05/03/2026
Baka ikaw na ang next …
Message me tulungan kita
Princess Go
09273606201
HINDI NA NANGANGARAP DAHIL TALAGANG MAY DESTINATOR NA.🥹
Short story
Halina’t dagliang magbalik~tanaw sa aking nakaraan. Limang taong gulang ako nang magsimula pumasok sa paaralan. Kami ay naninirahan sa bundok na malayo sa aming eskuwelahan at sa’king pakiwari’y humigit~kumulang limangpung kilometro ang rayo nito. Ganunpaman, kailanma’y ‘di alintana sapagkat puno ako ng mithiin sa buhay kahit ako’y may gatas pa sa labi.
Mula sa bahay ay aking binabagtas ang daan patungo sa paaralan tuwing pasukan at uwian. Kung minsa’y aking nasisilayan ang ilang kamag~aaral na may sariling habal~habal o motorsiklo. Dulot noon, napagtanto ko na malayo at magkaiba sa antas ng pamumuhay ang mayroon kami. Mahirap ang buhay na aking nakagisnan at nakagawian, ngunit sa halip na mawalan ako ng pag~asa ay itanaga ko sa aking katawan ang katagang “PANGARAP” na nagsilbing gasolina upang ang batang tila basang~sisiw ay makalayo pa nang husto. Sa t’wina ako’y humaharap sa salamin aking sinasabi sa sarili ~ libre ang mangarap, kaya mangarap ka lang.
Lumipas ang halos dalawang dekada simula nang ako’y magkaroon ng muwang ang dating pangarap lamang noon ay unti~unti nang natutupad. Una, nagkaroon ako ng segunda~manong motorsiklo (Rusi) ~ iyan ay hinulugan sa loob nang dalawang taon. Ikalawa, nakabili ako nang bagong motorsiklo (Honda Click 125). Ikatlo, nabili ko na ang unang sasakyan na pawang sa panaginip ko lamang nakikita (Hilux Conquest). At dahil mayaman ako sa pangarap, kaya naman ngayon may nakikita kayong retrato ng sasakyan sa ibaba ~ iyan ang aking bagong sasakyan (ikalawa). Aking ibinabahagi hindi para magyabang kundi para magsilbing inspirasyon sa iba. KAYA IKAW👉ITULOY MO ANG IYONG PANGARAP. HUWAG BASTA PANGARAP. SAMAHAN MO NG PANALANGIN AT SYEMPRE LAKIPAN NG SIPAG AT TIYAGA. 🤞