10/09/2026
✨ STORY TIME ✨
Nagsimula ang lahat sa simpleng pagdaan-daan namin sa area—noong mga panahong parang haunted house pa ang building na ’yan. 😅
Sabi ko kay Bogart,
“Ano kaya ang magandang ilagay diyan?”
Napakunot ang noo niya sabay sabi,
“Ano na naman ang iniisip mo?” ❗️😂
Lagi ko siyang kinukulit:
“Tawagan mo nga ’yang number na nakalagay sa building.”
Lagi naman niyang sagot, “Okay, okay…” pero hindi niya talaga tinatawagan dahil alam kong hesitant siya. 😅
Siyempre, dahil very impulsive at risk-taker si ako, ako na mismo ang tumawag! And tadaaaaah—kukunin na pala ni Cloudyn ang area kahit hindi pa niya alam kung saan siya kukuha ng pera! 😂😂😂
Pero dahil sa prayers at sa provision ni God, napatunayan naming kapag inilapit mo sa Panginoon ang lahat, God will always make a way and provide. 🙏🏻
Sinimulan ni Bogart ang construction kasama lamang ang kanyang Pakistani sidekick. Ilang araw at linggo ang lumipas, at sa tuwing kailangan naming bumili ng materials, hindi namin alam kung saan kami huhugot ng pera. Pero hindi kami nawalan ng pag-asa dahil alam naming nariyan si Lord—Siya ang kumikilos at gumagawa ng paraan.
Hindi naging madali ang proseso. Umaabot ng madaling-araw ang asawa ko sa pagtatrabaho dahil feeling contractor at engineer siya! 😅 Hindi kami kumuha ng contractor—sariling sikap, sariling DIY, at sariling diskarte talaga.
Lahat ng sulok at measurements ng shop, kabisado ni Bogart. Sasabihin ko lang kung ano ang gusto kong design, at dahil masunurin siyang asawa, gagawan niya talaga ng paraan para makopya at maisakatuparan! Pero ang totoo… wala talaga kaming pambayad sa contractor o engineer! Hahahaha! 😂
Umabot ng isang buwan, hanggang sa naging dalawang buwan ang construction. Minsan nasabi ko pa sa kanya,
“Amoy Pakistani ka na!” 😅✌🏻🤭
Sa sobrang bonding nila ng electrician na kasama niya!
Maraming aberya—lalo na sa kuryente at hotel facilities. Maraming pagod, puyat, problema, at pagsubok. Pero sa perfect timing ni God… ayaaaaarn, natapos din! 🙌🏻✨
Noong araw ng opening, hinahanap ko si Bogart. Yun pala, nasa labas siya—matagal na nakatayo at tahimik na nakatitig sa salon. Pagkatapos, sinabi niya:
“Ito ang katas ng dugo at pawis natin.” 🙏🏻🙏🏻🙏🏻
Sobrang simple ng mga salitang iyon, pero ramdam ko ang lahat ng pagod, puyat, sakripisyo, at pagmamahal na ibinuhos namin para mabuo ang pangarap na ito. 🥹❤️
Mula sa dating mukhang haunted house, naging bunga ito ng aming pananampalataya, pagsisikap, sakripisyo, at pagmamahalan.
Kapag may pangarap kang inilapit sa Panginoon, huwag matakot magsimula kahit hindi mo pa alam kung paano ito matatapos. Magtiwala ka lang, kumapit ka lang, at hayaan mong si Lord ang gumawa ng paraan.
To God be all the glory! 🙏🏻❤️
Thank you, Daddy Bogart, sa lahat ng pagod, puyat, at sakripisyo. We made it—with God! 🥹