19/11/2026
Ano nga ba Ang power Station with Solar Panel? 🤔
Ang power station with solar panel ay isang makabagong TECHINOLOGIA na device na sumisipsip ng init ng araw para gawing kuryente at i-imbak ito sa baterya. Pwede din itong I-charge via POWER-OUTLET sa inyong Bahay if Hindi available si HARING ARAW 🤭 .
Kapag may charge na ito, Pwede mo itong gamiting saksakan para sa mga appliances, cellphone, at ilaw kahit walang kuryente sa bahay o habang nagta-travel.
Paano Ito Gumagana Ang solar power station ay binubuo ng apat na pangunahing parte:
Solar panel: Sumisipsip ng sikat ng araw.
Charge controller: Taga-ayos ng kuryente para hindi masira ang baterya.
Baterya (Power Station): Dito iniimbak ang kuryente para magamit mo mamaya.
Inverter: Ginagawang 220V ang kuryente para gumana ang mga ordinaryong appliances.Para mas maintindihan ito, isipin mo ang power station bilang isang malaking power bank na pwede mong i-charge gamit ang araw.
Ang solar panel naman ay parang bubong na sumasalo ng ulan (ngunit sikat ng araw ang sinasalo), at ang baterya ang timba na nag-iipon nito.
Mga Benepisyo:
Walang gastos sa kuryente: Libre ang sikat ng araw.
Portable:Madaling bitbitin kahit saan tulad sa beach, camping, o bukid.
Pang-emergency: Sagot sa brownout dahil may reserba kang kuryente sa bahay.
Tahimik: Hindi ito maingay at hindi nangangailangan ng gasolina, unlike sa mga lumang generator.
UN MUNA PARA SA ARAW NA ITO..
GODBLESS... KEEEEEPPPPP SAAAAFEEE!!!!