01/04/2021
Payong Kuya Pastor, para sa mga Kristyanong kabataan:
Kapatid, kung sa church masipag ka, pero pagdating sa bahay niyo tamad. Kapag nasa church mabait, sa bahay niyo hindi. Mabait kay pastor sa magulang hindi. Kung kay pastor masunurin, pagdating sa magulang hindi😔. Kung sa Church "Praise the Lord, pagdating sa labas "bad words" . Naku, may ibang issue ka kapatid🥺 if the Jesus you received never changed your life, ibig sabihin ibang Jesus yun. Dapat ganito "My Christ that I received, He changed me. and everyday, He is always changing me."
Ang totoo at tunay na Kristyano hindi pabago bago ang buhay kundi nabago ang buhay. yan ang totoong Kristyano. Binago ka na Ni Lord, Kung ano ka sana sa Church ganun ka din sana sa labas. Ipakita mo ang pagiging Kristyano mo. Sa labas man o sa loob. Remember: " Ang sinumang nakay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao; binago na siya."
2 Corinto 5:17