01/03/2021
"VIRGIN COCONUT OIL"
👉Kilala ang Virgin Coconut Oil sa samut-saring benepisyo na naibibigay nito sa ating katawan. Marami na rin ang mga naisagawang pag-aaral at mga patunay sa pagiging epektibo nito.
👉Narito ang ilan sa mga nangungunang benepisyo ng Virgin Coconut Oil:
1.🥥 Nagpapalakas ng immune system:
Ang 40% ng Virgin Coconut Oil ay binubuo ng Lauric Acid na matatagpuan din sa gatas ng ina. Nakakatulong ang acid na ito upang lumakas ang ating immune system na syang panglaban natin sa mga sakit at virus. Ito rin ay isang antibacterial, anti-viral, at anti-inflammatory.
2.🥥 Nagpapabuti sa kalagayan ng puso:
Ayon sa resulta ng mga mananaliksik ang pagkonsumo ng Virgin Coconut Oil ay nakakatulong upang pataasin ang antas ng HCL o good cholesterol at pababain ang LDL o bad cholesterol.
3.🥥 Nagpapaganda ng balat:
Mabuti itong gamitin bilang alternative sa lotion, nagwo-work ito sa dry skin at maging sa sensitive skin. Ang paggamit nito sa balat ay epektibong paraan upang magkaroon tayo ng ‘healthy glowing skin’. Make sure lang na paunti-unti lamang ang paggamit upang maiwasan ang greasy feeling at pagmamantika ng balat.
📨 You may leave a comment or send us a message.