25/07/2026
📢 Official Update
Humihingi po kami ng paumanhin sa naging kalituhan.
Ang hinahanap po talaga namin ay Top Sharers. Gayunpaman, wala pong official ranking o badge ang Facebook na nagpapakita kung sino ang may pinakamaraming shares, kaya nahirapan po kaming i-verify ang bawat participant.
Napansin din po namin na karamihan sa participants ay nakapag-comment lamang ng screenshot ng share sa unang giveaway post. Sa mga sumunod naming posts, videos, at photos, wala na pong na-comment na screenshots bilang proof, kaya hindi na po namin na-verify kung sino ang tunay na nakasunod sa mechanics.
Dahil ayaw din po naming masayang ang effort ng mga participants, nagamit muna namin ang Facebook Weekly Engagement List bilang paunang batayan habang wala kaming paraan para ma-verify ang Top Sharers. Gayunpaman, dahil may concerns na naiparating, magsasagawa po kami ngayon ng verification ayon sa original mechanics.
Kaya hihingian po namin ng screenshots ang aming na-announce na Top 3 winners bilang proof na naisagawa nila ang required shares ayon sa mechanics. Kapag kumpleto at na-verify ang kanilang proof, mananatili po silang winners. Kung hindi naman po nila ito maipakita, pipili po kami ng panibagong qualified winner.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at sa lahat ng nagbigay ng feedback. Sisiguraduhin po naming mas magiging malinaw ang mechanics sa aming mga susunod na giveaways. 💖