30/08/2026
🌧️ Sana ay nasa mabuti at ligtas na kalagayan kayo at ang inyong pamilya sa kabila ng patuloy na malakas na ulan. 🙏💙
Ilang paalala mula sa Walk In Style para manatiling handa at ligtas:
🥫 Mag-imbak ng sapat na pagkain at malinis na inuming tubig.
🔦 Maghanda ng emergency bag na may flashlight, extra batteries, kandila, at first-aid kit.
📱 Siguraduhing fully charged ang inyong mga cellphone at power bank.
👕 Maghanda ng ekstrang damit at toiletry kit sakaling kailanganing lumikas.
📢 Manatiling updated sa mga pinakabagong balita at anunsyo ng inyong LGU.
Ang kaligtasan ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad. Mag-ingat, manatiling handa, at alagaan ang isa’t isa. 💙
Maraming salamat, at ingat tayong lahat! 🙏🌧️