11/05/2023
🙏❤️🥰
First time ko to nakita at na experience so gusto ko ishare.
Shoutout sa Texas Roadhouse Shangri-La Plaza Branch! Nung me Grab Delivery Rider na dumating pinaupo nila sa table tapos binigyan nila ng drinks tsaka complimentary bread habang inaantay niya mahanda yung order na idedeliver niya. Siguro meron din ibang resto na maayos ang trato sa Grab/ Delivery Riders pero first time ko talaga nakita na ganito and nakakataba ng puso makita na maayos trato sa kanila dito.
After umalis nung rider nagtanong ako sa waitress kung bakit ganun ang sabi samin kasi napapagod din naman sila and pano kung kamaganak namin yan na nagtatrabaho din pero di binibigyan ng maayos na serbisyo para makapahinga man lang sa buong araw. “Kung tutuusin custmore din namin sila.”
Sinigurado ko na alam nilang natuwa ako sa ginagawa nila para lalo pa sila ganahan ituloy ang ganun. Kaya pag me nakita din kayo magandang asal sana ipakita niyo na natutuwa kayo para lalo ganahan yung mga ganito sa pagtulong or maayos na serbisyo sa kapwa manggagawa. ❤️❤️❤️
🤳Jab Escutin