06/10/2026
PALDO!! From 20 years ago nila nakuha itong mga gold. Bigay ng isang royal family sakanila dahil sa pagiging mabait at loyal worker nila.
Story time!
From Italy sila ma’am and sir isang tagapangalaga ng mga hardin at ari-arian ng royal family at tumutulong sa pag-aasikaso ng mga silid at pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya.
Sa loob ng dalawang dekada, marami silang pinagdaanan. May mga araw na napakahirap ng kanilang trabaho. May mga pagkakataong inalok sila ng ibang tao ng pera kapalit ng mga lihim tungkol sa royal family. Ngunit palagi nilang tinatanggihan ang mga iyon.
Sabi nila boss mas mahalaga daw ang may peace of mind kesa sa pera na inaalok sakanila.
Isang araw pinatawag sila ng mga boss nila at binigyan sila ng regalo dahil sa tagal nilang namamasukan at sa pagiging mabait na worker nila.
Nung una ay ayaw nilang tanggapin at sabi nila boss na, sapat na po sa amin ang malaman na pinagkakatiwalaan ninyo kami.
Pero pinilit pa rin na tanggapin nila ang mga ginto dahil nga sa dalawang dekada nilang pagiging tapat sa boss nila.
Kaya tayo mga boss, maging tapat lang at mabait dahil kusang lalapit satin ang blessings kapag tayo ay may mabait na katauhan.