24/05/2026
πβ€οΈ ISANG MUNTING PANAWAGAN PARA SA MGA BATANG KATUTUBO β€οΈπ
Once upon a time, isa po akong Licensed Teacher. Ang una kong assignment ay sa Tapak National High School, isang liblib at isa sa pinakamalayong paaralan sa Davao City, sakop ng Paquibato District.
Hindi ko malilimutan ang mga panahong kailangan kong maglakad ng 3 hanggang 4 na oras para makarating doon, lalo na kapag walang kabayong masasakyan. Mahirap ang biyahe, pero sulit ang lahat kapag nakita mo ang mga batang sabik matuto sa kabila ng kanilang mga pinagdaraanan.
Kamakailan, may nag-send sa akin ng friend request sa Facebook. Pamilyar ang mukha niya, at laking tuwa ko nang malaman na isa pala siya sa mga dati kong estudyante. Mas lalo akong natuwa nang malaman na isa na rin siyang g**o ngayon sa parehong paaralan. Isang patunay na may bunga ang bawat sakripisyo at pagsisikap.
Ngayong darating na pasukan sa Hunyo, nais kong balikan ang paaralang ito at magbahagi ng kaunting saya at pag-asa sa mga batang mag-aaral, lalo na sa mga batang kabilang sa tribung Ata Manobo. Marami sa kanila ang nangangailangan ng school supplies, damit, at iba pang pangunahing gamit para sa kanilang pag-aaral.
Sa mga nais pong tumulong at maging bahagi ng munting misyong ito, maaari po kayong: β
Mag-donate ng school supplies β
Magbigay ng mga maayos pang damit β
Magbigay ng anumang halaga ng cash donation upang kami na po ang bibili ng mga kinakailangang gamit β
O kaya naman ay sumama mismo sa outreach activity
Walang maliit na tulong kung ito ay mula sa pusong handang magbahagi.
Maraming salamat po sa lahat ng susuporta at makikibahagi. Sama-sama nating iparamdam sa mga batang ito na hindi sila nakakalimutan at may mga taong handang umalalay sa kanilang mga pangarap.
π "Ang nagbibigay sa mahirap ay nagpapautang sa Panginoon, at siya ay Kanyang gagantihan sa kanyang kabutihan." Kawikaan 19:17
God bless us all. β€οΈ
PS. pwedi ninyo e drop sa atoang area or mag pm lng sa personal ko na account Erwin Seng Tantuan sa mga gustong mkibahagi ng tulong.
Kanang nka stripe na black na babae mao na akoa student before and now teacher na cxa sa kinder.