24/02/2020
Tara na sa Lessandra dito Angat ka!
My first million. Please hide my identity.
Isa ako sa top fan badger ng Peso Sense. Wayback 2012 ako ay nanumpa upang pag silbihan ang bayan.After finishing 1year training with some academic awards, napaka saya at malinaw na ang kinabukasan ko at ng anak ko. Uso sa amin ang loan, almost half a million puede namin iloan after training, kaya naman dami ko ka batch na kundi brand new ang motor ay may 2nd hand na kotse,ung iba brand new pa lalo na may katuwang naman sa pag huhulog. Ako ayun, iniisip ko kung ano ba reward ko sa sarili ko. Wala ako maisip, wala ako binili,wala ako niloan.Di naman kasi ako mahilig sa materyal na bagay, mahilig lang ako kumain😂
Hanggang sa, nagkaroon ng malaking problema ang parents ko at kailangan ng mom ko ng tulong kasi siya ang nag aalaga sa anak ko habang ako ay umuupa malapit sa kampo. Lumayas pala ng mom ko bitbit ang anak ko kasi ayaw nia na pakisamahan ang father ko. So sabi ko cge kung saan ka masaya basta safe ung hahanapin ung maupahan. So since wala ako loan, kayang kaya ko gumalaw at suportahan sila. After 3mos, sabi ng mom ko ok na daw sila ng papa ko at kung maaari di na sila babalik sa lugar namin para walang gulo. Request ni mom ko if puede mag hanap ako ng bahay sa medyo malayo sa lugar namin sila daw mag down since mag retired na papa ko at ako daw monthly. Sinabi ko sa BF ko ang plano,at nag agree siya. Tinulungan nia ako mag view ng mga bahay in rizal area hanggang ayun na nga may isang bahay na nagustuhan ko.Ilang buwan na proseso at voila naka lipat din kami after mag down parents ko ng 40% at nagsimula na ako mag hulog ng 12,500 monthly.Ito ay nangyari last 2013.
Diko namalayan naka 7years na pala akong nag hulog. at eto na pala ang aking first million. diko man kapit or nasa banko ang pera na nakatago, pero eto na siya ngayon..😊 BTW im only 25 years old na nagsimul ko mag hulog sa bahay.
Salamat Lord at tulungan pa po niyo ako sa 3years pa para fully paid na ang aming munting bahay. 🙏
DISIPLINA
IWAS LUHO-BISYO
SIMPLENG BUHAY
alisin ang inggit sa katawan,kadalasan kaya tayo napapa bili ng bagay na hindi natin kailangan kasi nakikipag kompetensya na pala tayo sa mga tao sa paligid natin. pagandahan ng phone,bag, sapatos at kung ano ano pa.
After 2 years po pag labas ko ng training, may nagustuhan nga pala akong sapatos na NIKE. all white kasi mandatory sa amin athletic attire nuon, binili ko po ng 2900 sale price.Ayun po ung pinaka unang branded na item na binili ko sa sarili ko.
Know your priorities lang po mga ka PESO sana nainspire ko kayo.😊