26/08/2026
Your support sa shop na to goes a long way.
Yung simpleng PAYMENT nyo ay malaking TULONG. 🙏🏻❤️
Hindi nyo lang alam......Imagine, yung kada bayad nyo sakin. Ilang percent doon ay nakalaan to give back the blessings at para makaka tulong para sa batang kapos at gusto makapag aral.
I have this learner na struggling sa finances
😞 sadly marami talagang ganun sa public.
And syempre as adviser, parang mga anak ko na din sila. And bilang magulang ang hirap pabayaan, Kaya good thing talaga i have this side hustle and funds para makatulong sa mga gantong instances.
Ok lang naman na wala tayo sa spotlight, hindi din natin aim makipag compete, wala tayo sa mga events, underrated din, hindi din tayo meta, and always focus lang sa craft.
Pero one thing lang sana, sana...hindi mawala yung support. 🫶🏻🥲🙏🏻 Kaya maraming salamat po talaga sa lahat ng bumibili sa page at tumatangkilik ng TSOC. ❤️
May natutulungan po kayo hindi nyo lang alam.
And si Lord na po ang bahala mag give back sa inyo ng 10th fold.