13/06/2026
Finally finished!
Ito yung dahilan kung bakit di na ako tumatanggap ng mga guitar repairs at gumagawa ng content.
Di ko lang alam kung makakapagcontent na ulit ako or makakatanggap ng mga repair and custom guitar build pero aaminin kong namimiss ko na din.
Habang ginagawa namin ito, nagexperiment na din ako sa mga kahoy lalo na sa TONEWOOD at stability ng kahoy. Nalaman ko din kung ano yung mga native species na kahoy na pwedeng gamitin sa gitara.
SPOILER ALERT!
Tonewood is real, pero IT DOES NOT MATTER!
What matters is yung skill nung gagawa which is not something na kaya mong maguarantee kung yung instrument mo ay galing sa mga big name companies na mass produced ang mga gitara.
Although meron talagang generall tonal qualities ang bawat wood species, you should not stress about specs ng woods sa guitar. Kasi bawat unit talaga iba kahit same pa ng wood species gamitin diyan.