02/09/2025
Kasaysayan at Paglalakbay ng Pambansang Estruktura ng Tau Gamma Phi
Noong dekada ’70, ’80, at ’90, maraming Triskelion—mula juniors, seniors, alumni, hanggang elders—ang nakasaksi sa paglago ng Kapatiran. Ngunit ang isa sa pinakamahalagang yugto ay nang niratipika ang National Constitution noong taong 2000 (NC2000). Dito unang nabuo ang National Council (NC) at ang National Executive Council (NEC) na nagsilbing pambansang estruktura at liderato ng buong Kapatiran.
Marami ang natuwa sapagkat ito ang naging hudyat ng isang bagong simula.
Leadership Crisis ng 2002
Subalit, maikli lamang ang panahong ito ng pagkakaisa. Pagsapit ng 2002, nagkaroon agad ng leadership crisis sa loob ng NEC. Hindi ito “constitutional crisis” kundi simpleng tunggalian ng pamumuno. Kung noon ay nakialam at namagitan sana ang ating mga Founding Fathers (FFs), malamang ay agad nalutas ang sigalot.
Ngunit sa halip, itinatag ang Interim Coordinating Council (ICC) na kalaunan ay naging Triskelion Global Coordinating Council (TGCC).
Mula dito, lalong lumala ang bangayan sa pagitan ng NC/NEC at TGCC:
• Sa isang banda, ang mga naninindigan sa demokratikong probisyon ng NC2000.
• Sa kabila, ang mga umayon sa mga “appointed positions” ng TGCC.
Naging mas masalimuot pa ito nang isang FF ay kumampi sa NC/NEC habang tatlo naman ang pumanig sa TGCC.
Pag-usbong ng SGC at TFU
Lumakas ang panawagan ng pagkakaisa. “Unite or else!” ang sigaw ng ilan.
Unti-unti namang nagbago ang anyo ng TGCC at naging Supreme Grand Council (SGC), na inakalang nakamit na ang pangkalahatang liderato—ngunit hindi rin.
Dito nagkaroon ng kasunduan ang NEC at SGC na bumuo ng Task Force Unification (TFU), isang roadmap tungo sa minimithing pagkakaisa. Ngunit nabigo pa rin ito dahil sa pagpanaw ng lider ng SGC at pagkakasakit ng lider ng NEC.
Patuloy na Bisa ng NC2000
Mahalagang tandaan: nanatiling buhay at gumagana ang NC2000.
Ito ang nagsilbing modelo ng iba’t ibang municipal, city, provincial, at regional councils sa buong bansa—na lahat ay bumubuo ng NC. Ang tanging kulang lamang ay ang aktibong NEC.
Muling Pag-uulit ng Kasaysayan
Taong 2020, sa gitna ng pandemya, muling ipinakilala ng ilang grupo ang tinawag na “TGP Global Constitution (TGPG).” Para sa maraming kinatawan ng Konseho, malinaw itong isang power grab sapagkat hindi dumaan sa tamang proseso o demokratikong eleksyon.
Nakalimutan ng mga nagsusulong ng TGPG na bagaman walang NEC, nanatiling umiiral at lehitimo ang NC2000. Kaya noong Abril 17, 2021, nagdaos ng isang National Assembly ang mga halal na lider mula Luzon, Visayas, at Mindanao. Layunin nitong ipakita na ang NC ay hindi natutulog at magsasagawa ng halalan sa Nobyembre 2021 para sa panibagong NEC.
Aral ng Kasaysayan
Ang buong karanasang ito ay nagsisilbing paalala:
Mas kampante at tiwala ang mga Triskelion sa isang Konstitusyon na tunay na sumasalamin sa pambansang mithiin ng bawat isa—
• Malaya
• Malakas
• Matatag
• May awtonomiya
• May pagkakapantay-pantay sa bawat Chapter at Konseho
Malayo sa dikta o kapritso ng iilan.
At higit sa lahat, malayo sa mga pansariling agenda—mapa-pinansyal man, pampulitika, o para lamang sa sariling interes.
Salute
Brod. Genius