24/07/2026
Be a Responsible Miner! 🙏❤️
Dear buyers, bago po kayo mag-mine, please make sure na 100% sure kayo sa item na mina-mine ninyo. Wala naman pong pumipilit sa inyo na mag-mine, so sana maging responsible tayo sa bawat mine.
Hindi po biro ang effort na binibigay namin para sa aming small business. Malaking abala rin po sa aming mga seller kapag kami pa ang kailangang mag-follow up o magmakaawa para sa payment. As a buyer, sana po magkusa na lang tayong magbayad.
Please support our small business by being a responsible miner. Iwasan po natin ang pagiging joyjoy miner at respetuhin ang oras at effort ng bawat seller. Kung kayo rin po ang nasa position namin, for sure hindi rin ninyo gugustuhin na mangyari ito sa inyo.
Sa mga kapwa kong seller na lumalaban nang patas, ipagdasal na lang natin ang mga joyjoy miners. 🙏❤️
P.S ang dami mong namine nung live pero nung bayaran di ka na nagparamdam (Aray ko 🙄🫵👊)