05/04/2021
Hindi na nakakatuwa mga nangyayari... palungkot na ng palungkot pahirap na ng pahirap.. ung mga bata nawalan na ng karapatang maging bata wala ng kalayaan. parate ng nakakulong lang sa bahay... nawalan na ng saysay ang mga eskwelahan... lumipas nalang ng isang taon na wala naman talagang masyadong natutunan....
Yung kalayaan nila para mag aral ng maayos at makipaglaro sa kapwa bata wala narin....
Ang mga negosyante taon taon ng rerenew ng business permit at hindi biro ang binabayaran...
Pero palaging pinapasara ng maaga...
Wala rin sapat na kinikita... d manlang makakota...
Paano nmn Ang mga tricycle driver na sa pamamasada lang kinukuha Ang pangpakain s kanyang pamilya nang sa gayon mairaos Ang isang araw na Hindi normal!!!
Paano nmn Yung mga pamilyang namatayan dahil sa kapabayaan ng iba!!
Na ngayon Sana ay mgkakasama sa hapagkainan!!
Pang night shift pala tong sakit nato ..
dahilan pagsapit ng alasais bawal ng lumabas at sarado na dapat lahat ng pwesto at pamilihan...
Kapag wala naman ecq o lockdown wala naman ginawa kundi mag clearing operation.....
Marami rin pinagbabawal...
Angdaming tao wala ng maayos na trabaho pero patuloy nagbabayad ng bills, upa ng bahay,upa ng pwesto, pagkain araw araw ...
Pano pa nila yan pagkakasyahin ang pera...
Nagkakanda utang nalang...
Ang iba natututo ng mag scam at gumawa ng masama....
Nasisikmura na nilang manloko ng mga tao para lang may pantawid sa gutom at para sa mga bayarin....
Pano pakaya yung mga nag mamaintenance na maysakit....wala ng pambili ng gamot...
Pano pa kaya ung mga tao na maraming pinapakain at obligasyon...
Pamahal pa ng pamahal ang mga bilihin tulad ng karne, isda ,manok, itlog , tinapay, kape, asukal, bigas at kung ano ano pa...
Pati sabon na kailangan sa paglalaba at panligo...
Lahat puro pera ang nagpapagana sa lahat...
Pero ito nag isang taon na mahigit ganito parin tayo....
Marami ng nagsasabi na d na sila naniniwala sa sakit na ito....
Parang kinokontrol nalang nila tayo...
Nawawalan na tayo ng karapatan mabuhay ng normal at maging masaya damay pa mga bata...
Ang mga bata nagtataka na... wala ka naman maisagot dahil kahit tayong mga matatanda ano ba talaga ang totoo at hanggang kelan ito???
Wala tayong maisagot๐๐๐....
Wala tayong idea basta sumusunod nalang tayo...
Ultimo face shield at face mask hindi libre gastos din natin to...
Mabuti sana kahit manlang ito magpamudmod sila ng libre....
Nakakalungkot na....
Nawala na ang dati...
Nawala na yung sigla at saya na pwede mong ipasyal ang mga bata...
Walang mapasukang trabaho...
Nagbabawas pa ng tauhan ang ibang kompanya o mga kahit pamilihan at fastfood.
Dumidiskarte nga tayo para kumita kaso hinihigpitan parin...
D na natin alam san tayo lulugar...
D nga tayo nagkasakit pero ang dami naman natin naging problema...
Problemang financial, kalayaan at kasiyahan...
Dahil kahit maliit lng ang kinita mo kailangan mo parin magbayad ng mga bills at pagkain sa araw araw....
Wala kana maipon puro lahat palabas...
Kulang na gipit pa...
Kelan ba matatapos lahat to...
Dami na apektadong pamilya...
Lahat dumadaing na...
Nakakaawa narin sila...๐๐๐
Edited and Repost!!
ctto