09/03/2026
Business is not for everyone.
Hard pill to swallow.
Hindi porket may puhunan ka, pang-negosyo ka na.
Hindi porket marunong ka magbenta, kaya mo na magpatakbo.
Hindi porket uso, sasabay ka na.
Business is not for the emotional.
Isang linggo mahina, gusto mo na magsara.
Isang bad review, parang katapusan na ng mundo.
Business is not for the ego-driven.
Gusto mo ikaw ang tama lagi.
Ayaw mo ng sistema kasi feeling mo “kaya ko na yan.”
Business is not for the tamad mag-isip.
Ayaw ng numbers.
Ayaw ng tracking.
Ayaw ng proseso.
Gusto lang may benta.
Business is for the accountable.
Ikaw ang sasalo ng mali.
Ikaw ang mag-aadjust.
Ikaw ang mag-iisip kung bakit mahina, hindi yung “mahina kasi ang market.”
Business is boring when done right.
May sistema.
May standard.
May paulit-ulit na ginagawa.
At doon kumikita.
Hindi siya para sa lahat.
Pero para sa marunong mag-stay kahit hindi exciting
Doon nagsisimula ang totoong negosyante.