Bago.shop.mm

Bago.shop.mm လက်ကားဈေးအသက်သာဆုံး အိမ်သုံးပစ္စည်း myanmar

Karamihan sa senyales at sintomas ng menopause ay panadalian lamang. Heto ang mga payo namin:1. Kumain ng sapat. Kailang...
17/01/2024

Karamihan sa senyales at sintomas ng menopause ay panadalian lamang. Heto ang mga payo namin:
1. Kumain ng sapat. Kailangang kumain ng kumpleto kabilang na ang mga prutas, gulay, at buong butil o whole grains at limitahan ang pagkain ng mga taba, mamantika at matatamis. Kabilang dito ang pag-take ng calcium at vitamin D galing sa pagkain o tableta kada araw.
2. Magkaroon ng maayos na tulog. Iwasan ang uminom ng kape sa gabi.
3. Mag-ehersisyo araw-araw. Maglaan ng 30 minuto na katamtaman bigat ng mga gawain lalo na sa umaga para makatulong laban sa pagtanda. Makatutulong din ito sa pagbawas ng timbang at stress.
4. Kung mayroong panunuyo sa pwerta o makaramdam ng sakit habang nagtatalik, gumamit ng over-the-counter na water-based lubricants (tulad ng KY Jelly). Makatutulong rin kung aktibo ka pa rin sa pagtatalik.
5. Hot flashes o mainit na pakiramdam. Subukan mag-ehersisyo. Alamin kung ano ang nagpa-trigger sa hot flashes, maaaring kabilang dito ang mainit na inumin, maanghang na pagkain, alak, mainit na panahon at lugar.
6. Kumain ng soya tulad ng soy milk at tokwa. Ang soya ay karaniwan pinagkukunan ng isoflavones, isang compound na maaaring makatulong sa hot flashes. Kung may kanser sa suso, kausapin ang iyong doktor bago kumain nito.

Maraming may fatty liver na resulta base sa ultrasound. Ang fatty liver ay taba na naimbak sa selula ng atay at kadalasa...
17/01/2024

Maraming may fatty liver na resulta base sa ultrasound. Ang fatty liver ay taba na naimbak sa selula ng atay at kadalasan ay nakikita sa mga edad 40’s at 50’s.
Kadalasan ay walang sintomas ito pero sa ibang pasyente ay lumalaki ang atay, makirot sa kanang bahagi ng tiyan at madaling mapagod.
Ayon sa mga eksperto, maaaring may kaugnayan ang fatty liver sa pagiging mataba, mataas na as**al sa dugo o diabetes, mataas ang triglyceride at kolesterol. Ang iba pang risk factor ay PCOS o Polycystic o***y syndrome, hypothyroid at iba pang sakit.
Tamang pagkain sa fatty liver:
1. Kumain ng mga 2 tasang gulay at 2 tasang prutas kada araw.
2. Puwede kumain ng mais, patatas, kamote, ube at kamoteng kahoy. Magbawas sa kaning puti.
3. Mabuti ang protina galing sa isda, mongo beans, karne, manok na walang taba, low fat milk, yogurt at soya milk.
4. Piliin ang healthy fats tulad ng mani, kasoy, garbanzos at olive oil. Umiwas sa butter o krema, mayonnaise at sebo.
5. Panatilihin ang tamang timbang at regular na mag-ehersisyo.
6. Tubig ang pinakamagandang inumin para sa iyo. Umiwas sa matatamis na inumin.

Kung regular kang nakararanas ng pagkalungkot, iritable, pabago-bagong mood bago ang iyong regla, maaaring mayroon kang ...
17/01/2024

Kung regular kang nakararanas ng pagkalungkot, iritable, pabago-bagong mood bago ang iyong regla, maaaring mayroon kang premenstrual syndrome.
Kaya malunasan ang premenstrual syndrome sa pamamagitan ng lifestyle changes.
1. Baguhin ang iyong diet.
• Kumain ng mas kaunti, pero mas madalas para mabawasan ang paglaki ng tiyan.
• Limitahan ang asin at maaalat na pagkain.
• Pumili ng mga pagkaing mataas sa fiber gaya ng prutas at gulay.
• Pumili ng pagkain na mayaman sa calcium tulad ng fat-free, o low-fat dairy products. Pwede uminom ng calcium supplements.
• Iwasan ang pag-inom ng kape at alak.
2. Ang regular na pag-e-ehersisyo ay maaaring magpakalma ng maraming mga sintomas.
3. Magbawas ng stress. Ang stress ay maaaring magpalubha sa sintomas ng premenstrual syndrome.
• I-plano ang sarili sa loob ng 1 linggo habang inaasahan ang sintomas ng PMS.
• Magkaroon ng sapat na tulog
• Magsanay ng pang-parelax na therapy. Ang pagsasanay ng malalim na paghinga ay maaaring makatulong na mabawasan ang pananakit ng ulo, pagkabalisa, o hindi pagkatulog.
Kung hindi gumaling ang premenstrual syndrome sa pamamagitan ng lifestyle changes, kumonsulta sa iyong doktor.

Ubo na higit 2 linggo: Alamin ang LunasPayo ni Doc Willie OngMaraming dahilan ang ubo. Minsan ito ay dulot ng simpleng s...
17/01/2024

Ubo na higit 2 linggo: Alamin ang Lunas
Payo ni Doc Willie Ong

Maraming dahilan ang ubo. Minsan ito ay dulot ng simpleng sakit.
Ngunit kung ito ay pabalik-balik at tumatagal na, baka ito ay isa ng nakahahawang sakit.
Ang mga karaniwang sanhi ng ubo ay ang trangkaso, sipon at allergy.
Karaniwan ito ay kusang gumagaling paglipas ng mga ilang araw. Ang mga naninigarilyo ay nagkakaroon ng isang tinatawag na ubo ng naninigarilyo (smoker’s cough). Sa isang maruming kapaligiran, maraming tao ay nabubuo ang ubo at plema.
Ganunpaman, hindi sa lahat ng pagkakataon ng pag-ubo ay maaaring balewalain lang. Sa ilang mga kaso, ang matagal na pag-ubo ay maaaring maging tanda ng tuberkulosis o hika.
Ang TB sa ngayon ay nagagamot ng libre sa inyong mga health centers. Anim na buwan ang gamutan para gumaling at hindi makahawa sa buong pamilya.
Para sa mga taong naninigarilyo (lalo na sa mga naninigarilyo ng 10 sticks ng sigarilyo o higit pa sa isang araw), maaaring alerto ka sa iyong ubo dahil baka ito ay kanser sa baga.
Upang maging ligtas, magpa-kuha ng Chest X-ray at ganap na tumigil sa paninigarilyo.
Ang kasiyahan na makukuha mo mula sa paninigarilyo ay hindi mahalaga para ito ay ipagpalit sa magiging malubhang sakit.

Alamin Ang Mas MasustansyaPayo ni Doc Willie OngMagbibigay po ako ng dalawang pagkain, at piliin ninyo kung ano ang mas ...
17/01/2024

Alamin Ang Mas Masustansya
Payo ni Doc Willie Ong
Magbibigay po ako ng dalawang pagkain, at piliin ninyo kung ano ang mas masustansya? Mahuhulaan mo ba ang tamang sagot?
• Sabaw o ensalada.
Ang ensalada ay may kasamang gulay at kamatis na mas masustansya kumpara sa pangkaraniwang sopas. Tandaan lamang na gumamit ng light dressing o s**a para sa inyong salad. Huwag punuin ng Thousand Island sauce o Caesar’s salad sauce ang inyong ensalada para hindi makataba. Mataas din sa healthy fiber ang salad.
Winner: Salad.
• Dried fruits o fresh fruits.
Ang dried fruits tulad ng raisins, dried mangoes at preserved fruits ay mga prutas na tinanggalan ng tubig ang laman. Kaya lang, mataas sa as**al at calories ang mga dried fruits. Ang mga sariwang prutas naman ay may taglay na 80% na tubig at kumpleto pa ito sa bitamina at nutrisyon. Kung tayo ay papipiliin, mas masustansya ang presko na prutas.
Winner: Fresh fruits.
• Shrimp crackers (kropeck) o nilagang mani.
Ang mani ay sadyang masustansya, dahil punong-puno ito ng protina, minerals at fats. Huwag mag-alala dahil ang taba na taglay ng mani ay mga good fats na kung tawagin ay monounsaturated at polyunsaturated. Bukod dito, pinapababa din ng mani ang iyong bad cholesterol at may vitamin E pa ang mani. Ang kropeck naman ay gawa lang sa harina at mantika.
Winner: Nilagang mani.
• White wine o red wine.
Ang red wine ay may resveratrol at iba pang phytochemicals, na matatagpuan sa ubas. Ang mga kemikal na ito ay nagpapataas ng ating good cholesterol at pinapababa naman ang ating bad cholesterol. May pag-aaral na nagsasabi na baka makatulong din ang resveratrol laban sa kanser at para humaba ang ating buhay. Isang paalala lang: Para sa mga kalalakihan, huwag sosobra sa 2 wine glass ang inumin bawat araw. Para sa kababaihan, huwag sosobra sa 1 wine glass bawat araw. Ito’y dahil mas madali malasing ang kababaihan kaysa sa kalalakihan. Ngunit kung hindi naman kayo umiinom ng alak ay puwedeng huwag na lang umpisahan. Kumain na lang ng pulang ubas na may katumbas na benepisyo tulad ng red wine.
Winner: Red wine.
• Saging (latundan variety) o Saging (lakatan variety).
Ang saging ay mayaman sa potassium, vitamin B, tryptophan at carbohydrates. Kailangan kumain ng 2 saging bawat araw para sa ating puso. Pero anong klaseng saging ang dapat kainin? Ang lakatan na saging (madilaw, makapal ang balat at mas mahal) ay mas mataas sa vitamin C kumpara sa saging na latundan (maputi, manipis ang balat at mas mura) na walang vitamin C. Kaya mas maasim ang lasa ng lakatan na saging at mas masustansya ito.
Winner: saging na lakatan

Bukol sa Baga: Kanser Ba Ito?Payo Ni Doc Willie OngPara sa artikulong ito, kinuha ko si Dra. Meredith Garcia, isang espe...
17/01/2024

Bukol sa Baga: Kanser Ba Ito?
Payo Ni Doc Willie Ong
Para sa artikulong ito, kinuha ko si Dra. Meredith Garcia, isang espesyalista sa kanser para magbigay ng paliwanag. Heto ang payo ni Dra. Garcia.
Ang bukol ay madalas mababasa sa X-ray result bilang "mass", "nodule", "nodularity", "opacity" o "lesion". Madalas, nakikita ang mga bukol sa baga kapag nagpa-chest X-ray ang isang pasyente para sa mga sintomas tulad ng ubo o hirap sa paghinga. May mga pagkakataon din na nakikita lang ito nang hindi sinasadya sa executive checkup o sa annual examination ng mga nag-a-apply sa trabaho kahit na ang pasyente ay wala namang nararamdaman.
Maraming iba-ibang posibleng dahilan ang pagkakaroon ng mga mukhang "bukol" sa chest X-ray, tulad ng pulmonya (pneumonia), pigsa sa baga (lung abscess), TB (tuberculosis) at fungal infection. Meron ding tunay na bukol na benign o noncancerous tulad ng hamartoma. Pero ang isang mahalagang diagnosis na dapat imbestigahan ay cancer. Maaari itong primary lung cancer, metastatic lung cancer na kumalat mula sa cancer sa ibang bahagi ng katawan, o iba pang uri ng cancer tulad ng lymphoma, sarcoma at mesothelioma.
Kapag may nakitang "bukol" sa chest X-ray, mahalagang magpatingin agad sa doktor para maimbestigahan ang sanhi nito. Kukunin ng doktor ang iyong medical history at gagawan ka ng isang physical examination. Binubusisi rin ang itsura ng X-ray kung ito ay may mga katangian na mas mukhang benign o mas mukhang cancer.
Depende sa iniisip na diagnosis ng doktor, maaari siyang magpagawa ng mga karagdagang test para makumpirma ang kanyang diagnosis tulad ng CT scan, bronchoscopy (endoscopy ng baga) at biopsy. Dito sa Pilipinas kung saan talamak ang TB, madalas ding nagpapagawa ng lab test sa plema (sputum AFB).
Huwag balewalain ang anumang bukol sa chest X-ray lalo na kung ikaw ay may history ng malakas na paninigarilyo o mga sintomas na hindi nawawala o lumalala. Magpatingin kaagad sa doktor.

11/08/2023

👉သေးငယ်သော ဖုန်စုပ်စက်သည် ကျဉ်းကျပ်သောနေရာများတွင် ဖုန်စုပ်ခြင်းအတွက် ဖြေရှင်းချက်ဖြစ်သည်။
🛒အခုဝယ်ပါ http://ldp.to/mnvcbago
🎊ယနေ့ အထူးဝယ်ယူသူ 39 ဦးအတွက် 50% အထိ လျှော့စျေး
☎️ကုန်ပစ္စည်းမှာယူရန် ဖုန်းနံပါတ်ချန်ထားပါ။
🚛တနိုင်ငံလုံး အခမဲ့ ပို့ဆောင်ပေးပါသည်။-ထုတ်ကုန်များကိုစစ်ဆေးပြီးအိမ်တွင်ငွေပေးချေပါ။
--------------------------***-------------------------
✅ ကျစ်ကျစ်လစ်လစ်၊ သက်တောင့်သက်သာရှိပြီး လည်ပတ်ရလွယ်ကူသည်။
✅ အညစ်အကြေး filter ကို; အလွယ်တကူ သန့်ရှင်းရေးနှင့် အစားထိုးရန်အတွက် ခေါင်း ၃ လုံးပါရှိသည်။
✅ မိနစ် 30 ကြာ ဆက်တိုက် အသုံးပြုနိုင်သော ကြီးမားသော ဘက်ထရီ ပမာဏ

21/07/2023

"🌈ဆီလီကွန်ဘရက်ရှ် နှစ်ထပ်ဖြင့် သန့်ရှင်းရေးလုပ်ခြင်းက ပိုမိုလွယ်ကူသည်။ ရေချိုးခန်းသုံးပစ္စည်းများ
🛒အခုဝယ်ပါ https://www.bagoshop.asia/silicone-back-scrubber
🎁ယနေ့ထူးခြားသောဖောက်သည် ၃၀ အတွက် 30% လျှော့စျေးနှင့် အခမဲ့ ပို့ဆောင်ခ။
☎️အခုပဲ အော်ဒါတင်ဖို့ ဖုန်းနံပါတ်ထားခဲ့ပါ။ ပရိုမိုးရှင်းရှိနေဆဲဖြစ်သည်။
🚛အိမ်တွင်ငွေပေးချေပါ။ - တနိုင်ငံလုံး အရောက်ပို့ပေးပါတယ်။"

21/07/2023

😍သင့်နောက်ကျောကို ဆီလီကွန်ဘရက်ရှ်ဖြင့် ပွတ်တိုက်ခြင်းသည် ဘယ်သောအခါမှ မလွယ်ကူပါ။
🛒ဆိုဒ်တွင်ဝယ်ပါ။ https://www.bagoshop.asia/silicone-back-scrubber
🎁စုစုပေါင်းဖြန့်ဖြူးရေးဂိုဒေါင် - ဒီနေ့ စျေးဝယ်ရင် 30% လျှော့စျေးရဖို့ အခွင့်အရေးကို လက်လွတ်မခံခင် မြန်မြန်လေး
☎️အခုပဲ အော်ဒါတင်ဖို့အတွက် သင့်ဖုန်းနံပါတ်ကို အောက်မှာထားခဲ့လိုက်ပါ။
👉သန့်ရှင်းရေးလုပ်ရန်လွယ်ကူသည်။ - တာရှည်ခံ ဆီလီကွန်ပစ္စည်း
✈️တနိုင်ငံလုံး ပို့ဆောင်ပေးပါတယ်။ - 2pcs မှ အခမဲ့ ပို့ဆောင်ပေးပါသည်။ - အိမ်တွင်ငွေပေးချေပါ။
-------------------------------***--------------------------------

18/07/2023

😍သင့်နောက်ကျောကို ဆီလီကွန်ဘရက်ရှ်ဖြင့် ပွတ်တိုက်ခြင်းသည် ဘယ်သောအခါမှ မလွယ်ကူပါ။
🛒ဆိုဒ်တွင်ဝယ်ပါ။ https://www.bagoshop.asia/silicone-back-scrubber
🎁စုစုပေါင်းဖြန့်ဖြူးရေးဂိုဒေါင် - ဒီနေ့ စျေးဝယ်ရင် 30% လျှော့စျေးရဖို့ အခွင့်အရေးကို လက်လွတ်မခံခင် မြန်မြန်လေး
👉သန့်ရှင်းရေးလုပ်ရန်လွယ်ကူသည်။ - တာရှည်ခံ ဆီလီကွန်ပစ္စည်း
☎️အခုပဲ အော်ဒါတင်ဖို့အတွက် သင့်ဖုန်းနံပါတ်ကို အောက်မှာထားခဲ့လိုက်ပါ။
✈️တနိုင်ငံလုံး ပို့ဆောင်ပေးပါတယ်။ - 2pcs မှ အခမဲ့ ပို့ဆောင်ပေးပါသည်။ - အိမ်တွင်ငွေပေးချေပါ။
-------------------------------***--------------------------------

18/07/2023

👉အိပ်ချိန်မမှန်ခြင်းကြောင့် လည်ပင်းနာခြင်း ပြဿနာရှိပါသလား။
👉ဒီလည်ပင်းခေါင်းအုံးက သင့်ကို တိုးတက်အောင် ကူညီပေးပါလိမ့်မယ်။
🎁ဒီလမှာ 30% off sale ရှိပါတယ်။
🛒အခုဝယ်ပါ http://ldp.to/foampillow
☎️အခမဲ့ တိုက်ရိုက် တိုင်ပင်ဆွေးနွေးရန် အောက်ပါ ဖုန်းနံပါတ်ကို ချန်ထားခဲ့ပါ။
✈️မြန်မာနိုင်ငံအနှံ့ အခမဲ့ပို့ဆောင်ပေးပါသည်။-အိမ်တွင်ငွေပေးချေပါ။
---------------------***----------------------
❤️အကျိုးကျေးဇူးတွေ ပေးတယ်။
1️⃣လည်ပင်းကို မှန်ကန်သော အနေအထားတွင် ရှိနေစေရန် ကူညီပေးသည်။
2️⃣သင်၏အိပ်စက်ခြင်းကိုတိုးတက်စေပါ။
3️⃣အသုံးပြုပြီးရင် လည်ပင်းနဲ့ ပခုံးတွေမှာ နာကျင်မှုကို သိသိသာသာ သက်သာစေပါတယ်။
4️⃣အဲဒါကို မှန်ကန်အောင်လုပ်ပြီး သင့်ကိုယ်ဟန်အနေအထားကို သိသိသာသာ မြှင့်တင်ပါ။

18/07/2023

💢 ဘက်စုံသုံးကော် - 50%စူပါလျှော့စျေး
💢 ယိုစိမ့်နေတဲ့အပေါက်တိုင်းကို 33,000ကျပ်နဲ့ပြုပြင်လိုက်ပါ
=====================>>>
သုံးရတာရိုးရှင်း/မြန်ဆန်/ကပ်တွယ်အားကောင်း
✔ ပစ္စည်းတိုင်းရဲ့မျက်နှာပြင်မှာကပ်တွယ်နိုင်
✔ မာကျောမှု - သတ္တုလိုကြာရှည်ခံ
✔ 10-15 နှစ်အထိကြာရှညိခံ/ သံချေးတကိ/ ဝေဝါးခြင်းလည်းခံနိုင်
✔ ပစ္စည်းတိုင်းရဲ့အပေါက်တွေနဲ့ယိုစိမ့်မှုတွေကိုဖာပေး/ရေစိုခံနိုင်
အခြေအနေတိုင်းအတွက်ကူညီပေး
💥 2 ဘူး + ပို့ဆောင်ခအခမဲ့ (49,000 kyat)
💥 4ဘူး + ပို့ဆောင်ခအခမဲ့ (69,000 kyat)
🤝 ပြန်လည်ရောင်းချပေးသူများလိုအပ်နေပါသည်// လက်ကားရောင်းချပေးသူများအတွက် လျှော့စျေးအကြီးကြီး
🚛 နိုင်ငံအနှံ့ ပို့ဆောင်ခအခမဲ့ - အိမ်ရောက်ငွေချေ (COD)
✅ ခြစ်ရာပါပါက 1-1
လဲှဲယ်ပေး
=====================>>>
☎️️ ဆွေးနွေးတိုင်ပင်ရန်ဖုန်းနံပါတ်ချန်ခဲ့ပါ
🛒 အခုပဲမှာလိုက်ပါ: https://www.bagoshop.asia/kafuter-sulesquare

Address

Bago

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bago.shop.mm posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share