13/01/2026
Pareho kami ng isang cancer ko nasopharyngeal cancer pareho kaming dumaan sa radiation treatment, 2 taon na ang nakakaraan sa akin at siya naman ay 1 taon na, si kapatid na Elijohn Lualhati. Salamat sa Dios at pareho kaming natuto na magpahalaga sa bawat araw na binibigyan kami ng Dios ng buhay at lakas, dahil pareho naming naranasan ang malapit sa kamatayan kaya sa bawat minuto, oras, araw na nakakaraos kami sinasamantala namin ang pagkakataon na makagawa ng mabuti na makasunod sa utos ng Dios, at meron kaming kasayahan, kapayapaan at pag-asa at lakas ng loob para magpatuloy sa paggawa dahil sa mga aral na nadidinig namin kay kuya Daniel Razon. Purihin ang Dios na makapangyarihan sa lahat!