28/10/2022
Siguro, tama sila.
Hindi lahat ng pipiliin mo,
pipiliin ka rin sa bandang huli.
Hindi lahat ng mamahalin mo,
mamahalin ka rin pabalik.
Masyado kasi tayong nasanay sa ideya
na lahat ng ipaparamdam natin,
ipaparamdam din sa atin.
Kaya minsan,
tayo ang naiiwang
luhaan at nasasaktan.
Lagi kasi tayong umaasa
na “baka mahalin at pahalagahan
din tayo pabalik pagdating ng araw”.
Masyado tayong mahilig magbakasakali,
kaya ang ending, maiiwan tayo
sa isang tabi— pigil ang luha;
patuloy na umaasa, “baka bukas
o sa makalawa, may taong darating
at mamahalin tayo ng mas higit pa...”
:James