El Pilaro

El Pilaro KEILA CRUZ
FOR EDUCATIONAL PURPOSES ONLY
πŸ“šπŸŒΈπŸ€—

π‘¨π’π’ˆ 𝑫𝒂𝒑𝒂𝒕 π‘΄π’‚π’ƒπ’‚π’•π’Šπ’… π’π’ˆ π’Žπ’ˆπ’‚ π‘»π’‚π’ˆπ’‚π’π’π’ˆ π’π’Š :            ✨ π˜Όπ™£π™™π™§π™šπ™¨ π˜½π™€π™£π™žπ™›π™–π™˜π™žπ™€ βœ¨β€’Itong katagalugan, na pinamamahalaan noong unang p...
13/08/2025

π‘¨π’π’ˆ 𝑫𝒂𝒑𝒂𝒕 π‘΄π’‚π’ƒπ’‚π’•π’Šπ’… π’π’ˆ π’Žπ’ˆπ’‚ π‘»π’‚π’ˆπ’‚π’π’π’ˆ π’π’Š :
✨ π˜Όπ™£π™™π™§π™šπ™¨ π˜½π™€π™£π™žπ™›π™–π™˜π™žπ™€ ✨

β€’Itong katagalugan, na pinamamahalaan noong unang panahon ng ating tunay na
mga kababayan, noong hindi pa tumutuntong sa mga lupaing ito ang mga Kastila, ay
nabuhay sa lubos na kasaganaan at kaginhawaaan. Kasundo niya ang mga kapitbayan at
lalung-lalo na ang mga taga-Hapon, sila ay kabilihan at kapalitan ng mga kalakal, malabis ang
pagyabong ng lahat ng pinagkakakitaan, kayat dahil dito'y mayaman ang kaasalan ng lahat.
Bata't matanda at sampung mga babae ay marunong bumasa at sumulat ng talagang
pagsulat nating mga Tagalog.
Dumating ang mga Kastila at dumulog na nakikipagkaibigan. Sa mabuti nilang hikayat
na diumano, tayo'y aakayin sa lalong kagalingan, at lalong imumulat ang ating kaisipan, ang
nasabing nagsipamahala ay nangyaring nalamuyot sa tamis ng kanilang dila sa
paghibo.Gayon man, sila'y ipinailalim sa taal na kaugalian ng mga Tagalog na sinasaksihan at
pinapagtibay ang kanilang pinagkayarian sa pamamagitan ng isang panunumpa na
kukumuha ng kaunting dugo sa kani-kanilang mga ugat, at yao'y inihalo't ininom nilang kapwa ,
tanda ng tunay at lubos na pagtatapat na hindi magtataksil sa pinagkayarian. Ito'y siyang
tinatawag na Sandugo (1) ng Haring Sikatuna at ni Legaspi na pinakakinatawan ng hari sa
Espanya.(2)
Buhat nang ito'y mangyari ay bumibilang na ngayon sa tatlong dantaong mahigit na
ang lahi ni Legaspi ay ating binubuhay sa lubos na kasaganaan; ating pinagtatamasa at
binubusog, kahit abutin natin ang kasalatan at kadayukdukan. Ginugugol natin ang yaman,
dugo at sampu ng buhay sa pagtatanggol sa kanila; kinakahamok natin sampu ng tunay na
mga kababayan na ayaw pumayag na sa kanila ay pasakop, at gayon din naman
nakipagbaka tayo sa mga Insik at mga Olandes na nagbalak na umagaw sa kanila nitong
Katagalugan.
Ngayon, sa lahat ng ito, ano ang sa mga ginawa nating paggugugol ang nakikitang
kaginhawahang ibinigay sa ating Bayan? Ano ang nakikita nating pagtupad sa kanilang
kapangakuan na siyang naging dahilan ng ating paggugugol? Wala kundi pawang kataksilan
ang ganti sa ating mga pagpapala. At ang mga pagtupad sa kanilang ipinangakong tayo ay
lalong gigisingin sa
kagalingan? Bagkus tayo'y binulag, inihawa tayo sa kanilang hamak na asal, pinilit na sinira ang
mahal at magandang ugali ng ating Bayan. Iminulat tayo sa isang maling pagsampalataya at
isinadlak sa lubak ng kasamaan ang kapurihan ng ating Bayan.
At kung tayo'y mangahas humingi ng kahit gabahid na lingap, ang nagiging kasagutan
ay ang tayo'y itapon at ilayo sa piling ng ating minamahal na mga anak, asawa at matandang
magulang. Ang bawat isang himutok na pumulas sa ating dibdib ay itinuturing na isang
malaking pagkakasala at karakarakang nilalapatan ng malahayop na kabangisan.
Ngayon, wala nang maituturing na kapanatagan sa ating pamamayan. Ngayon, lagi
nang ginagambala ang ating katahimikan ng umaalingawngaw na daing at pananambitan,
buntong-hininga at hinagpis ng makapal na ulila, balo't mga magulang ng mga kababayang
ipinanganyaya (3) ng mga manlulupig na Kastila.
Ngayon, tayo'y malulunod na sa nagbabahang luha ng Ina sa nakitil na buhay ng anak,
sa pananangis ng sanggol na pinangulila ng kalupitan, na ang bawat patak ay katulad ng
isang kumukulong tingga na sumasalang sa mahapding sugat ng ating pusong nagdaramdam.
Ngayon, lalo't lalo tayong nabibilibiran ng tanikalang nakalalait sa bawat lalaking may
iniingatang kapurihan.
Ano ang nararapat nating gawin?
Ang araw ng katwiran na sumisikat sa Silanganan ay malinaw na itinuturo sa ating mga
matang malaong nabulagan ang landas na dapat nating tunguhin. Ang liwanag niya'y
tanglaw sa ating mga mata upang makita natin ang mga kukong nag-akma ng kamatayang
alay sa atin ng mga ganid na asal.
Itinuturo ng katwiran na wala tayong iba pang maaantay kundi lalo't lalong kahirapan,
lalo't lalong kataksilan, lalo't lalong kaalipustaan, at lalo't lalong kaalipinan.
Itinuturo ng katwiran na huwag nating sayangin ang panahon sa pag-asa sa
ipinangakong kaginhawahan na hindi darating at hindi mangyayari.
Itinuturo ng katwiran na tayo'y umasa sa ating sarili at huwag antayin sa iba ang ating
kabuhayan.
Itinuturo ng katwiran na tayo'y magkaisang-loob, magkaisang-isip at akala, at tayo'y
magkalakas na maihanap ng lunas ang naghaharing kasamaan sa ating Bayan.
Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan.
Panahon nang dapat nating ipakilala na tayo'y may sariling pagdaramdam, may puri,
may hiya at pagdadamayan.
Ngayon, panahon nang dapat simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang aral
na magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan. Panahon na ngayong
dapat makilala ng mga Tagalog ang pinagmulan ng kanilang mga kahirapan. Araw na itong
dapat kilalanin na sa bawat hakbang natin ay tumutuntong tayo at nabibingit sa malalim na
hukay ng kamatayan na sa atin ay inuumang ng mga kaaway.
Kaya, O mga kababayan! Ating idilat ang nabulag na kaisipan, at kusang igugol sa
kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos na pag-asa

β€’ Isang sanaysay na isinulat ni Andres Bonifacio noong panahon ng himagsikan laban sa mga Espanyol. Layunin nito na gisingin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino, partikular ng mga Tagalog (na kumakatawan noon sa buong lahing Pilipino), at ipaalam sa kanila ang tunay na kalagayan ng bayan.

β€’ Sa sanaysay, binabalikan ni Bonifacio ang kasaysayan bago dumating ang mga Kastilaβ€”kung paanong ang mga ninuno ay may sariling pamahalaan, batas, at kulturaβ€”at ipinapakita kung paano ito winasak ng kolonyalismo. Binibigyang-diin niya ang pang-aabuso at pagsasamantala ng mga mananakop, at hinihikayat ang pagkakaisa at paglaban para sa kalayaan.

β€’ Ipinaliwanag ni Bonifacio ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga Tagalog upang makamit ang kalayaan. Binigyang-diin niya ang pangangailangan ng mga Pilipino na magkaisa at lumaban sa mga mananakop. Ang pangunahing kaisipan ng sanaysay ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino upang makamit ang kalayaan at pag-unlad ng bayan.

Kahalagahan ng Sanaysay

β€’ isang mahalagang sanaysay sa kasaysayan ng Pilipinas. Ito ay nagpapakita ng mga simulain ng Katipunan at ng mga layunin nito. Ang sanaysay na ito ay patunay ng pagmamahal ni Bonifacio sa Pilipinas at sa mga mamamayan nito. Ito ay nagbigay inspirasyon sa mga Pilipino upang lumaban sa mga mananakop at makamit ang kalayaan.




ML Unplugged

The first telephone system in Manila was established in 1890. This system was authorized by the Madrid government in 188...
23/07/2025

The first telephone system in Manila was established in 1890. This system was authorized by the Madrid government in 1889 and became operational the following year. Prior to this, the first telegraph line in the Philippines, connecting Manila and Corregidor, was installed in 1873. It wasn't until the early 1900s that commercial telephone services began to expand more widely to the public.

Address

BAMBAN TARLAC
Bamban
2317

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when El Pilaro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to El Pilaro:

Share