01/11/2020
Sa gitna ng unos at sakuna, patuloy tayong manalig at magtiwala na merong Diyos na magbibigay sa atin ng proteksyon at kaligtasan.
Tayo po ay manalangin.
Panginoon, aming Tagapagligtas, Kayo po ay aming dinadakila at pinapupurihan.
Maraming salamat po sa panibagong umaga na Kayo ay aming kasama.
Lord, we pray for everyone's protection and covering of Your blood to keep us safe sa bagyong aming nararanasan. Sa makapangyarihang pangalan ni Hesus, inuutusan namin ang bagyong ito na humina at tuluyang umalis sa aming bansa! Malakas man ang bagyong ito, ngunit Ikaw aming Panginoong Hesus ang mas malakas at makapangyarihan na aming sasandigan.
Alisin Niyo po ang takot na naghahari sa puso ng bawat isa at bigyan kami ng pusong umaasa at nagtitiwala sa Inyong kakayahan at kapangyarihan
We entrust everything in Your hands, oh Lord and let Your will always be done.
This we pray, in Jesus' mighty name. Amen.