17/09/2026
Hello, good afternoon, mga Ka-Hopia!
Sa lahat po ng nagsesend ng messages at PM, pasensya na po kung hindi namin kayo mareplyan agad. Sobrang dami po talaga ng inquiries kaya minsan natatambakan ang messages, pero huwag po kayong mag-alala binabalikan at sinasagot po namin ang lahat hangga’t maaari.
ORDER SCHEDULE:
Every THURSDAY – Last day / cut-off ng orders
Every SUNDAY – Delivery, meet-up, pick-up, at release ng orders
Once a week lang po kami nagde-deliver. Ginagawa namin ito para masigurong bagong gawa at fresh ang mga produktong matatanggap ninyo.
Hindi po kami ang mismong factory ng Ribbonette’s Hopia. Kami po ay DIRECT SUPPLIER OF TIPAS PRODUCTS.
Kung kayo ay taga Taguig, Ortigas, Cubao, Antipolo, Quezon City, Montalban, North Caloocan, at lalo na sa Bulacan tulad ng SJDM, Sta. Maria, at Norzagaray, maaari po kayong makatipid kung sa amin kayo kukuha.
Ang pricing po namin ay ginawa para sa mga RESELLERS at WHOLESALERS, lalo na sa mga gustong makakuha ng mas magandang presyo pero hindi kayang abutin ang minimum order requirement para sa factory pricing.
Kapag sa amin po kayo nag-order, hindi na ninyo kailangang bumiyahe at magbuhat ng orders mula sa factory.
Inaayos din po namin ang delivery route bawat Sunday para mapagsama-sama ang mga lugar na magkakalapit.
Kung along the way ang inyong location, maaari tayong mag-meet-up. Kung kailangan naman ng delivery papunta sa inyong area, hangga’t maaari ay kino-compute namin ito mula sa pinakamalapit naming delivery or meet-up point para mas makatipid kayo sa delivery fee.
Kaunti lamang po ang idinadagdag namin sa presyo para sa oras, effort, pag-pick up, pag-sort, at pagdadala ng inyong orders. Maaari rin po ninyong i-compare ang aming prices sa ibang sellers.
Ang goal po namin ay simple:
Mas madaling kumuha ng Ribbonette’s products, mas kaunting biyahe at pagod, at may presyo pa ring suitable para sa resellers at wholesalers.
Maraming salamat po sa inyong patience, tiwala, at suporta.
Kita-kits every Sunday, mga Ka-Hopia!