13/08/2026
Panalangin sa Gabi ππ
Mahal kong Panginoon,
maraming salamat po sa araw na ito. Salamat sa Iyong gabay, proteksyon, at mga biyayang ipinagkaloob Mo sa akin at sa aking pamilya.
Patawarin Mo po ako sa aking mga pagkukulang at pagkakamali. Linisin Mo ang aking puso at bigyan Mo ako ng kapayapaan sa aking isipan.
Ngayong gabi, ipinagkakatiwala ko sa Iyo ang lahat ng aking worries, problema, pangarap, at mga bagay na hindi ko kayang kontrolin. Tulungan Mo akong magtiwala sa Iyong plano at huwag mawalan ng pag-asa.
Bantayan Mo po kami habang kami ay natutulog. Bigyan Mo kami ng mahimbing na pahinga at isang bagong lakas para sa bukas.
Ikaw na po ang bahala sa lahat, Lord.
Sa Iyo ang aking tiwala at pasasalamat.
Amen. πβ€οΈ