01/05/2026
May mga araw na parang pagod ka na pero wala ka pa ring choice kundi magpatuloy.
Kaya this Labor Day, para sa’yo ito.
Yung kahit hindi mo na feel pumasok, pumapasok ka pa rin.
Kahit drained ka na, tuloy lang.
Hindi dahil gusto mo kundi dahil kailangan.
Bills. Responsibilidad. Pamilya.
At minsan napapaisip ka…
“Hanggang kailan ganito?”
Just like St. Joseph.
Hindi siya sikat.
Hindi maingay ang pangalan niya.
Isang simpleng karpintero lang.
Hindi gaanong nare-recognize noong panahon niya.
Pero tuloy pa rin siya sa paggawa.
Ang meron sa kanya, ginawa niya lang meaningful yung trabaho niya kahit paulit-ulit.
Ang focus niya ay maglingkod, magmahal, at magtiwala sa Diyos.
Ang point is,
Hindi nasusukat ang halaga ng trabaho sa kung gaano ito napapansin.
Minsan, nasa kung paano mo lang din ito ginagawa.
In silence and in pain.
Kaya magpatuloy ka lang.
God rewards not with intensity but with consistency.
Ikaw, ano yung tahimik mong ginagawa ngayon na alam mong may halaga kahit walang nakakakita?