06/08/2026
Salamat, Sen. Risa! π«‘βπ»
PAGTATAYO NG PAX SILICA PINAIIMBESTIGAHAN SA SENADO
Pinaiimbestigahan ni Sen. Risa Hontiveros ang pagtatayo ng Pax Silica industrial hub sa Tarlac.
Sa Senate Resolution No. 563 na inihain ni Hontiveros, sinabi nito na dapat tingnan ang posibleng pagpapalikas sa mga katutubong komunidad sa pagtatayuan ng proyekto at ang magiging epekto nito sa ekonomiya, lipunan, at kapaligiran.
Dapat din aniyang masilip ang mga ipinangakong pamumuhunan at oportunidad sa trabaho, habang pinangangalagaan ang mga karapatan at kabuhayan ng mga residenteng maaapektuhan.
Ayon sa ulat, sinimulan na umano ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang paghahanda para sa relokasyon ng mga residenteng maaaring maapektuhan ng proyekto.
Ayon pa kay Hontiveros, ang inaasahang pagdami ng trabaho ay dapat timbangin laban sa pangmatagalang epekto ng artificial intelligence (AI) labor market. | via Malou Escudero