05/06/2026
Sa lahat ng old pictures namin, ito talaga ang pinaka-special para sa akin. Tuwing nakikita ko ito, naaalala ko lahat ng hirap na pinagdaanan namin noonโyung mga panahong nangangarap lang kami ng mas magandang buhay at hindi sigurado kung kailan darating ang pagbabago ๐ฅนโบ๏ธ
Ang laki ng difference ng buhay noon kumpara ngayon. Pero hindi naging madali ang lahat ng ito. Maraming sacrifices, pagod, paghihintay, at mga pagkakataong gusto mo nang sumuko pero pinipili mo pa ring lumaban๐ช๐ป๐ฅฐ
Dati, akala ko kapag hindi ka nakatapos ng kolehiyo, wala ka nang mararating sa buhay. Pero habang tumatagal, narealize ko na hindi pala diploma lang ang sukatan ng tagumpay. Kapag madiskarte ka, marunong magtiyaga, handang matuto, at hindi sumusuko sa mga pagsubok, at palagi kang mag iisip ng positive,maraming pinto ang pwedeng magbukas para saโyo.Dapat marunong kng maging thankful s mga bagay na natatangap mo araw2 ๐ซถ๐ป
Importante rin na mahal mo ang ginagawa mo. Hindi lang dahil kikita ka, kundi dahil may pangarap kang gustong maabot at may purpose ka sa bawat ginagawa mo. Ang sipag, determinasyon, consistency, at pananampalataya ang mga bagay na hindi kayang palitan ng kahit ano๐๐ป
This photo reminds me na lahat ng pinagdaanan namin noon ay may dahilan. Hindi man naging madali ang journey, worth it ang bawat pagod at sakripisyo. At kung may natutunan man ako, ito yunโhindi mahalaga kung gaano kabagal ang usad mo, ang mahalaga ay hindi ka tumitigil.
Malayo pa ang pangarap, pero sobrang layo na rin ng narating. โค๏ธ๐โจ