09/06/2026
📢 PRICE UPDATE ANNOUNCEMENT
Mga Ka-Kopimoto,
Simula ngayon,June 9,2026 ay magkakaroon po ng bahagyang pagtaas sa presyo ng aming mga produkto.
Ang pagbabago pong ito ay dulot ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing sangkap at iba pang operational costs. Ginawa namin ang lahat upang mapanatiling abot-kaya ang aming mga inumin, ngunit kinakailangan na rin naming mag-adjust upang maipagpatuloy ang pagbibigay ng de-kalidad na kape at inumin na inyong minamahal.
Nais naming magpasalamat sa inyong walang sawang suporta at pagtangkilik sa Kopimoto. Asahan ninyo na mananatili ang aming commitment sa pagbibigay ng masarap, de-kalidad, at sulit na mga inumin para sa inyo kopi fam🩷
Maraming salamat sa inyong pag-unawa at suporta.
☕ Kopimoto Riders Brew
“Because every Kopi Fam deserves great coffee.”