It's all about 360 mall

It's all about 360 mall Villa Fayrouz Family

03/03/2017
03/03/2017
Royal Forces pinasusuko na ni P-Noy MANILA, Philippines - Mismong si Pangulong Benigno Aquino III na ang nanawagan kahap...
03/03/2013

Royal Forces pinasusuko na ni P-Noy

MANILA, Philippines - Mismong si Pangulong Benigno Aquino III na ang nanawagan kahapon sa mga miyembro ng Royal Forces at taga-sunod ni Jamalul Kiram III na su­muko na sa mga awtoridad ng Malaysia upang maiwasan ang muling pagdanak ng dugo.

Sa ipinalabas na statement ng Malacañang, sinabi ng Pangulo na ha­ngarin ng gobyerno ng Pilipinas na maiwasan muli ang madugong engkuwentro.

“Sa ating mga mamamayan sa Lahad Datu, simula’t sapul hangarin namin na maiwasan ang pagkawala ng buhay at pagdanak ng dugo. Ngunit hindi kayo nakiisa sa layuning ito,” sabi ng Pangulo.

Mistulang sinisi rin ng Pangulo ang mga tagasunod ni Kiram na nagmatigas at mas piniling lumaban sa mga awtoridad ng Malaysia.

“Dahil sa paraang pinili ninyo, nangyari na ang iniiwasan,” anang Pangulo.

Ang nag-iisang ma­ka­tuwirang paraan na lamang umano sa nga­yon ay sumuko ang mga nagmamatigas na Royal Forces ng mga Kiram.

“Kung may hinaing kayo, mali ang paraan na pinili ninyo. Ang makatuwiran at kaisa-isang inyong dapat gawin ay sumuko na. Sa inyong may impluwensiya at may kakaya­hang makiusap sa kanila, pakiabot ang mensaheng ito: Sumuko na kayo ng walang kondisyon,” anang Pangulo.

Ayon naman kay Pre­sidential Communication Secretary Ricky Carandang, desidido ang mga Malaysian authority na ipagpatuloy ang kanilang operasyon laban sa mga Kiram na nagnanais ma­bawi ang Sabah.

Nilinaw ni Carandang na hindi inaabandona ng gobyerno ang paghahabol sa Sabah taliwas sa mga batikos sa gobyerno ng grupo nina Sultan Jamalul Kiram III.

Aniya, iginagalang nila ang opinyon ng mga nagsasabi na mistulang binitiwan na ng gobyerno ang claim sa Sabah dahil sa patuloy na paggigiit na pauwiin na sa bansa ang grupo ni Kiram.

Royal Army nilusob: 10 patay MANILA, Philippines - Sumiklab ang pina­ngangambahang bakbakan sa Lahad Datu, Sabah matapos...
01/03/2013

Royal Army nilusob: 10 patay

MANILA, Philippines - Sumiklab ang pina­ngangambahang bakbakan sa Lahad Datu, Sabah matapos lusubin na ng Malaysian Commandos ang higit sa 200 kasapi ng Sultanate Royal Army kung saan 10 Pinoy Muslim at dalawa sa Malaysian Police ang iniulat na nasawi.

Unang inihayag ni Raja Muda Agbimuddin Kiram, ang namumuno sa Royal Sultanate Forces at kapatid ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III, sa pamamagitan ng radyo na nagkaroon ng putukan dakong alas-6 ng umaga at naulit dakong alas-10 ng umaga.

Sa pulong balitaan naman ni Sultan Kiram sa Maharlika Village sa Taguig City, sinabi ng taga­pagsalita nito na si Abe Idjirani na ang pu­wersa ng Malaysia umano ang unang nagpaputok sa kanilang mga kasamahan dakong alas-6 ng umaga at pinalibutan ang puwer­sa ni Agbimmudin.

Kinumpirma naman ni Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez na nagkaroon ng matinding bakbakan bago natapos ang standoff sa Lahad Datu at kontrolado na ngayon ng Malaysian authorities ang sitwasyon sa Sabah.

Sinabi ni Hernandez, kabilang sa 10 na napatay ang may-ari ng bahay na tinirhan ng tumatayong lider ng Sultanate Royal Army na si Rajah Muda.

Sinabi rin ni Hernandez na 10 miyembro ng Sultanate royal army ang sumuko at nasa kustodya na ng Malaysian forces habang tinutugis na ang mga tumakas na grupo ni Kiram. Hindi mabatid kung kasama rito ang kanilang lider na si Rajah Muda.

Ayon kay Hernandez, wala pang kinatawan ng Embahada sa Lahad Datu dahil hanggang kahapon ay hindi pa sumasagot ang Malaysian government sa kahilingan ng DFA na magkaroon ng access ang pamahalaan sa mga Pinoy sa Lahad Datu.

Nakasaad sa note verbale ni DFA Sec. Albert del Rosario na magpapadala ang Pilipinas ng isang Philippine Navy ship (80-296 BRP Magbanua) sa Lahad Datu para matulungan ang mga Pinoy na naipit sa bakbakan.

Binatikos naman ng mga Kiram ang umano’y kapabayaan ng pamahalaan sa paghawak ng standoff sa Sabah na nauwi sa pagkamatay ng maraming Pinoy. Sa kabila nito, huling nasabi ni Rajah Muda na hindi sila aalis o mananatili sila sa Lahad Datu at doon na mamamatay.

Tinawag naman ni Fatima Cecilia Kiram, asawa ni Sultan Kiram na “anti-Muslim” at tagapagsalita ng Malaysia si Interior Secretary Mar Roxas dahil sa mga pahayag umano nito na pabor sa Malaysia sa halip na sa Pilipinas.

Kabilang dito ang pa­nawagan na umatras na ang puwersa ni Kiram upang hindi masira ang relasyon ng Pilipinas at Malaysia at pagsasabi na higit 800,000 Pilipino na naninirahan at nagtatrabaho sa Malaysia ang maaapektuhan sa aksyon ng mga Kiram.

Unang dumating sa Sabah ang puwersa ni Kiram nitong Pebrero 9 at nag-umpisa ang stand-off.

Nais bawiin ng Sulta­nate ng Sulu ang Sabah sa Malaysia na unang inupahan sa kanila ng North Borneo British Company sa halagang 5,300 Ringgit kada taon o katumbas na P70,000 sa loob ng 100 taon.

Ngunit nang umalis ang mga Briton at ma­bigyan ng kasarinlan ang Malaysia, hindi umano ibinalik ang Sabah at ipinagpatuloy na lamang ang pag-upa sa napa­kababang halaga kahit na kumikita ang Malaysia ng bilyon-bilyong halaga kada taon dahil sa nakukuha ritong palm oil.

Sultan umapela kay PNoy sa Sabah MANILA, Philippines - Umapela na kahapon ang Sultan ng Sulu kay Presidente Aquino na ma...
21/02/2013

Sultan umapela kay PNoy sa Sabah

MANILA, Philippines - Umapela na kahapon ang Sultan ng Sulu kay Presidente Aquino na mamagitan na sa pamahalaan ng Malaysia para wakasan na ang krisis kaugnay ng standoff sa pagitan ng may 400 royal forces ng Sulu at ng mga Malaysian authorities sa Sabah.

Ito’y kasunod ng pag­papatupad ng food blockade ng Malaysia para harangin ang supply ng pagkain na inihahatid ng mga sympathizers ng mga naturang Pilipino na nagmamatigas na huwag umalis sa Sabah dahil ito’y pag-aari ng Sulta­ nate ng Sulu.

Ayon kay Abrahim Ijirani, spokesman ng Sultan ng Sulu, tanging ang direktang pakikipag-usap ng Pangulo sa pinakamataas na pinuno ng Malaysia ang makalulutas sa naturang standoff.

Sa kabila ng warning­ ng Malaysia, sinabi ng mga Pilipinong nasa Sabah na hindi sila aalis dahil ang Sabah ay pag-aari ng Sulu at umuupa lang dito ang Malaysia.

Samantala, iniutos ni Pangulong Aquino sa kanyang legal team na pag-aralan ang sinasabing dokumento na ibinigay ng Sultan ng Brunei sa Sultanate ng Sulu ang Sabah.

Nais malinawan ng Pangulo ang tunay na nilalaman ng kasunduan noong 1878 na sinasa­bing nakasulat sa Tausug, English at French.

Magugunita na ang may 400 followers ni Sultan Jamalul Kiram III ng Sulu ay nagtungo sa Sabah upang umano’y bawiin ang kanilang pag-aari hanggang sa harangin sila ng Sabah authorities.

Sa panayam, nais umano ng kampo ni Sultan Kiram na itaas ang upa ng Malaysian go­ vernment sa paggamit nito sa lupain ng Sabah na kumikita daw ng $75 bilyon taun-taon para sa Palm Oil at Natural gas nito pero ang upa lamang ng Malaysian government ay P73, 399.00.

21/02/2013

2 patay sa bagyong 'Crising'

MANILA, Philippines – Dalawa na ang kumpirmadong patay at dalawa pa ang nawawala dahil sa tropical depression na “Crising” habang patuloy ang paglapit nito sa katimugang bahagi ng Palawan ngayong Huwebes ng umaga.

Pinangalanan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang pinakahuling nasawi na si Erwin Campana, 43, ng Baranggay Camansi, Montevista sa Compostela Valley.

Nalunod si Campana matapos subukang tawirin ang ilog sa kanilang baranggay sa kasagsagan ng bagyo.

Noong Miyerkules naitala ng NDRRMC ang unang namatay na si Francisco Digaynon, na nalunod din nang tangkaing tawirin ang Taytayan River.

Kinilala ang mga nawawala na sina Percela Apolinario, 63, ng baranggay Magugba, Libacao sa probiinsya ng Aklan at Suden Abdullah ng baranggay Pinol, Maitum sa Sarangani province.

Natangay ng malakas na agos ng tubig si Apolinario habang tumatawid sa ilog, habang nilamon ng malaking alon ang sinasakyang bangka ni Abdullah habang pauwi mula sa pangingisda.

Ayon sa NDRRMC, umabot na sa 25,350 pamilya o 120,269 na katao ang naapektuhan ng bagyo. Nasa 864 pamilya pa o 3,950 katao ang nananatili sa mga evacuation centers.

Umabot na sa 87 bahay ang nasira ng bagyo dahil sa mga pagbaha sanhi ng dala nitong malakas na mga pag-ulan.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nasa 480 kilometro ng hilaga-kanluran ng lungsod ng Zamboanga ang mata ng bagyo nitong 6 ng umaga.

Gumagalaw si Crising patungong kanluran hilaga-kanluran at malapit sa katimugang Palawan na nananatiling nakapailalim sa public storm warning signal number 1.

Naka full alert na ang mga disaster response units sa katimugang bahagi ng Palawan.

Sinabi ng PAGASA na maaring magdala ng katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan ang bagyo sa mga apektadong lugar sa Palawan.

Rio Grande de Mindanao umapaw; 4,000 pamilya apektado MANILA, Philippines – Lumikas ang halos 4,000 pamilya sa mas matat...
21/02/2013

Rio Grande de Mindanao umapaw; 4,000 pamilya apektado

MANILA, Philippines – Lumikas ang halos 4,000 pamilya sa mas matataas na lugar matapos umapaw ang Rio Grande de Mindanao dahil sa walang tigil na pag-ulan sa rehiyon nitong nakalipas na tatlong araw.

Apektado ang mga baranggay sa pagitan ng bayan ng Kabacan sa North Cotabato at mga bayan ng Montawal at Pagulungan sa Maguindanao.

Ayon sa Catholic radio station na dxMS ngayong Huwebes ng umaga ilang baranggay sa Midsayap, North Cotabato ang apektado rinng pagbaha dahil sa pag-apaw ng Rio Grande de Mindanao.

Sabi ni Susan Macalipat, municipal social welfare officer ng Kabacan, pitong baranggay malapit sa mga riverbanks sa kanilang bayan ang lubog sa hanggang baywang na baha.

Umabot sa 2,229 pamilya ang lumikas nang rumagasa ang baha sa mga baranggay ng Kayaga, Pedtad, Buluan, Nangaan, at Cuyapon sa silangang bahagi ng bayan ng Kabacan, dagdag ni Macalipat.

“This is a perennial, recurring problem. Our people have become so used to evacuations due to floods because our town is crisscrossed by big rivers,” sabi ni Joseph Adam, municipal engineer ng Montawal.

20/02/2013

Hamon ng Pinas ibinasura ng China

MANILA, Philippines - Ibinasura lamang ng China ang hamon ng Pilipinas na magharap sa United Nations tribunal hinggil sa territorial dispute sa West Philippine Sea o South China Sea matapos na isoli ang “notification and statement of claim” na ibinigay ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Embahada ng China sa Manila kamakalawa.

Kinumpirma ng DFA na isang note verbal mula kay Chinese Ambassador to Phl Ma Keqing ang kanilang tinanggap kung saan nakasaad na nire-reject ng China ang nasabing ‘notification and statement of claim’ ng Pilipinas.

Iginiit ng Chinese Ministry of Foreign Affairs ang kanilang “undisputable sovereignty” sa Nansha at sa buong mga kalapit na isla na nakapaloob sa kanilang 9-dash line claim kung saan mayroon umano silang historical at legal na basehan para angkinin ito.

Binigyang-diin ng China ang kanilang posisyon na maaayos lamang ang sigalot sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea sa pamamagitan ng bilateral negotiations sa pagitan ng mga claimants at hindi sa pakikialam ng ibang bansa at maging sa international tribunal.

Sa kabila nito, ipinaliwanag ng DFA na walang epekto o saysay ang pagbasura ng China sa notification and statement of claim ng Pilipinas dahil tuloy pa rin ang itatakdang pagdinig sa kaso na inihain noong Enero 22, 2013 sa UN tribunal kahit hindi makiisa ang China.

Pinoy bibitayin sa Marso 17, 2013MANILA, Philippines - Nakatakdang bitayin sa Marso 17 ang isang OFW na nakapatay ng isa...
20/02/2013

Pinoy bibitayin sa Marso 17, 2013

MANILA, Philippines - Nakatakdang bitayin sa Marso 17 ang isang OFW na nakapatay ng isang Sudanese national sa Saudi Arabia kung hindi pa rin maibibigay ang P44 milyong blood money na hinihingi ng pamilya ng biktima sa itinakdang palugit o araw.

Nauna nang itinakda ang pagpugot sa ulo ng Pinoy na si Joselito Zapanta, 32-anyos, tubong Bacolor, Pampanga noong Nobyembre 14, 2012 subalit napakiusapan ng pamahalaan ang pamilya ng biktima na maipagpaliban ang pagbitay ng hanggang apat na buwan at ibinaba pa sa P44 milyon (4 milyon Saudi Rial) ang blood money mula sa P55 milyon o 5 milyon SR na unang hiningi.

Base sa rekord, si Zapanta ay hinatulan ng kamatayan ng Saudi court matapos mapatay sa pamamagitan ng pagpukpok ng martilyo at pagnakawan ang kanyang Sudanese landlord na si Saleh Imam Ibrahim noong 2009.

Nabatid na may P4 mil­yon na ang nadeposito ng gobyerno sa bank account na binuksan ng Embahada para kay Zapanta sa Saudi habang may isang pribadong indibidual na nag-donate ng P1 milyon na agad ding naipasok sa nasabing bank account.

Nagsasagawa na rin ng fund raising drive ang provincial government ng Pampanga sa pangunguna ni Gov. Lilia Pineda para sa blood money ni Zapanta habang may 400 OFW families ang nag-ambag sa nagdaang christmas party ng Blas F. Ople Center, isang non government organization na pinamumunuan ni Susan Ople para sa Save Zapanta drive.

Bunsod nito, muling umapela kahapon si Vice President at Presidential Adviser on OFWs’ Concerns Jejomar Binay sa publiko na tumulong na mag-ambag sa blood money na kailangan ni Zapanta kapalit ng kanyang buhay at kalayaan sa Saudi.

Sinabi ni Binay na ang pamilya ni Zapanta ay mahirap lamang at hindi makalikom ng P44 milyon.

Si Zapanta ay nagtungo sa Saudi noong Oktubre 14, 2007 at nagtrabaho bilang tile setter upang suportahan ang kanyang magulang at dalawang anak sa Pampanga.

Address

Kuwait City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when It's all about 360 mall posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share