08/01/2026
⚠️ PAALALA SA LAHAT NG LPG RETAILERS AT DEALERS ⚠️
Mag-ingat at maging handa po tayo. Sa kasalukuyan ay mas mahigpit na ang pagpapatupad ng DOE sa LPG industry, lalo na sa mga tindahan at dealers ng LPG.
Ang tinitingnan ngayon ay:
✅ Valid DOE License to Operate (LTO)
✅ Updated na DTI, Mayor’s Permit, at BFP FSIC
✅ Supplier’s Certificate ng brand na binebenta
✅ Original at branded LPG tanks lamang (bawal ang generic o colorum)
✅ Walang decanting o iligal na refilling
✅ Maayos na safety setup (fire extinguisher, signages, tamang storage)
❌ Ang may kulang o hindi sumusunod ay maaaring makaranas ng:
– Notice of Violation
– Multa
– Suspension o kanselasyon ng LTO
– Kaso kapag may aksidente
Hindi ito pananakot kundi paalala para sa kaligtasan ng lahat at para maiwasan ang abala sa negosyo. Mas mabuting sumunod kaysa magsara.
👉 I-check ang inyong papeles at siguraduhing compliant bago ma-inspeksyon.
Safety first. Legal LPG only.