05/07/2026
'SINABIHAN AKONG PANGET'
Nagbigay ng pahayag si Palace Press Officer Claire Castro kaugnay ng kumakalat na video sa social media kung saan maririnig ang ilang indibidwal na sumisigaw at tumatawag sa kanya ng iba't ibang salita habang nasa Vancouver, Canada.
Ayon kay Castro, iginagalang niya ang karapatan ng bawat isa sa malayang pagpapahayag ng opinyon, ngunit sinabi niyang hindi ito dapat nauuwi sa pambabastos.
"May freedom of expression tayo, pero hindi naman kailangan maging bastos. Pilipino kayo, hindi naman ganyan ang ugali ng Pilipino."
Nagbiro rin si Castro hinggil sa mga tumawag umano sa kanya ng "pangit" at "sinungaling."
"Sinabihan ako na panget, sinungaling. Yung sinabihan nila na panget daw ako, feeling ko sila yung sinungaling."