DBdgtrnMm

DBdgtrnMm Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DBdgtrnMm, Cabiao.

01/09/2026

BREAKING NEWS: Nakalaya na ang 11 residente ng Kasibu, Nueva Vizcaya, na inaresto ng kapulisan noong Agosto 28.

Nakapagpiyansa sila ngayong Martes, Setyembre 1, sa kasong grave coercion at resistance and disobedience.

Bahagi ang 11 sa mga residenteng nagbabarikada laban sa mining exploration activity ng North Luzon Mineral Resources Corporation.

31/08/2026

๐——๐—˜๐—™๐—˜๐—ก๐—— ๐—ก๐—จ๐—˜๐—ฉ๐—” ๐—ฉ๐—œ๐—ญ๐—–๐—”๐—ฌ๐—”!

Mariing kinokondena ng UPB USC ang ilegal na pag-aresto ng Philippine National Police (PNP) sa 13 na indibwal sa barikada ng mamamayan sa Kasibu, Nueva Vizcaya laban sa mining exploration ng North Luzon Mineral Resources (NLMRC). Ito ay panibagong manipestasyon ng patuloy na pagragasa ng development aggression sa mga kanayunan at ang pagiging pasista ng PNP.

Noong Agosto 28, 2026, labintatlong residente at mga anti-mining protesters ang walang habas at ilegal na inaresto habang payapang nagbabarikada ang komunidad sa Barangay Pacquet, Kasibu, Nueva Vizcaya. Ayon sa mga residente, nagkaroon ng standoff habang tinatangkang makapasok ang mga sasakyang may dalang suplay para sa pagsasagawa ng pagmimina sa lugar. Ang mga pag-arestong ito ay kasunod ng mga walang basehang pagdakip noong Agosto 19 sa mga katutubong lider at tanggol-kalikasan na sina Leijin Dugay, Donny Dugay, at June Fiataccad sa parehong barikada.

Mahaba na ang kasaysayan ng mga mamamayang tumitindig laban sa pagmimina dahil sa malinaw na banta nito sa kanilang kalikasan, lupang tinitirhan, at pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan. Kaakibat nito ang tuloy-tuloy na intimidasyon, pandarahas, at pamamasista ng mga pwersa ng estado, partikular ang PNP, laban sa mamamayan. Malinaw na ang panig ng PNP ay nagsisilbi sa makadayuhang interes ng mga amo nitong dambuhalang korporasyong pangmina.

Kasabay ng patuloy na pagtindig ng mamamayan ang marahas at pasistang tugon ng estado. Mula sa sapilitang pagbuwag ng mga barikada ng komunidad hanggang sa ilegal na pag-aresto sa mga indibidwal, lantad ang tunay na hubog at mukha ng estadong gumagamit ng dahas upang patahimikin ang mga naninindigan. Ngunit hanggaโ€™t patuloy na bumabarikada ang mamamayang Pilipino, hindi mapapatahimik ng alinmang pwersa ang nagkakaisang tinig nito.

Hindi na bago ang ganitong tagpo sa ating kanayunan at lupang ninuno. Sa Kordilyera pa lamang, ilang dekada na ang patuloy na pagpasok ng mga dayuhan at malalaking korporasyon upang minahin ang bulubundukin, sa kabila ng matagal nang pagtutol ng mga komunidad. Tulad ng mga mamamayan sa ibaโ€™t ibang panig ng bansa, malinaw ang giit ng komunidad ng Nueva Vizcaya: itigil ang malakihang pagmimina at palayasin ang mga dambuhalang korporasyon!

๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐—œ๐˜€๐—ธ๐—ผ๐—น๐—ฎ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ฑ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐˜€ ๐—๐—ฟ. ๐—ฎ๐˜ ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ถ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐˜„๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—ป๐˜‚๐—ฝ๐—ถ๐—น ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ. ๐—ž๐—ฎ๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป, ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฎ๐—บ๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐—ฑ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐˜€, ๐—Ÿ๐—š๐—จ, ๐—ฃ๐—ก๐—ฃ, ๐—”๐—™๐—ฃ, ๐—ฎ๐˜ ๐——๐—˜๐—ก๐—ฅ, ๐—ป๐—ฎ ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ด๐—ถ๐—น ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ผ๐—ธ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ผ๐—ฟ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด-๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ก๐˜‚๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฎ ๐—ฉ๐—ถ๐˜‡๐—ฐ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ฑ๐˜„๐—ฎ๐—น ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—ธ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป!

๐——๐—”๐—š๐—”, ๐—•๐—œ๐—”๐—š, ๐—ž๐—œ๐—ก๐—”๐—•๐—”๐—ž๐—ก๐—”๐—ก๐—š, ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—ก๐—œ๐—•๐—”๐—ก!





๐ŸŽจ : JVD

30/08/2026

"IMAGINE mo, Luzon is drowning. Families are trapped. Children are being rescued from floodwaters.
People are literally fighting to survive.
And somewhere above all that chaos, our president is singing like everything is perfectly fine.
Unbothered. Untouched. Detached.
While ordinary Filipinos are wading through floodwater just to save their families, our highest leader seems more concerned with keeping the mood light.
TERRIFYING PICTURE OF LEADERSHIP. "

Courtesy: Netizen | FB

More News Here: https://www.lionheartv.net/2026/08/bianca-gonzalez-ghost-flood-control/

30/08/2026

?!?

Pinapaalis na ang mga magsasaka sa Capas para sa Pax Silica, ngayon naman ay inaresto ang mga nagbarikada para protektahan ang kanilang tahanan at kabuhayan sa Kasibu???

Tulad ng sa Pax Silica, wala ring ganansyang makukuha ang mga Pilipino sa mapaminsalang mining exploration ng North Luzon Mineral Resources Corporation (NLMRC).

At habang pinapalayas at pinapahamak ang ating mga kababayan, si Marcos Jr. pa mismo ang nagpapapasok sa mga dayuhang proyektong ito!

Payag ka dun?

Sumali sa Network Opposed To Pax Silica - NO To Pax Silica!
๐Ÿ—“ August 31, 2026 (Mon), 9:00 AM โ€“ 11:30 AM
๐Ÿ“ CICM Maryhill School of Theology Multimedia Room
๐Ÿ”— https://forms.gle/dSk1Da6FYD2Pkk1M7

Sign our statement against Pax Silica!
๐Ÿ“– Read our full statement here: bit.ly/NoToPaxSilicaUnityStatement
โœ๏ธ Sign the unity statement: bit.ly/WhatThePaxUnityStatement

29/08/2026
29/08/2026

Address

Cabiao
3107

Telephone

+639098112440

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DBdgtrnMm posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to DBdgtrnMm:

Shortcuts

Share