehong komportable ang magkabilang panig. Huwag na nating idaan sa coin flip—kahit tawagin pa natin itong “coin toss,” “randomizer,” o kung ano pa man, kung pera at chance ang pinag-uusapan, sugal pa rin ang dating nito sa akin. As a Christian, I simply choose not to participate in it.
Walang samaan ng loob. 🤝 Respect lang sa bawat isa, at respeto rin sa personal na paninindigan ng bawat isa.
Maraming salamat sa inyong lahat sa magandang samahan at good vibes. Sana mas marami pa tayong cards na mahanap, deals na mapagkasunduan, at friendships na mabuo. 🃏❤️
God bless everyone! Stay safe, stay dry, and see you again at the next gathering! 🙏☔