15/08/2026
MALIIT ANG TUBO NAMIN, PARA MAY PUWANG DIN KAYONG KUMITA. 🤎
Simple lang po ang goal namin hindi lang kami ang kumita, gusto naming kumita rin ang aming Wholesale sellers at Resellers.
Kaya as much as possible, pinapanatili naming mababa at competitive ang presyo namin. Sa totoo lang, may mga pagkakataon pa na mas malaki ang potential na kita ng reseller o wholesale seller kaysa sa margin namin kada box and okay lang po iyon. Dahil gusto naming magkaroon ng pagkakataon ang mas maraming sellers na makapagsimula at kumita.
Kasama rin sa service namin ang effort na hindi na ninyo kailangang:
✔️ Bumiyahe papuntang factory
✔️ Makipag-unahan sa ordering
✔️ Gumastos ng oras at gas para makakuha ng stocks
✔️ Mag-asikaso ng pickup at sourcing
Kami na po ang gumagawa ng mga iyon para sa inyo.
Kapag along the way ang delivery, hangga’t kaya namin, kami na rin ang sumasagot sa gas at delivery. Nagkakaroon lang po ng additional delivery fee kapag masyadong malayo na o out of route ang location.
Pwede naman pong dumiretso sa factory, at naiintindihan namin iyon. Pero makikita po ninyo ang malaking difference dahil ang gusto naming maibigay ay hindi lang mababang presyo kundi convenience, consistency, service, at oras na matitipid ninyo para makapag-focus sa pagbebenta.
We value trust, ethics, fairness, and quality. 🤎
Kaya hangga’t kaya namin, hindi kami basta nagtataas ng presyo. Pero kailangan din naming panatilihing fair at sustainable ang sistema para patuloy namin kayong mapagsilbihan nang maayos.
Hindi man pinakamalaki ang kita namin sa bawat box, mas mahalaga sa amin ang consistent na negosyo at mas maraming sellers na sabay-sabay umaangat.
Kapit lang tayo. Tulungan tayo. At more sales para sa ating lahat! 🤎
— Ribonettes Tipas Hopia
Direct Supplier of Tipas Products 🫶