29/08/2026
MAG-INGAT PO TAYONG LAHAT 🙏☔️
Mga suki, dahil sa malakas na ulan at baha, unahin po natin ang kaligtasan ng bawat pamilya.
Mula sa Xhenelle Ellisey Bedsheets Hub 2.0, nagpapaalala po kami:
✅ Iwasang lumusong sa baha
✅ I-charge ang phones, powerbank at flashlight
✅ Mag-stock ng pagkain, tubig at gamot
✅ Makinig sa balita at abiso ng LGU/Barangay
✅ Ilikas agad ang mga gamit at manatiling alerto
Hindi po muna mahalaga ang benta, ang mahalaga LIGTAS tayong lahat. Magdasal po tayo para sa isa't-isa. 🙏
Kung kailangan nyo ng tulong o may emergency, mag-comment lang po kayo dito, susubukan naming tumulong sa abot ng makakaya.
Keep safe, stay dry, and God bless everyone! 🤍