Vallester Green - Solution Hub

Directions Contact the business

Vallester Green - Solution Hub We are selling Philippine Native tree seedlings, various herbs and ornamental plants.

Other Services:
SEC registration for non-stock, non-profit organizations
Reportorial submissions and compliance assistance

🌱 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐮𝐩𝐮𝐧𝐥𝐚 𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐠𝐢𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐮𝐜𝐜𝐞𝐬𝐬𝐟𝐮𝐥.Halos lahat ng ipinunla kong buto ng Mabolo/Kamagong ay namatay. Dahi...
20/08/2026

🌱 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐮𝐩𝐮𝐧𝐥𝐚 𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐠𝐢𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐮𝐜𝐜𝐞𝐬𝐬𝐟𝐮𝐥.

Halos lahat ng ipinunla kong buto ng Mabolo/Kamagong ay namatay.

Dahil sa sunod-sunod na ulan, malamang ay nabugbog ang mga bagong sibol at nabulok dahil sa sobrang pagkabasa.

May kaibigan din akong nagpayo na kapag sa shaded area pinasibol ang mga buto, dapat ay manatili muna roon ang mga bagong sibol habang mahina pa ang mga ito.

Napansin ko rin na mas maganda pala kung ang bawat buto ay direktang ipinupunla sa sariling black bag at doon na mismo sisibol. Mas maayos ang naging tubo nila kumpara sa mga pinasibol ko muna sa community tray bago inilipat.

Posibleng nakadagdag din sa stress ng mga bagong sibol ang paglilipat.

Nakakalungkot ang naging resulta, pero bahagi ito ng pag-aalaga ng nursery. Hindi lahat ng ipinupunla ay nabubuhay, pero sa bawat failure ay may bagong natututunan.

Sa susunod, direct sa black bag na ang mga buto, may maayos na drainage, at mas protektado laban sa malakas na ulan. 🌱

𝐅𝐚𝐢𝐥𝐮𝐫𝐞 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧, 𝐝𝐚𝐠𝐝𝐚𝐠-𝐤𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐬𝐮𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐮𝐩𝐮𝐧𝐥𝐚.

🌿 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐓𝐑𝐄𝐄 𝐒𝐄𝐄𝐃𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐅𝐎𝐑 𝐎𝐍𝐋𝐘 ₱𝟑𝟎! 🌿Meet the 𝐏𝐚𝐦𝐢𝐭𝐨𝐲𝐞𝐧 (𝐶𝑎𝑙𝑜𝑝ℎ𝑦𝑙𝑙𝑢𝑚 𝑝𝑒𝑛𝑡𝑎𝑝𝑒𝑡𝑎𝑙𝑢𝑚) isang magandang native tree na endem...
09/08/2026

🌿 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐓𝐑𝐄𝐄 𝐒𝐄𝐄𝐃𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐅𝐎𝐑 𝐎𝐍𝐋𝐘 ₱𝟑𝟎! 🌿

Meet the 𝐏𝐚𝐦𝐢𝐭𝐨𝐲𝐞𝐧 (𝐶𝑎𝑙𝑜𝑝ℎ𝑦𝑙𝑙𝑢𝑚 𝑝𝑒𝑛𝑡𝑎𝑝𝑒𝑡𝑎𝑙𝑢𝑚) isang magandang native tree na endemic sa Pilipinas! 🇵🇭

🌳 Maliit na puno
🤍 May maliliit at mababangong puting bulaklak
🌳 Magandang idagdag sa inyong garden o native tree collection
💚 Tulong sa pagpaparami at pangangalaga ng ating sariling puno

₱𝟑𝟎 𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐖𝐀𝐓 𝐒𝐄𝐄𝐃𝐋𝐈𝐍𝐆!

📍 Available Vallester Green - Solution Hub
Polong, Bugallon, Pangasinan

👉 Comment “𝐌𝐈𝐍𝐄 + 𝐪𝐮𝐚𝐧𝐭𝐢𝐭𝐲” or send us a message para ma-reserve ang inyong seedlings!

SOLD🌱 𝐌𝐀𝐁𝐎𝐋𝐎 / 𝐊𝐀𝐌𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐄𝐄𝐃𝐋𝐈𝐍𝐆𝐒 𝐀𝐕𝐀𝐈𝐋𝐀𝐁𝐋𝐄! 🌱Magdagdag ng isang mahalagang Philippine native tree sa inyong garden, far...
06/08/2026

SOLD

🌱 𝐌𝐀𝐁𝐎𝐋𝐎 / 𝐊𝐀𝐌𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐄𝐄𝐃𝐋𝐈𝐍𝐆𝐒 𝐀𝐕𝐀𝐈𝐋𝐀𝐁𝐋𝐄! 🌱

Magdagdag ng isang mahalagang Philippine native tree sa inyong garden, farm, o collection.

Ang Mabolo o Kamagong (Diospyros blancoi) ay kilala sa matibay nitong kahoy at masarap na bunga.

✅ 𝟏𝟏 𝐢𝐧𝐜𝐡𝐞𝐬 – ₱𝟏𝟎𝟎 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐢𝐬𝐚
✅ 𝟖–𝟗 𝐢𝐧𝐜𝐡𝐞𝐬 – ₱𝟖𝟎 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐢𝐬𝐚

⚠️ 𝐋𝐢𝐦𝐢𝐭𝐞𝐝 𝐬𝐭𝐨𝐜𝐤𝐬 𝐨𝐧𝐥𝐲!
Paunahan na lang po habang available pa.

📍 Located at Polong, Bugallon, Pangasinan

Message us para magpareserve. 🌳💚

03/08/2026

Seedlings inventory be like 🤣🤣😅😂

Good reference for your species proper habitat Compiled by Kalikasining 💚💚
27/07/2026

Good reference for your species proper habitat

Compiled by Kalikasining 💚💚

𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗡𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗧𝗿𝗲𝗲𝘀 - 𝙍𝙞𝙜𝙝𝙩 𝙏𝙧𝙚𝙚, 𝙍𝙞𝙜𝙝𝙩 𝙋𝙡𝙖𝙘𝙚
A guide for planting trees in their proper habitat
Google drive for the high resolution⬇️
https://drive.google.com/drive/folders/1RY78Rf1B9AN5Kqno94IM45AxhRCF0lRi

Ang mga puno sa poster na ito ay halimbawa lamang kung anu-ano ang tumutubo sa dalampasigan, kapatagan at kabundukan. Mahalagang isaalang-alang kung ano ang likas na tumutubo sa isang lugar, lalo na kung ang layunin ng pagtatanim ay mapanumbalik ang dating kagubatan kasunod nito ang mga buhay-ilang.

Hindi lahat ng mga nabanggit na highland o montane species ay eksklusibong sa kabundukan lamang tumutubo. Mayroon ding mga tala na sila ay matatagpuan sa mababang lugar o kapatagan, ngunit likas din silang nabubuhay at tumutubo sa mga kabundukan o highland areas. Gayunpaman, ang ilan sa kanila ay mas karaniwang nabubuhay sa matataas na lugar. Gayundin, hindi lahat ng mga nabanggit na lowland species ay eksklusibong sa mababang lugar lamang matatagpuan, sapagkat mayroon ding mga tala na ang ilan sa kanila ay tumutubo rin sa mga highland o montane forest.

Napunla ko na ang Cinnamomum mercadoi...Matrabaho din magDepulp 😅Sunod naman ay yung dalawang kilong Cinnamomum rupestre...
24/07/2026

Napunla ko na ang Cinnamomum mercadoi...
Matrabaho din magDepulp 😅

Sunod naman ay yung dalawang kilong Cinnamomum rupestre 🤣🤧

19/07/2026

"GALAPAGOS NG ASYA"

Tinatawag na Galapagos dahil sa pagiging isang isla na hindi konektado sa ibang pangunahing lupain ngunit mayroong gandang walang katulad na yumabong nang hiwalay sa ibang isla.

Sa isla na ito matatagpuan ang iba't ibang uri ng mga sari saring buhay na naninirahan dito.

Sa Isla na ito ay mayroong 700 species ng halaman, 144 species ng puno, 133 species ng ibon, 83 endemic fauna species, 9 species ng paniki na tatlo ang endemic sa ating bansa, 9 terrestrial mammal species, 16 species ng reptiles.

Sa islang ito nakatira ang mga uri ng hayop at puno na aming napag-aralan gaya na lamang ng mga paniki na ito:

Sibuyan Pygmy Fruit Bat (Haplonycteris sp.)
Philippine Tube-nosed Fruit Bat (Nyctimene rabori)
Alvarez’s tube-nosed bat (Murina alvarezi)

At ang mga uri ng paro paro na dito lamang matatagpuan gaya ng:

Dacalana irmae
Lexias satrapes ornata
Atrophaneura semperi imogene

Ang mga ibon na gaya ng:

Philippine Hawk-Eagle (Spizaetus philippensis)
Sibuyan Hanging Parrot (Loriculus philippensis bournsi),
Philippine Pygmy-woodpecker (Dendrocopos maculatus menagei),
Orange-bellied Flowerpecker (Dicaeum trigonostigma sibuyanicum)
Romblon Boobook (Ninox spilonotus)
Yellow-breasted Fruit-Dove (Ptilinopus occipitalis)
Buff-eared Brown-Dove (Phapitreron nigrorum)
Rufous-lored Kingfisher (Halcyon winchelli nesydrionetes)

Bukod dito, nandito rin ang mga punong matatayog na ating maipagmamalaki na gaya ng:

Dalingdingan (Hopea foxworthyi) (Endemic)
Puting Lawaan (Shorea contorta) (Endemic)
Bagtikan (Parashorea malaanonan)
Almon (Shorea almon)

At ang ilang puno na endemic din sa ating bansa na ipinangalan sa bundok ng islang ito gaya ng:

Katmon Sibuyan (Dillenia sibuyanensis)
Elaeocarpus argenteus var. gitingensis
Kibatalia gitingensis

Hindi ba't kamangha mangha? Ngunit nakakadismaya na ang mga bagay na ito ay sasabutahiin lamang ng mga walang pakielam sa kalikasan at kapakanan ng mga mamamayan.

Kung mawawala at mauubos ang mga ito, wala na tayong iingatan at maituturing na yaman o maipagmamalaki man balang araw.

Ito ay dapat na IPAMANA, hindi IPAMINA.

Dapat nating protektahan ang ating KATUTUBONG KAYAMANAN NG KALIKASAN!

May KAPANGYARIHAN tayo upang IPATIGIL ang mga ganitong gawain at KARAPATAN natin yun bilang mga PILIPINO.

IPATIGIL ANG PAGMIMINA SA MIMAROPA!
IPATIGIL ANG PAGMIMINA SA SIBUYAN!
IPATIGIL ANG LAHAT NG MINAHAN SA BUONG BANSA!

ITAGUYOD ANG KONSERBASYON!
ITAGUYOD ANG EKOTURISMO!

Address

Baybay
Bugallon
2416

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Vallester Green - Solution Hub posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Vallester Green - Solution Hub:

Shortcuts

Share