GM's Spoken Poetry

GM's Spoken Poetry Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from GM's Spoken Poetry, Shopping & retail, Makilala.

25/10/2024

Hello goodmorning everyone 🌄☺️

25/10/2024

Spoken Poetry Spoken Word Poetry - Tagalog
"SANA MOTOR NALANG AKO"

Sana motor nalang ako
Lalo na kung ito'y bago
Inaalagaan ng mabuti
Kailangan iningatan parati

Sana motor nalang ako
Kasi yung tipong inaalagaan pa motor nya kaysa relasyon nyu
Yung tipong iingatan nya nito ang pag hawak ng nobela
Kahit hahayaan kanang mawala

Siguro ramdam ko ang sarap maging motor
Dahil na pagka asan man siya
Kasama ka nya kung saan man punta nya
Siguro ang sarap maging motor para maramdaman ko
Na inalagaan nya din ako

Kasi kapag may nasira sa motor nya agad nya itong aayusin
Sabi ko sarili ko, buti pa nga ang motor inaayos pa nya pag ito'y nasira
Kami kasi kapag nag away
Hinayaan nya lang akong mairita
Kahit konting lambing lang nya eh wala
Hanggang sa umagos na aking mga luha
Pero wala lang sa kanya
Parang ako ay binabaliwala

Hay naku!Ang sakit-sakit sa ulo
Lalo na pag matigas ulo ng jowa mo
Yung feeling na kapag ka
May kaarawan sa isang mag tropa
Ayon na nagpaplano na sila
Pre! Asan kana tara na?
Daming chiks dun arat na!

Ganun kasi basta may motor
Ang daling makapag pa andar sabay angkas sa barkada
Kahit mag mukha pa na parang condoctor
Maka kapit lang sa motor

Hays naku!naiirita na talaga ako
Nakapag pataas ng dugo ko
Nakakainis ang sarap sampalin
Lalo na pag kaming mga babae may pagka tup**in

Ako naman tung jowa nya na sira ulo
Mas piliin ko nalang lambingin ito kaysa magkasakitan ng mga puso
Ganyan talaga pag mahal mong isang tao
Ewan ko sa jowa ko
Mas mahal pa nya motor nya
Kaysa sakin nilambing lang pag galit na ako sa kanya

Ako naman na kinulang sa laman
Pero sobra sa katangahan
Ang lahat dinadaan ko nalang sa pagsuyo kahit napikon na ako
Handa ka paring intindihin at mahalin
Kahit motor ang mahal na mahal mo

Continue --->(comsec)

25/10/2024

(Spoken Poetry) "CRUSH"
✍️Gm

Crush hindi ka araw
Pero pag tingnan ka nakakasilaw
Nahihiya pag nandyan ka
Kinikilig kahit patago akong mag-isa

Hindi ko alam
Kung bakit koto naramdaman
Kapag ikaw ay dumaan
Kaba Ng puso di maiwasan

Tuwing gabi iniisip ka
Sana ikaw nalang aking jowa
Para akong baliw
Sa sobrang aliw

Crush kahit dimo pansinin
Ako'y andyan parin
Kahit di kagwapohan
Basta kita'y hinahangaan

Oo Crush nga kita
Actually noon pa
Hindi kaman maangkin
At least madali kita sa paningin

Para kang bituin
Ang hirap abutin
Kung pwedi kang sungkitin
Sana ika'y maging akin

Ako'y puro pangarap
Na sana ika'y makaharap
Pero pano gawin
Para iyong ibigin?

Hanggang tingin nalang ba?
O mas lalong sakit lang madama
Dahil may iba kang kasama
Di ko namalayan luha koy pumapatak na

Oo alam ko walang tayo
Pero bakit nasaktan ako?
Di ko naman sinadya ito
Pambihira ikaw yung gusto ko

Crush simula ngayon
Pagdating Ng panahon
Sana'y mapansin mo na
At maakit na Kita

Sayong ngiti ako'y nafall sobra
Pormahan mo'y makisig talaga
Di ko napansin ako'y natulala
Parang tangang nakatunganga

Alam mo Crush kahit dika maabot
Ang lahat idaan ko nalang sa limot
Baka naman padating ng araw
May couple na AKO AT IKAW

_Gm





25/10/2024

Spoken Poetry(SANA DI MO SINIMULAN)
Sana di mo sinimulan para ako'y ligawan
Sana di mo sinimulan kung maiuwi rin lahat sa kabiguan
Sana di mo sinimulan kung mapapagod ka rin naman
Sana di mo sinimulan kung may plano ka na ako'y palitan

Mahal tandaan mo nagsimula tayo matamis na sumpaan
Na kung saan mga puso natin na puno ng kasiyahan
Mga ngiti natin na hindi maipaliwanag kung ito'y pag masdan
Dahil sa gitna ng kadiliman ikaw ang nagsilbing buwan para ako'y maliwanagan

Sa kabila ng katahimikan ikaw ang tanging daan na ako'y napangiti sa iyong kakulitan
Hindi maintindan ang sarili sa sobrang mga tawa nitong labi
Dahil sa taglay na hatid mong mga ngiti ,Mga problema koy agad mong mapapawi

Pero ang lahat ng yon ay mga ala-ala nalang ng ating masasayang kahapon
Na hindi na pweding maibalik pa kailanman ang dating panahon
Kung pwedi palang Sana hindi nalang kita minahal noon
Sana hindi nalang talaga dahil ang hirap mag move-on
Sa pag gising ko sa umaga Akala ko meron ka pa pero bumitaw kana pala
Minahal Kita ng sobra dahil akala ko tayo na hanggang sa ating pagtanda
Pero ramdam ko parin ang pagbati mo sa umaga na Mahal Goodmorning gising kana
Tulog kapa ba? Kain kana baka magutuman ka pa
Ang katagang yon ang sarap p**inggan pero mas masarap sa p**iramdam kung meron kapang p**ialam
Hindi paba sapat ang pagmamahal na pinakita ko sayo?
O hindi paba sapat dahil may nakita kanang bago
Di ko inaasahan na sa sandaling ito
Agad mo na akong tinalikuran dahil sa bagong nakilala mo
Ako na nga yung nag adjust sayo, ako na nga yung nagtitis sa ugali mo
Pero pilit mo paring ipamukha sakin na wala akong halaga sa buhay mo
Alam mo?Para tayong naglaro ng tumbang preso
Ako yung lata at ikaw yung tsinelas na sanhi nag pagkatumba ko
Para lang ding larong tagu-taguan
Di mo parin Kita ang halaga ko sayo
Kahit andito lang ako sa harapan mo
Oo masaya ako pag nakita ka pero mas masaya ka pag kasama mo sya
Ako nga yung nasa harapan mo na, pero hanap mo parin siya...

Continue--->(comsec)

25/10/2024

Spoken Poetry "MAGANDANG DILAG"

Sa lahat na aking nakilala
Ikaw ang magandang dilag na aking nakikita
Mga ngiti mo'y parang rosas nag bigay aliw sa hiwaga
O bakit ba tiyak akong nababaliw sayo kung nakatunganga

Sana sa kabila ng panalangin ko
Ikaw ang hulog langit ang sagot nito
Kahit alam ko na ako'y simpleng binata
Pero handa kitang mahalin kahit sabihin nating malabo yata

Masayang-masaya ako na ika'y aking makita
Iba ang saya sa kilig dahil ang ganda mo'y hindi nakakasawa
Sa twing kausap ka agad ako'y napatuwa

Hindi ko maiwasan magkagusto sayo sobra
Dahil sa taglay ng ganda mo ako'y naakit talaga
Pag tingnan ka puso ko'y punong-puno ng sigla
O bakit nga ba diko to ginusto sana

Hanggang sa may narinig akong balita
Na ang minahal ko ng todo ay may iba palang gusto
Ang sakit pa dun isang tropa ko pa talaga
Ano ba to ?sa tingin mo lang siguro laro lang to para sayo

Grabe ang sakit ng narinig ko
Parang tinusok ng kutsilyo ang hapdi
at kirot ma naramdaman ko
Halos hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko Nanginginig ako na para bang a*o

Sa totoo lang kahit simple lang ako
Pero kaya kong patunayan sayo
Na mahal kita at importante ka
Pero wala eh siya gusto mo pero ako eto iyak nalang sa patago

Ang sakit pala mainlove sa magandang dalaga
Yung akala mo kayo na hanggang dulo
Pero mali pala ako
Akala ko eh gusto din ako
Kaya ayon masaya sila
Habang ako nagpapaubaya
At walang magawa kundi ang lumuha

Kaya ito ako ngayon
Iniwan mo na ang puso kong duguan
Ngunit gayon paman
Pangako di na magkagusto sa magandang dilag kailanman

Kaya ngayon pinipilit kang kinalimutan
Na sa lahat na aking naranasan
Ang sakit, hapdi at kirot ay burahin kona saking isipan

Sana di nalang ako ng mahal ng isang magandang kagaya mo
Dahil alam ko na di rin ako makapasa nito
Pero sa lahat ng yan dito ko natutunan
Na dapat hindi mag mahal ng pa*obra
Dahil sa kabila ng lahat maiuwi rin ito sa kabiguan

—Gm

25/10/2024

Spoken Poetry "AKALA KO AKO PERO HINDI PALA"

Pwedi ba wag ka namang paasa
Wag kang mag panggap na
Ako pa ang gusto mo
O laman ng puso't isip mo
Pero nalaman ko iba na pala ang tumapos habang ako'y nasa malayo

Mahal kung alam mo lang
Oras-oras nalang
Nag panggap din ako na parang wala lang
Kung tanungin mo ako ang sagot ko Okay lang

Oh diba?kampante ka parin ba?
Kahit anong sakit pa na
Ang aking madama basta't wag ka lang mawala
Na halos araw-araw ko ramdam na
Sabihin na nating akala ko sakin ka masaya pero may bumuo na palang siya

Mahal ba't ambilis mong lumisan?
Ba't ambilis mo para ako'y bitawan?
Nakakasawa ba ako para iyong iwan?
O sadyang iba na sa puso mo'y nakalaan

Mahal akala ko ako
Akala ko ako pa ang mahal mo
Akala ko ako pa ang siyang tibok ng puso mo
Mahal nasa malayo lang ako
Pag balik ko iba na ang humawak sa kamay mo

Ano ba to?bakit nagawa mo ito?
Inibig kita ng buo
Naging sunod-sunoran ako sa mga utos mo
Pero lahat ng yon ginawa ko lang pala
Dahil nagpakatanga ako habang siya ang iyong kasama
At ako'y patuloy na nagpakumbaba
Kahit ang sakit sakit na

Alam mo yung p**iramdam?
Na nananatili akong tapat
Kahit na sa sakit naramdaman ko ay wala ng maitatapat
Dahil sa totoo lang
Durog na durog na ang puso ko
Pag-ibig ko ba kahit sobra na hindi parin ba sapat?

Akala ko kasi ako
Pero nakatalikod lang akong sandali papunta sa malayo
Ngunit bakit pagbalik ko
Iba na yung tinawag na mahal mo
Iba na yung wakas at hindi ako

Mahal ano ba tayo pa ba?
O sumuko kana dahil andyan na siya
Ano ba yang desisyon mo
Ayosin mo nga para di ako umasa pa sayo
Basta ako talento kong mahal ng isang tao
At marunong makuntento ng buong puso
Kahit alam ko naman hindi ka seryuso
At higit sa lahat hindi ako yung tipong mahal mo
Na pinilit kung ipagsiksikan ko ang sarili ko
Kahit hindi na ako nagawa ko paring humabol tumakbo patungo sa taong mahal ko
Kahit alam na alam ko ako lang yung intresado sayo
Akala ko kasi ako pa pero pagbalik ko may iba na

25/10/2024

Spoken Poetry-"LDR"

LDR, ito ang salitang hirap paniwalaan hirap lakbayin
Ng mga pusong gustong abutin,maangkin at sungkitin ang mga bituin
Na sana'y matupad narin ang mga pangarap natin

Sabi Kasi ng iba ito'y isang laro lang at isang biro lamang
Hirap maranasan pero pilit na sinusubukan
Na sa lahat ng pinapagoran kailangang malampasan
Kahit nalagay sa walang kasiguraduhan

Pero pilit parin at patuloy na lumalaban
Di hahayaang lumabo ang usapan
Hindi hadlang ang malayong ugnayan
At ikaw ay hinahawakan para sa kinakaharap na kinabukasan

Ang Ldr na relasyon ay hindi nag babase kung gaano man kalayo ang inyung lokasyon
Ay wala na kayong gana sa isat'-isa makipagkomunikasyon

Ang Ldr na pagsasama nating dalawa
Ay para lamang sa taong dalawa na kontento sa isa't-isa
Na kahit malayo man ang espasyo nyo
Kapag matino kang tao at seryuso hindi mo yan ipagpalit sa bagong kakilala mo

Ang Ldr na relasyon para sa iba hindi madaling sitwasyon
Dahil inisip nila na kapag ay Ldr kayong dalawa
Ay baka makahanap pa ng iba na makakasama
Pero para sa akin ang ldr dapat mayroon kang tiwala at sapat na pag-unawa

Basta ako ginusto kong ldr lang tayo
Kasi buti pa siguro kung oras na darating ang panahon na magkasakitan man tayo
Sa palagay ko ito ay hindi magiging komplikado
Dahil sa chat mo lang na iloveyou malumanay din akong mag reply na iloveyoutoo

So ayon bati na kami diba?
Kahit chat lang ang tanging nagpapasigla sa aming dalawa
Mga puso namin ay puno nang pagmamahalan sa bawat isa
Kaya tiwala lang ay sapat na

Minamahal kong binata kahit malayo man tayo
Tandaan mo lang pinangako ko sayo
Ikaw lang ang mahal na mahal ko
At higit sa lahat walang ibang makapalit sa pwesto mo

Tayong dalwa ay nagmahalan ng sobra
Malayo man ang ating distansya
Nakuha pa nating mag biroan para mas lalong umusbong ang tunay na saya

Para sa akin mas okay talaga ang ldr na pagsasama
Kaysa naman sa malapit na lagi kayong magkasama
Pero lagi naman nasaktan at puno ng iyakan





25/10/2024

Spoken Poetry "BINIBINI KO"

O binibini ko labis kang iniidolo
Hindi kaman kasing ganda tulad nina Kathryn Bernardo
Pero maniwala ka ikaw ang gusto ko
At natatanging laman ng puso't isip ko

Aking binibini ikaw ang sigaw ng puso ko lagi
Pag kausap ka nasilayan ko agad ang tamis mong ngiti
Bakit ba ito'y nakakaaliw at ako'y nabighani

Sayong ganda binibini ko
Ay agad mo nabihag aking puso
Mga pag-isip ko sa malayo
Naka centro lamang ang tanaw ko sayo

Bibibini ko ikaw ang dala ng enerhiya ko
Ikaw ang silbing sigla pag nahihina ako
Kinuhunan kita ng mga larawan
Para masilayan man lang ang iyong
mukha na paikot-ikot saking isipan

Binibini ko ikaw ang hatid na dala sa panginoon
Ikaw ang ra*on bakit masaya ako ngayon
Pinapantasya ka habang ako'y natulala
At wala ng p**ialam at sabihing may lamok ba jan bahala na basta masaya ako pag iniisip kita

Dahil sa twing naiisip ka puso ko'y tumalon sa kilig na di mawari
Iba ang ngiti ko sa mga labi
O binibini ko ang swerte ko ba sayo
Oras-oras pinaramdam mo na mahalaga ako

O kay saya pag mahal ka ng binibini mo
Kahit anong kalokohan basta masaya lang kayo pareho
Yung tipong parehas kayo kuntento
Diba ang sarap pag yan relasyun nyo

Binibini ko lagi mong tandaan
At itatak sayong isipan
Hindi kaman kasing ganda sa iniidolo mo na artista
sana naman sarili mo wag mo namang ibaba

Ngunit likha ka rin ni ama
Kaya dapat sarili mo bigyan ng halaga
Kahit hinuhusgahan kaman nila
Basta ang importante mahal nating ang isa't-isa

Kaya binibini ko
Patunayan ko sayo na mahal kita at di magbabago
Marami pa akong plano para sa relasyung to
Sapagkat masaya ako sayo
Ang masasabi ko
Importante kita kaya I LOVE YOU

—Gm

(Requested)





25/10/2024

Spoken Poetry

"KAHIT DI NA AKO"

Mahal kahit di na ako
Kahit di na ako yung tipong nagpapasaya sayo
Kahit di na ako ang dahilan ng bawat ngiti mo
Kahit di na ako ang ra*on sa tunog ng mga halakhak mo
Kahit di na ako yung taong importante sa buhay mo
Kahit di na ako ang laman ng puso't isip mo
Kahit di na ako yung komompleto sa buong araw mo
At kahit sabihin na nating di na ako yung minamahal mo
Pero sa katunayan ikaw parin yung gusto
Kahit na durog na durog na puso ko kakaintindi sayo

Pero andito ako
Heto ako
Heto akong handang umunawa sa pinakitang kadramahan mo
Handang makinig sa mga paliwanag mong nakakagago
Handang intindihin para panindigan ko sayo
Na merong babaeng handang unawain ka
Na handang ibigay lahat ng oras para makausap ka
Na handang magsakripisyo para ipaalam sayo na mahalaga ka
Na handang suportahan ka
Na kahit akoy nasasaktan na

Mahal alam ko nawalan kana ng gana
Alam ko na ayaw mo na akong makita
Alam ko na ayaw mo na ako makasama
Alam ko pag gabi na di na ako ang yung pinapantasya
Alam ko na di na ako yung nagbigay sayo ng sigla at enerhiya
Pero sana naman ramdam mo kung pano ako nahirapan pag ganyan ka

Mahal alam mo kung gaano ka kahalaga sakin
Kaya nga ako'y nananatili parin
At pinapatuloy kang pipiliin
Na kahit masakit na sa damdamin
Pero patuloy ka paring pipiliin
Na kahit sa huli'y alam ko ito'y mawawasak rin

_gm✍️




25/10/2024

Spoken Poetry
Title: ALAM KO

Alam ko na dati pa may kahati ako sa puso mo
Alam ko na may iba kang ginustong tao
Pero pilit ko itong tinatago kahit ang sakit sakit sa p**iramdam ko
Yung tipong alam ko na ang totoo na hindi ako ang talagang mahal mo

Kinakaya ko ang lahat kahit masaktan
Maging tahimik upang ito'y maibsan
Upang maibsan ang aking kalungkutan
Ay dati puno ng kasiyahan at ngayon nagawa mo ng iwan

Sakit sambitin na tayo pa
Pero mas masakit isipin na mas pinili pa kita
Ako'y nahihirapan na sayong pagsuyo na lahat ay puro pambobola
Kaya ayaw ko ng maloko pa dahil hindi ako ang mahal mo kundi sya

Alam ko na akoy talo
Alam ko na akoy hindi para sayo
Alam ko na hindi tayo bagay para sa mata ng mga tao
At alam na alam ko na hindi ako importante sa buhay mo dahil may iba kang prinotektahan na puso

Mahal, sabihin nating tayo pa hanggang ngayon
Siguro ang saya-saya sana ng ating kahapon
Sige lang okay lang yon
Total minahal kita at seneryuso noon

Sa iyong paglisan puso ko'y nagdurugo
Ulo koy agad kong niyoko
Damdamin ko ay wala ng kibo
Dahil ramdam ko na hindi ako priority sayo

Iba na ang nagmamayri ng puso mo
Iba na ang nag-aalaga sayo
Iba na ang magsabi sayo ng ingat mahal iloveyou
s**t ang sakit parang pinana ni kopido ang puso ko

Mahal na miss na kita sobra
Ang paghawak ng mga kamay mo p**iramdam ko ako'y nasa langit na
Ang sweet mo dati diba?
Pero ngayon sa iba kana masaya

Ang lungkot ko hindi maipaliwanag
Kung e share ko pa to sakit lang maidagdag
Kaya ang dapat ko nalang gawin
Ay hayaan na kitang lumayo sakin

Dahil alam ko na sa kanya ka sasaya at lumigaya
Pabayaan na kita basta't mag-ingat ka
Dati minahal kita ng sobra pero ngayon wala na
Wag kanang umasa na ako'y babalik pa

Sana ingatan ka nya ng mas higit pa
Alam ko na di ka nya saktan dahil kita ko na mahal ka niya at ang masakit mahal mo din siya
Ang masasabi ko lang sayo sana hindi ka dyan magsisisi sa bago mo

-End

25/10/2024

Spoken Poetry " PAGOD NA AKO"

Pagod na ako
Yan ang salitang magpahinga na tayo
Salitang di na mababawi kung talagang pagod na tayo sa isang tao

Lahat ginawa ko
Lahat ginawa ko para patunayan sayo na ikaw lang minahal kong totoo
Kulang nalang nababaliw ako kahit litrato mo kinakausap ko

Mahal buong tiwala ko binigay na sayo
Kahit anong effort gawin ko mapasaya lang ang taong mahal ko
Pati katangahan ko inilaan ko
Kahit alam ko na sinaktan ko na sarili ko

Mahal kitang-kita mo na siguro
Kung anong katangahan at kabaliwan ang ginawa ko para sayo
Kahit nanlamig kana andito padin ako

Mahal sana ramdam mo naman kung pano ako nagsakripisyo sayo
Kahit dugo't pawis iaalay ko
Gawin ko lahat kahit binabalewala mo

Mahal di mo ba alam
Talagang di mo ba ramdam ?
Mahal pagod na ako
Sawa na ako sa pinap**ita mong motibo
At wala akong kwenta para mapansin mo

Sa twing oras na kailangan kita
Hinahanap ko paglalambing mo na kahit minsan man lang maramdaman ko na ako'y priority pa ba ?
O kahit pagtanong na mahal kumusta kana okay ka lang ba?kumain ka na ba ?

Pero wala eh ,
Wala akong narinig na katagang yan galing sayo
Kahit oras mo lang eh ipagdamot mo
Kaya ayon wala kang p**i sa p**iramdam ko
Kahit nakikita mo pang naiyak na ako

Mahal nasan na ba yung pangako mo ?
Diba sabi mo ayaw mo na makitang umiyak ako
Diba sabi mo dimo ipagpalit na kahit kanino

Pero ano ngayon?
Patuloy mong pinabayaan at masira ang ating relasyon
Mahal pagod na ako
Pagod na ako sa kalokohan mo

Naawa na ako sa sarili ko
Na nakakulong sa mga rehas ng pag aalipin mo
Mahal labis na akong nasaktan
Pwedi ba tama na ang pag panggap para ako'y makalisan

Pagod na ako
Pagod na talaga ako pati sa kasinungalingan mo
Pagod na rin akong mag mahal ng tao
Pero sa huli'y di naman tayo gusto

Paalam mahal pasensya na
Pagod na ako
Hanggang dito nalang tayo
Nasaktan mo na ako ng husto
Kaya mas piliin ko nalang mahalin sarili ko
Kaysa magmahal ng tao na ikaw lang mag isa ang intresado

25/10/2024

(Spoken Poetry)"DI SINASADYA"
✍️Gm

Di ko sinadyang magustuhan ka
Di ko sinadyang mahalin ka
Dahil nung una kang nakilala
Sa facebook lahat nag-umpisa

Masaya ako pag ka chat na kita
Masaya ako dahil konting biro napatawa mo na
Nagsimula lahat sa retohan,biroan, lokohan,at tawanan
Hanggang sa nagmamahalan

Ewan ko bakit ganito
Di ko maintindihan naramdaman ko sayo
Iba kasi parang ako'y natutunaw
Sa simpleng reply mo ako'y giniginaw

Alam mo para kang multo
Bigla kalang naparating sa buhay ko
Takot na takot baka ulit ay maloko
Pero ang katotohanan ako'y intresado sayo

Hindi ko man maamin
Sa sobrang sweet ng convo natin
At agad aking napansin
Akoy' nahulog narin

Ewan ko ba
Para akong ginayuma
Sa mga mabangong salita
Dahil araw, gabi hanggang umaga
Tayo'y nag-uusap pa
Hanggang sa makatulog na

Sa paglipas ng mga araw
Agad ko'y natatanaw
Mga pusong humihiyaw
Na sumisigaw
At biglang bumulong
Ay sana nalang ikaw

Pero pano ba ikaw na mismo
Nagparamdam na mahalaga ako
Eh anong magagawa ko nahulog na ako sayo
Kaya nga sinagot kita ng Oo

Sa di inaasang sandali
Di ko mapigilang ngumiti
Kaya salamat talaga
Dahil nakikilala kita

At nagpasalamat ako sa panginoon
Dahil bigay ka sakin upang inspirasyon
At sa sandaling disisyon
Nagsimula na ating relasyon

Kahit anong sabihin ng iba
Wala akong pake sa kanila
Sapagkat nagustuhan kita
Ipaglaban kita sa harap nila

Oo alam kong madali ang disisyon ko
Dahil sinagot ko ang di ko pa kabisadong tao
Pero maniwala kayo o hindi
Mahal ko na yon at di na mababawi

Sa tingin ko di ko kasalanan
Di ko kasalanan dahil di maiwasan
Nahulog ako sa kanya
Kaya sinagot ko lang bigla

Kaya mahal ko pangako
Wag kang mag-alala
Andito lang ako para sayo
Kahit malayo man ating espasyo
Mananatiling sayo lang intresado

Alam mo naman unang-una
Kahit sa Facebook lang tayo nagkakilala
Pangako patunayan ko sayo
Na di hayaang magbabago

Iingatan kita hanggang kaya ko
Iingatan kita gaya ng pag ingat ng mama mo
Kaya sa di sinasadya ay mahal na kita

Address

Makilala

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GM's Spoken Poetry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share