08/12/2020
Ang asawa ko na siguro ang lasinggero sa lahat ng lasinggero. Palagi ko syang pinupuntahan kung saang lugar sya nalalasing dahil hindi na sya nakakauwi. Sa tuwing nalalasahan nya ang serbesa, parang takot na syang maubusan at feeling nya lima ang atay nya sa kakatagay. Minsan, sinabihan na'ko ng mga magulang ko na iwan ko na sya, pero di ko sya iniwan sa kadahilanang baka magbago pa.
Sa puntong ito, napagod na ako nang sobra. Di ko na kaya lahat, maghahanap na'ko ng paraan para mabigyang lunas ang pagiging lasinggero nya.
Isang araw, sinundo ko sya sa isang bahay inuman na wala nang pakialam sa nangyayari sa paligid nya. Lasing na lasing. Kinarga ko sya at hinatid sa punerarya. Kinausap ko muna ang embalsamador. Naabutan ng tatlong oras at bigla syang bumangon at nabigla dahil puro patay nakapaligid sa kanya. Kinabahan man pero kinausap nya pa rin ang embalsamador.
"Sir, di pa ako patay. Wag mo'kong embalsamohin"
Embalsamdor: Tumahimik ka! Bumalik ka sa higaan mo dahil ikaw na susunod neto.
Nagmamakaawa sya sa emabalsamador na pauwiin na sya dahil buhay pa daw sya at yon pinalabas naman din dahil sobrang tagaktak na ang pawis sa nerbyos at takot.
Umuwi sya deretso nang bahay at simula non hinding hindi na sya uminom.🤣