08/10/2025
Alam mo ba, ang daming nangyari sa life ko lately. Medyo busy sa work pero thankful kasi kahit pagod, ramdam ko pa rin yung peace at joy ni Lord. Been more active and inspired these days kasi nagsimula na talaga akong magbasa ng Bible from the very start. Grabe, ibang level ‘yung impact! Nasa Genesis chapters pa lang ako — 1, 2, and 3 — pero andami ko nang natutunan at narealize sa life.
Sa Genesis 1:6, sabi doon: “Then God said, ‘Let there be a vault between the waters to separate water from water.’”
Habang binabasa ko ‘to, narealize ko kung gaano ka-orderly at intentional si God sa lahat ng ginagawa Niya. Walang sayang na detalye. Everything He created has a purpose — just like us. Minsan feeling natin ang gulo ng buhay, pero si God pala, may inaayos lang sa likod ng lahat.
Sa Genesis 2, nung ginawa Niya si Adam at Eve, nakita ko kung gaano kahalaga ang relationship — hindi lang sa tao, kundi sa Creator natin. Na-realize ko na hindi lang tayo ginawa para mabuhay, kundi para magkaroon ng connection kay God. Kaya kahit gaano ako ka-busy, sinisigurado ko na may quiet time ako — kahit ilang verses lang, basta makausap Siya.
At sa Genesis 3, ‘yung story ng temptation and fall, doon ko naramdaman na kahit nagkamali si Adam at Eve, hindi sila pinabayaan ni God. Oo, may consequences, pero may mercy pa rin. Ang ganda no? Parang tayo rin — kahit madalas tayong mag-fail, laging nandiyan si Lord para i-restore tayo.
Sa araw-araw kong routine — gumigising ng maaga, pumapasok sa work, nakikipagharap sa mga tao — parang mas nagiging mindful ako ngayon. Lahat ng bagay, nakikita ko na may purpose. Lahat ng pangyayari, kahit maliit, may lesson.
Kaya ngayon, mas gusto kong i-keep ‘yung fire sa puso ko — to stay faithful, humble, and grateful. God’s word really brings life and clarity. 💫