15/10/2021
MANANATILI ANG KASALUKUYANG STATUS AT ANG PAREHONG GUIDELINES SA ILALIM NG MECQ (MODIFIED ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE) mula ika-16 hanggang ika-31 ng Oktubre.
Stay home and stay safe, Dasmarineños!
- Oras ng CURFEW ay simula 8:30 PM hanggang 4:00 AM
- Ang mga BABAENG 7-9 BUWAN NA BUNTIS, mga may IMMUNODEFICIENCY, COMORBIDITY, o IBA PANG HEALTH RISKS ay PINAGBABAWAL LUMABAS MALIBAN KUNG MAY KUMPIRMADONG APPOINTMENTS SA CLINICS o OSPITAL.
- Ang mga SARI-SARI STORES ay dapat na sumunod sa CURFEW HOURS.
- Ang mga CONVENIENCE STORES ay maaaring magbukas ng 24 ORAS.
- Ang mga GASOLINE STATIONS ay maaaring magbukas ng 24 ORAS.
- Ang INTERZONAL TRAVEL o pagpunta sa mga lugar na may kaparehas na QUARANTINE CLASSIFICATION ay APOR LAMANG sa mga lugar na napapabilang sa NCR PLUS.
- Ang INTERZONAL TRAVEL mula sa NCR PLUS ay ALLOWED sa mga APOR lamang. Walang paghihigpit sa edad para sa P2P Travel, ngunit ang TESTING-BEFORE-TRAVEL ay kinakailangan.
Ang mga taong KUMPLETO na sa BAKUNA laban sa COVID-19 ay kinakailangang magpakita ng VACCINATION CARD o CERTIFICATE OF QUARANTINE bilang patunay ng estado ng kanilang vaccination mula sa Bureau of Quarantine.
- Ang mga APORS na edad 18 to 65 YEARS OLD lamang ang pwedeng lumabas.
- Ang mga AUTHORIZED PERSONS OUTSIDE THEIR RESIDENCE (APOR) ay sa mga sumusunod lamang:
* Heath and Emergency fronline services personnel
* Government officials and government frontline personnel
* Duly-authorized humanitarian assistance actors (HAAs)
* Persons traveling for medical or humanitarian reasons
* Persons going to airport for travel abroad
* Anyone crossing zones for work or business permitted in the zone of destination, and going back home
* Returning or repatriated OFWs and other Overses Filipinos (OFs) returning to their places of residence
* Persons transported through the efforts of the national government upon observance of the necessary quarantine protocols and with the concurrence of the receiving LGUs.
* OFWs, students enrolled aborad and participants accepted in exchange visitor programs, permanent resident of foreign jurisdiction, and foreign nationals.
- Ang mga PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON gaya ng mga JEEP, VAN, o BUS ay pinahuhuntulutang mag-operate hanggnag sa 30% NA KAPASIDAD ng kani-kanilang mga sasakyan.
Ang mga PAMPASAHERONG JEEP ay kinakailangang siguraduhin na bago ang mga plastik o acrylic na dibisyon ng mga upuan, kung hindi, may kaukulang penalty o parusa ang mahuhuling lalabag dito.
Ang pagsunod sa MINIMUM HEALTH STANDARDS ay kailangan sa lahat ng oras.
- Ang mga RELIGIOUS GATHERING (misa, kasal, binyag) ay pinapayagan hanggang sa 30% NA KAPASIDAD NG SIMBAHAN O LUGAR.
Ang pagpapakita ng kumpletong patunay ng kanilang relasyon sa namatay at kabuuang pagsunod sa MINIMUM PUBLIC HEALTH STANDARDS sa kabuuang oras ng pagtitipon ay kailangan.
MAAARING MAGBAGO KAPAG KINAKAILANGAN.
- Ang mga PAGTITIPON gaya ng NECROLOGICAL SERVICES, WAKES, INURNMENT, at FUNERALS para sa mga namatay maliban na lang kung ang kinamatay ay sanhi ng COVID-19 ay PAPAYAGAN ngunit malapit na MIYEMBRO NG PAMILYA lamang ang PWEDE.
- Mga PALENGKE at TALIPAPA (lahat ng stall selling ng essential at non-essential goods) ay ALLOWED na mag-operate araw-araw hanggang 6PM.
Maayos na pagsuot ng facemask at face shield, at physical distancing ay striktong obserbahan.
- Ang mga OUTDOOR NON-CONTACT SPORTS, GAMES at SCRIMMAGES, ay PINAPAYAGAN lamang para sa mga Indibidwal bilang pagehersiyo sa looob ng kanilang lugar sa tinitirhan.
- Ang PAGKAIN SA LOOB NG RESTAWRAN o kainang establisyemento (DINE IN) ay 10% ANG APRUBADONG KAPASIDAD.
Ang PAGKAIN SA LABAS o tinatawag na AL FRESCO DINING, 50% ANG APRUBADONG KAPASIDAD.
- Ang mga PERSONAL CARE SERVICES gaya ng mga Salons, Parlors, at Barbershops ay 30% ANG APRUBADONG KAPASIDAD.
Limitado para sa mga serbisyong kinakailangan ng pagsuot ng mga kliyente at manggagawa sa mga nasabing establisyemento.
- Ang ng mga SPA o WELLNESS CLINICS ay BAWAL.
- Ang mga Indoor at Outdoor Sports Courts at Venues para sa Contact Sports, Scrimmages, Games, o mga iba pang aktibidad ay BAWAL.
- Ang mga entertainment venues gaya ng mga Bars, Concert Halls, Theatre, at iba pa ay BAWAL.
- Ang mga RECREATION VENUES gaya ng mga Internet Cafe/Shop, Billiards, at mga arcade ay BAWAL.
- Ang mga AMUSEMENT PARKS o PLAYGROUNDS ay BAWAL.
- Ang COCKFIGHTING o COCKPITS ay BAWAL.
- Ang mga STAYCATIONS o DOT-ACCREDITED ACCOMODATIONS ay BAWAL.
- Ang mga INDOOR o OUTDOOR TOURIST ATTRACTIONS ay BAWAL.
- Ang mga MEETINGS, CONFERENCES, at EXHIBITIONS ay BAWAL.
- STRIKTONG PAGSUNOD SA MINIMUM HEALTH PROTOCOLS LABAN SA COVID-19:
* Iwasang hawakan ang mga mata, ilong o bibig gamit ang kamay na hindi pa nahuhugasan
* Magsuot ng face mask
* Sumunod sa social distancing
* Magsuot ng face shield
* I-sanitize o linisin ang lahat ng mahahawakan