NOVEL BOOKS

NOVEL BOOKS full story

23/05/2026

E4T M3 NINONG ♥️complete pm me
By, AlaiaQuinn

MASAYA AKONG NAG-AAYUS habang nakatapat sa harapan ng salamin. Darating ngayun si ninong Anthony ko at galing siya mula sa ibang bansa.

Umalis siya ng pilipinas para magtrabaho dahil naka-sangla ang lupa nila sa bangko. Na sangla iyon dahil sa pagkakasakit ng papa ni ninong pero namatay 'din naman pagkatapos ng limang buwan.

Matagal na panahon na nagtrabaho si ninong sa ibang bansa kaya matagal na panahon ko rin siya hindi nakita. Hindi siya umuuwe ng pilipinas ng ilan taon. Ang akala ko nga ay hindi na siya babalik at doon na siya titira. Pero bumalik si ninong sa pilipinas kaya subrang saya ko ngayun.

Todo ayus ako ngayun dahil gusto ko ay maganda at seksi ako sa paningin ni ninong. May gusto kasi ako kay ninong at hindi nawala ang pagkakagusto ko sa kanya sa paglipas ng panahon. Kahit na matagal na panahon kaming hindi nagkita.

Hindi nga ako nag-boyfriend dahil sa kanya. Kaya ngayun ay virg!n pa ako at no boyfriend since birth. Ang gusto ko kasi ay si ninong ang maging boyfriend at asawa ko.

Bata palang ay pat4y na pat4y na ako kay ninong pero hindi niya ako nakikita bilang babae kundi inaanak. Sana nga ngayun ay makita na niya akong isang babae.

Kasi gustong gusto ko talaga siya kaya nga hinihintay ko ang pagbabalik niya. Nawawalan na nga ako ng pag-asa dahil akala ko ay hindi na siya babalik.

Pero ngayun ay ang saya saya kona kaya nag-aayus ako ngayun.

"Uy! Dalian muna diyan. Kanina kapa nasa harapan ng salamin. Akala mo aalis, diyan lang naman sa baba." Sabi ng ate ko.

Bunso ako sa magkakapatid at lima kaming magkakapatid. Kaya lang ako ang pinaka-pasaway samin lima dahil 'di ako nagtapos ng pag-aaral. Tinatamad na kasi ako mag-aral. Magbubungkal lang naman ako ng lupa kaya hindi na ako nag-college.

"Oo na. Maganda na ba ako ate?" Tanong ko pa sa aking ate habang may ngiti sa labi. Walang kaalam alam ang pamilya kona may gusto ako kay Ninong Anthony.

"Oo, maganda kana. Kaya bumaba kana do'n at darating na ang ninong mo." Pagtataboy niya sakin.

"Nako ate. Sisingilin ko talaga ang ninong kona iyon dahil ang tagal niyang hindi ako pinamaskuhan ng ilang taon." Sabi ko sa aking ate.

"Oo, dahil galing ibang bansa. Malamang marami ng pera iyon." Udyok naman sakin ni ate kaya natawa ako bago lumabas ng kwarto ko.

Bumaba ako sa baba saka pumunta sa sala's at tumabi kina nanay saka tatay habang inaantay si ninong Anthony. Maliit lang ang bahay namin, sapat para sa aming pamilya. Ang kinatitirikan ng bahay namin ay galing sa tatay ni ninong. Binigyan kami ng lupa ni tatay Ador dahil magkaibigan sila ni tatay.

May kaya sa buhay sina ninong noon. Kaya lang naman sila nag-hirap dahil sa nagkasakit ang nanay ni ninong. Tapos nagkasakit 'din ang tatay ni ninong kaya napilitan siyang umalis ng bansa para magtrabaho doon.

Hindi naman talaga siya dapat ang ninong ko kundi ang tatay ni ninong na si mang Ador. Matanda na raw kasi si mang Ador sabi ni tatay kaya si ninong Anthony na lang daw.

Noong bata pa ako ay malapit na talaga ako kay ninong Anthony at palaging sumasama sa kanya dahil malapit lang ang bahay nila sa bahay namin.

Tapos subrang bait pa kasi ng ninong Anthony ko. Minsan pa nga ay siya ang nag-aalaga sakin noon. Kaya naging crush ko siya dahil ang bait niya sakin.

1/4
At nagseselos ako noon dahil kapag may nagiging girlfriend siya. Minsan hindi ko siya pinapansin pero sinusuyo niya naman ako kaya mas lalo ako napapalapit kay ninong Anthony. Subra 'din akong nalungkot ng umalis siya ng bansa para magtrabaho. Hindi ako makakain dahil subra ko siyang namimiss.

Mahal kona kasi si Ninong kaya naman gano'n na lang ang pangungulela ko sa kanya.

Maya-maya'y bigla ako napatayo mula sa aking kinauupuan ng makita ko si ninong na pumasok sa loob ng bahay namin.

"Ninong." Masaya kung sambit kasabay ng paglapit dito at hindi ko napigilan kumarga na para bang ako parin 'yung batang paslit noon.

Tila nagulat naman si ninong sa ginawa ko pero kinarga naman niya ako. Ganito ako noon kapag nakikita ko siyang dumarating, kumakarga talaga ako sa kanya.

Agad naman akong pinababa ni nanay at sinaway saka humingi ng pasensya kay ninong Anthony.

"Pasensya kana, Anthony. Masyadong na excited ang inaanak mo sayo."

*Si Maris na ba 'yan?" Gulat na tanong ni ninong sa nanay ko habang nakatingin sakin. Napangiti naman ako sa kanya habang nakatingin 'din ako sa kanya.

Oo, si Maris nga. Dalaga na. Pero parang bata parin." Sabi ni nanay dahilan para mapasimangot ako. Mukha akong bata dahil ang liit kung babae.

"Ang laki muna, parang kailan lang ang liit liit mo pa." Wika naman ni ninong na may ngiti sa labi at ginulo pa ang buhok kona para bang paslit parin ako sa harapan niya.

"Dalaga na ako ninong at wala pang boyfriend." Sa halip ay sabi ko naman sa kanya habang nagpapa-cute.

"Talaga?" Anang niya sakin.

"Opo." Nakangiti kung sagot dahil masaya na ako at nandito na ang ninong ko.

"Nako, Ewan ko ba diyan sa bata na 'yan. Marami naman mangliligaw pero lahat basted." Wika ni nanay kay ninong.

"Aba'y papasukin niyo muna si Anthony para makaupo." Narinig kung sabi ni tatay.

"Ay! Oo nga pala." Saad ni nanay na pinaupo si ninong sa mahabang upuan namin. Agad naman akong tumabi sa kanya dahil miss na miss ko siya at yumakap sa braso nito dahilan para mapalingon siya sakin.

Ngumiti naman ako sa kanya ng pagkatamis tamis. At pagkatapos ay bumaling siya sa mga magulang ko.

*Salamat po, marami pala akong pasalubong sa inyo." At tumingin ulet sakin. "May pasalubong ako sayo. Sana magustuhan mo, hindi ko kasi alam na dalaga na pala ang inaanak ko." Nakangiting sabi ni ninong habang nakatingin sakin.

"Paano ang tagal niyong bumalik kaya hindi niyo alam na dalaga na ako." Hindi ko napigilan sabi ko. Sinaway naman ako ni nanay.

Ikaw talaga na bata ka. Hala! Kumuha ka do'n ng maliinum ng ninong mo." Utos pa niya sakin kaya nakasimangot naman akong sumunod dahil gusto ko pang makausap si ninong Anthony.

*Mahaba na naman ang nguso mo. Napagalitan ka na naman ni nanay no?" Tanong sakin ng kuya ko ng makapasok ako sa kusina.

Hindi po." Sagot ko naman. Malamig na malamig na juice ang hinanda ko kay ninong dahil galing siya sa biyahe. Sinarapan ko pa para magustuhan niya.

Nang matapos magtimpla ng juice ay pumunta na ako sa sala's namin na kung saan si ninong nakaupo.

"Ito na po ninong." Nakangiti kung abot sa kanya ang malamig na juice habang may ngiti sa labi.

Salamat. Nakangiti niya ring sambit saka agad na ininum ang juice. At pagkatapos ay tumingin sakin kaya napangiti ako sa kanya ng matamis. Palagi akong may ngiti sa labi para naman magandahan siya sakin. Which is na maganda naman talaga ako.
2/4
Mabuti naman at umuwe kana ng pilipinas." Narinig kung sabi ni nanay kay ninong. Hindi ako umalis doon at gusto ko pa makita saka makausap ang ninong ko.

"Umuwe na ako dahil ang lungkot doon, nay. Atsaka nakaipon na ako para sa pangtubos sa lupa namin. May ipon pa ako para sa pang-simula ng bagong buhay ko dito." Sagot ni ninong sa nanay ko.

*Malungkot nga doon." Ani tatay. " Pero may asawa kana ba?"

Natigilan naman ako sa tanong ni tatay at nakalimutan ko magtanong kung may asawa na ang ninong ko.

Mahina naman natawa ang ninong ko. "Wala pa nga po eh. Puro kasi may lahi ang mga tao doon. Ayaw ko naman po ang may lahi at mas gusto ko ay pinay.

Natuwa naman ako sa sagot ni ninong. Pero kahit may asawa na si ninong ay aakitin ko parin siya. Para maging akin siya.

Gano'n ba? Aba'y ilan taon kana ba?" Anang ni nanay kay ninong.

*35 na po, bata pa naman kaya ayus lang. Nakangiting sagot ni ninong na parang nagbibiro kay nanay.

*Dapat sa ganyan edad ay may asawa kana." Giit ni nanay kaya sumali ako sa usapan.

"Nay, ayaw pa nga ni ninong. Bakit pinipilit niyo siya?"

"Kasi matanda na ang ninong mo. Dapat sa edad niya ay may asawa at anak na siya." Sagot ni nanay sakin.

"Sa ayaw pa nga po niya. Bakit pinipilit niyo?" Gilt ko pa kay nanay. Naiinis ako dahil pinipilit nila. Para lang sakin ang ninong ko

"Baka mag-away pa kayong dalawa diyan?" Saway samin ni tatay.

"Anak mo kasi, parang ayaw pa niyang pag-asawahin ang ninong niya. Sumbong naman ni nanay kay tatay.

*Alam mo naman na malapit si Maris kay Anthony kaya ganyan ang batang 'yan." Wika ni tatay kay nanay.

Yumakap naman ulet ako sa braso ni ninong Anthony. Tila nagulat naman ito, Marahil sa tagal ng panahon kaya nanibago si ninong sakin. Sabagay, bata pa kasi ako noon. Hindi katulad ngayun dalaga na ako.

*Malapit talaga sayo ang batang 'yan. Walang bukang bibig kundi ikaw, kung kailan ka uuwe." Nakatingin samin na sabi ni nanay kay ninong. Walang kaduda duda ang mga tingin nila samin ni ninong.

Kung ang tingin nila nanay ay tatay ay walang malisya. Sakin merun dahil matagal ko ng gusto ang ninong Anthony ko. Hindi rin alam ng ninong ko. Kaya hindi niya alam ay pinagnanasaan kona siya.

Subrang hot at gwapo ng ninong ko ngayun kahit nasa 35 years old na siya. Parang mas lalo siyang naging gwapo sa harapan ko. At parang hindi tumatanda sa edad niya ngayun.

Hindi lang 'yun, mas lalong lumakas ang karisma at ang ganda lalo ng katawan niya. Yummy.

*Dito kana ba talaga ninong titira?" Tingala ko kay ninong. Tila naiilang naman sakin si ninong at hindi agad nakapagsalita dahil nakayakap parin ako sa beywang niya habang nakatigilid. Tapos andiyan lang ang mga magulang ko.

"Oo, dito na ako for good. At dito na rin ako mag-aasawa. Sagot naman ni ninong sakin. Parang hindi ko nagustuhan ang sagot niya. Pero okey lang, ako parin naman ang magwawagi. Iniba kona lang ang usapan at baka mainis lang ako. Masyado akong possissive sa ninong ko.

"Hmm, okey po. Dito ka po ba matutulog?" Maya-maya'y tanong ko sa kanya. Wala naman siyang matutulugan dahil sira na ang bahay nila.

"Oo anak, dito pansamantala titira ang ninong mo habang ginagawa ang bahay niya."

Natuwa naman ako dahil makakasama ko sa iisang bubong ang ninong ko. Palagi ko siya makikita at masisisilayan ang gwapo niyang mukha sa umaga.

Sige na anak, samahan muna ang ninong mo sa magiging kwarto niya. Maya-maya'y utos sakin ni tatay kaya inaya kona si
3/4
ninong sa taas namin.

Kaya lang naman nagkaroon kami ng lupa at bahay dahil sa tatay ni ninong. Tapos ng mangibang bansa ang ninong ko ay hinabilin ni ninong kay tatay ang lupa nila. Kaya nagtanim kami sa kanilang lupain. Pero ang bahay nila ay sira sira na dahil nalipasan na ng panahon.

"Dito po ang kwarto niyo ninong, tabi ng kwarto ko." Nakangiti kung saad dito. Kwarto 'yun ng isa kung kuya. At dahil may asawa na siya ay hindi na siya nakatira dito.

"Gano'n ba? Sige na, magpapahinga na ako. Mamaya na tayo mag-usap." Sabi nito na parang ilang na ilang sakin. Wala naman akong ginagawa sa kanya.

"Okey po, ninong." Nakangiti ko naman sambit habang may nakakaakit na ngiti sa labi. Gustong gusto ko talaga siya kaya gagawin ko ang lahat para maging akin lang siya. Sisimulan kona ang plano na akitin siya habang nasa bahay namin.

Noon ko pa pangarap ang ninong Anthony ko kaya gagawin ko ang lahat para makita niya ako bilang isang babae at hindi inaanak.

Lumapit ako kay ninong at hinalikan siya sa pisngi. Tila nanigas naman si ninong sa ginawa ko. Para bang ngayun lang siya hinalikan ng babae.

"Take your time po." May ngiti sa labing sabi ko bago ako tumalikod sa kanya at pakending na naglakad palayo sa kanya.

Hindi kona nakitang na napabuntong hininga si ninong ng malalim dahil sa inasal ko.

Pm me for the complete story

23/05/2026

KUYA RALEIGH ❤️ complete pm me directly ✍️Callieyah July

“Tabachingching,” naiinis ako tuwing inaasar ako ng kuya ko ng ganito.

Lalo na kapag nandito ako sa bahay nila. Sa lahat sa kanila ay siya lang ang bukod tanging nang-aasar sa akin. Minsan lang si Kuya Adler pero iting lalaking ito. Nakakairita siya.

“Pang!t!” sigaw ko sa kanya.

“Tabachoy, tabachingching, Thisa.” tuwang-tuwa pa na pang-aasar niya sa akin. Lagi siyang ganito, happy pill niya ako.

“I hat3 you! You’re so pang!t so mabaho and so d*gyot!” parang iiyak na sabi ko sa kanya.

“Me? Pang!t? Ang gwapo ko kaya,” nakangiti na sabi niya sa akin.

“You’re not handsome, you’re super pang!t kaya. Mas gwapo si Kuya Adler sa ‘yo,” sabi ko sa kanya kaya nakita ko na napipikon na siya.

“Paano naman siya naging gwapo kung magkamukha lang naman kami?”

“Basta, mas gwapo siya. You’re not gwapo, si Kuya Adler lang,” sabi ko sa kanya at tumakbo ako palabas sa bahay nila.

“Huwag kang tumakbo! Baka madapa ka pa, sige ka, ikaw rin hindi kita tutulungan na bumangon,” pang-aasar pa niya sa akin.

“I hat3 you talaga!” sigaw ko sa kanya pero tumawa lang siya.

“Hintayin mo nga ako! Sumampa ka na nga lang sa likod ko. Baka mamaya kapag napagod ka na naman ay magsumbong ka na naman na pinaglakad kita. Sasabihin mo na naman–ouch! Dahan-dahan lang ang bigat mo kaya,” reklamo niya dahil mabilis akong lumapit sa kanya at sumampa ako agad sa likod niya.

“You’re so maingay naman eh,” sabi ko sa kanya.

Hindi na siya nagsalita at naglakad na lang siya habang nakasalabay ako sa likod niya.

“Kuya, ang slow mo naman maglakad. Makakarating pa ba tayo sa house nito?” tanong ko sa kanya dahil naiinip na ako.

“Ang bigat mo kaya, kung makapag-reklamo ka na mabagal ako maglakad akala mo ang gaan mo lang,” sabi niya sa akin.

“Whatever!” masungit na sabi ko sa kanya.

“Magdiet ka kasi, ang taba-taba mo na eh,” sabi niya sa akin kaya lalo akong sumimangot.

Hindi na ako nagreact sa kanya. O nagsalita. Kasi lagi naman siyang ganito.

“Oh, bakit hindi ka na nagsasalita d’yan?” tanong niya sa akin.

“Ouch!” react niya dahil sinampal ko ang bibig niya.

“Bakit ka nananakit?” tanong niya sa akin.

“You’re so maingay kasi, so annoying,” sagot ko sa kanya.

Hindi na siya nagsalita at tahimik na siya. Mabuti naman dahil hindi naman siya nakakatuwa.

“Kuya, ibaba mo na nga ako. Para ka talagang turtle, ang bagal mo talaga,” reklamo ko dahil ang layo pa namin sa bahay.

Pero bigla na lang akong napakapit sa kanya ng mahigpit dahil ang siraulo ay tumakbo na lang bigla.

“Ahh, sinasakal mo naman ako.”

“Sorry, nagulat lang.” nakangiti na sabi ko sa kanya.

“Hmmm, gumaganti ka lang yata sa akin eh. May lihim ka bang galit sa akin?” tanong niya sa akin pero mabilis akong bumaba sa likod niya dahil nakarating na kami sa house namin.

“Wala man lang thank you?” tanong niya sa akin.

“Bleeh!”

“Tabachingching, asan na ang thank you mo?!” sigaw niya pero hindi ko siya pinansin.

“Ohh, nakauwi ka na pala? Hinatid ka ba ng kuya mo?” tanong sa akin ni mommy.

“Always naman, mom eh. Hindi mo na kailangan pa na itanong,” sagot ko sa kanya.

“Thank you, Raleigh!” ang mommy ko na ang nagpasalamat sa lalaking ‘yon.

Alam ko na umalis na ‘yon kaya hindi na ako lumingon pa.

“Baby, don’t treat your kuya like that,” sabi sa akin ni mommy.

“Siya nga po itong inaaway ako lagi.”

“Lambing lang niya ‘yon,” sabi pa ni mommy sa akin.

“It’s not lambing, mom. He’s hurting my feelings,” sabi ko sa kanya kaya hindi na niya ako pinansin.

Si Kuya Raleigh, he’s not my kuya talaga. Mas matanda siya sa akin at anak siya ni Mama Rachel. Ako ang ampon ng mga Dela Vega. Gusto ko rin maging part ng family nila, like my pretty Ate Reighn. Kaya lagi akong pumupunta sa kanila para makipaglaro kay Ate Alliyah. She's o mabait and caring na ate. Si Oliver naman ay matanda lang ako sa kanya ng ilang buwan. Mabait ang pamilya nila kaya gusto ko lagi sa kanila.

Pero ang nakakainis talaga ay si Kuya Raleigh, hindi man lang siya nagsasawa na asarin ako. Halos araw-araw ay naririnig ko sa kanya ang panlalait niya sa akin.

“Mommy, I want to join the taekwondo class,” sabi ko sa mommy ko habang nakaupo ako dito sa may sofa namin at kumakain ako ng fave snack ko.

“Baby, kaya mo ba ‘yon?” tanong niya rin sa akin kaya nakasimangot na ako ngayon sa narinig ko.

“Mom!”

“Baby, worried lang ako sa ‘yo. Baka mapagod ka doon–”

“I’m not gonna pagod myself, I want it, mom. Para masipa ko ang face ni Kuya Raleigh. He’s always asar-asar me, and I hate him,” naiinis na sabi ko.

Kahit na naiinis ako ay tumatawa lang ang mommy ko. Para bang wala lang sa kanya na inaapi ako ni kuya. Always silang tumatawa kapag ako inaasar ng pangit na ‘yon. Eh, ano ba ang magagawa ko, food is life. Masarap magluto ang daddy ko at ang sabi niya lagi akong kumain. Sadyang may basher lang talaga ako.

“Baby, hindi mo naman kailangan na sumali sa taekwondo class. Baka kasi mapagod ka lang doon,” sabi sa akin ni mommy.

“Mommy, naman eh. Gusto ko po–”

“Misis ko, hayaan mo na lang ang anak natin. Mas okay na maging active siya sa mga ganyan,” sabi ni daddy na kararating lang.

“Daddy! I miss you!” mabilis akong tumayo para salubungin siya.

“I miss you too, baby. Kumusta ang araw ng prinsesa ko?” malambing na tanong niya sa akin.

“Goods naman po, daddy.”

“May pasalubong ako sa ‘yo,” nakangiti na sabi niya.

“Wow! Strawberries,” nakangiti na sabi ko dahil isang box na naman ang dala ng daddy ko.

Kakauwi lang niya galing sa business trip niya. At sa Korea siya galing kaya naman may pasalubong siyang korean strawberries. Mahilig ako sa ganito lalo na dito ako pinaglihi ng mommy ko. Kaya nga red lips ako kahit wala akong lipstick. Pero bata pa ako para maglipstick.

“Happy?” nakangiti na tanong sa akin ni daddy.

“Super po, daddy. Thank you po,” malambing na sabi ko.

“Misis ko, pakitawagan naman si Raleigh para kunin dito ang para sa kanila–”

“Daddy, si Kuya Adler na lang po. Kagagaling na po ni Kuya Raleigh dito eh. Nagsasawa na po ako sa mukha niya,” sabi ko dahil hindi pa nga nawawala ang inis ko sa kanya.

Hindi man lang nila ako pinansin at talagang tinawagan nila ang lalaking ‘yon. Kaya naman bago pa siya dumating ay mabilis akong umakyat sa room ko. Kailangan ko talagang mapapayag ang parents ko na i-enroll ako sa taekwondo class.

“Lagot ka talaga sa akin, Kuya Raleigh. Sisipain ko ang mukha mo!” nakangisi na sa sambit ko habang nakatingin sa picture niya nasa pader ko.

Kapag kasi naiinis ako ay itong picture niya ang ginagantihan ko. Malapit ko na itong palitan dahil malapit ko ng mapuno ang mukha niya.

“Nakakainis ka talagang d*vil ka,” sabi ko ay nilagyan ko na naman ng sungay ang picture niya.

“Ako ang pinakagwapong d*vil ng buhay mo.”

Kaagad akong napalingon dahil narinig ko ang boses niya. Nakangisi na naman siya na parang dog. Nakakainis talaga siya, wala yata siyang balak na patahimikin ang buhay ko.

“Get out!” sigaw ko sa kanya.

“Ayaw ko nga,” sabi niya at pumasok pa talaga siya.

“Ayaw mo?”

“Ayaw ko, gusto ko pang makita kong ano ba ang ginagawa mo sa gwapo kong picture,” nakangisi na sabi niya sa akin at umupo pa talaga siya sa bed ko.

Kaya naman sa sobrang inis ko ay sumampa ako sa k**a ko at sumakay ako sa likod niya sabay sakal sa kanya.

“A–Aray, bitiwan mo nga ako!”

“I’ll k*ll you!” sabi ko sabay tutok sa kanya ng knife na laruan lang naman.

“T—Tabachingching, ‘wag kang magjoke ng ganyan,” sabi niya sa akin.

Pm me for the complete story

23/05/2026

Loveless Deal With The Cold-Heart3d CEO Book 5: Candice and Brent Love Story ♥️ complete pm me
✍️ Maria Bonifacia

Sa mismong ika-25 kaarawan ni Candice Rosales, bumalik siya sa mansyong iniwan noon. Ayaw na sana niyang makita ang ama, ang doble karang stepmother, at ang inggiterang stepsister.

Ngunit isang tawag lang mula sa abogado ng pamilya ang sumira sa katahimikan niya, babasahin na daw ang last will and testament ng yumaong ina.

Hanggang sa marinig niya ang hindi inaasahan. Lahat ng yaman ng mga Rosales ay sa kanya ipapamana... pero may kondisyon. Makukuha lang niya ito kapag nag-asawa siya.

Problema? Wala siyang nobyo. Wala ring tiwala sa pag-ibig.

Kaya nang makita niya si Brent Esguerra, ang boss niyang walking red flag, isang delikadong plano ang nabuo, pakasalan ito para kunin ang mana, at hiwalayan pagkatapos.

Sa mundong puro kasinungalingan ang panimulang sumpaan, sino ang talo at panalo?

Ang Simula

Sa glass-walled conference room ng Timeless Tower, kumislap ang mga camera flash habang pinipirmahan ang huling dokumento, ang pinakaimportanteng papel na matagal nilang pinagpaguran para sa merging ng Timeless Essence at Eternity Perfume.

"Congratulations, Ms. Rosales," sabi ng isang director ng Timeless.

"Thank you," sagot niyang may ginhawa sa dibdib.

Paglabas ng conference room, sinalubong siya ng amoy ng bagong brewed coffee at ang malamig na aircon ng hallway. Sa kaliwa, ang office niya, minimalist, at malinis. Sa kanan, ang office ni Brent, magkatabi sila, literal na magkatabing pinto.

Bukas ang pinto ni Brent.

"Congrats." Lumapit ito at inabot ang isang maliit na paper bag. " Celebration food. Alam kong gutom ka na."

Tinanggap niya ang bag, napangiti ng pilit. "Salamat," aniyang tumalikod na at ayaw ng magtagal ang usapan nila ng binata.

Pag-upo niya sa loob ng office ay napahawak siya sa sentido. Sumakit ang ulo niya.

Tumunog ang cellphone niya.

Tumatawag si Atty. Tecson, ang abogado ng kanyang ina.

Nagbuntong-hininga siya, sinagot. " Hello?"

"Ms. Candice Rosales," Formal ang boses. "Atty. Tecson ito. I'm calling to remind you... bukas po ang schedule ng pagbasa ng last will and testament ng yumaong Mrs. Rosales."

Biglang nanlamig ang palad niya. Parang may humila sa sikmura niya pababa.

"Ah... yes," pilit niyang iningatan ang boses. "Pupunta po ako."

"10:00 AM sharp po, sa ancestral house. Naka-inform na rin po ang ibang parties. Please be there, ma'am. Important po ito."

Ibang parties.

Gusto niyang tumawa sa sarcasm ng mundo. Other parties meaning ang ama niyang sumira sa pamilya nila, ang stepmother na nagkunwaring nanay, at ang stepsister na mahusay magpanggap na mabait.

"Noted," sagot niya. "I'll be there."

Saglit siyang natulala. Napatingin sa relo, uwian na. Pagkababa niya, tahimik ang hallway.

Kinabukasan, ibang hangin ang sinalubong sa kanya sa lumang mansyon.

Humigpit ang hawak niya sa handbag. Isang malalim na hinga, saka siya pumasok.

Sa sala, nakaupo ang ama niya, si Mr. Carlos Rosales, naka-barong. Beside him, ang stepmother, si Leah, naka-pearl earrings, naka-pleasant smile na parang santo.

At ang stepsister, si Cassandra, naka-pastel dress, mukhang mababait... kung hindi niya kilala!

"Candice!" masyadong sweet ang boses ni Leah. Tumayo ito agad. " Anak, you're finally here. Happy birthday buti at dito ka magce-celebrate ng birthday mo."

Anak. Parang gusto niyang masuka.

"Huwag na tayong magbolahan pa," sagot niya.

Lumapit si Cassandra, ngumiti. "Ate Candice... you look so pretty. Bagay sa'yo ang corporate look."

"Ate? Mas matanda ka pa sa akin," singhal niya.

Sumingit ang ama niya, hindi man lang tumayo. "Talaga bang puro kabastusan ang ipapakita mo sa amin? Nakakahiya ka."

Bago pa siya makasagot, dumating si Atty. Tecson, dala ang folder na parang may dalang sentensya.

"Good morning," bati nito, sabay tingin sa bawat isa. "We'll begin."

Umupo si Candice sa sofa, tuwid ang likod, pero nanginginig ang tuhod. Sa wall, may picture frame ng mama niya. Napatingin siya roon.

"Ma... please. Give me strength," aniya sa sarili.

Nag-ayos ng papeles si Atty. Tecson. " This is the last will and testament of the late Mrs. Aurora Rosales."

Nanikip ang dibdib niya sa pagbanggit ng pangalan. Aurora. Ang ilaw ng buhay niya.

"First," sabi ng abogado, "the late Mrs. Rosales expresses gratitude to everyone present--"

"Of course," bulong ni Leah, sabay hinaplos ang braso ng ama niya na parang supportive wife.

Nangilid ang mata ni Candice, pero pinigilan niya.

"Next," tuloy ni Atty. Tecson, " regarding the properties, assets, and businesses under the Rosales name--"

Parang tumigil ang mundo.

"--the late Mrs. Rosales bequeaths all major assets the ancestral house, the Rosales shares, the trust fund, and the controlling interest in Golden Holdings to her daughter, Candice Rosales."

Hindi agad nakapagsalita ang sala.

Parang may bumagsak na bomba at lahat natakot gumalaw.

"Ano?!" biglang pumitik ang boses ng ama niya. "Anong ibig mong sabihin? All? Ako ang legal na asawa."

Nanigas ang ngiti ni Leah. Si Cassandra, biglang kumurap nang mabilis.

"Wait," protesta ni Leah, pilit kalmado. "Atty., surely there's... provision for the husband and the family--"

"Teka," singit ni Cassadra, matamis pa rin pero may talim. "Ate Candice has been away for years. Kami ang namamahala sa family business."

"Ayon sa will," putol ni Atty. Tecson, Mrs. Rosales' intent is clear. She built her wealth and she wants it secured under her one and olny daughter."

"Hindi maaari 'yan!" anang ama.

"Mr. Carlos Rosales, may pinirmahan po kayong pre-nuptial agreement na nagsasaad na wala kayong makukuha sa yaman ng iyong misis."

Parang may kumislap na liwanag sa dibdib ni Candice. Hindi dahil sa pera, kundi dahil sa katarungan.

Pero hindi pa tapos.

Tumikhim ang abogado. "However... there is a condition."

Dito siya nanlamig.

"Condition?" ulit ng ama niya, may halong pag-asa.

"Opo," sabi ni Atty. Tecson. "The inheritance will be released to Ms. Candice Rosales only upon her marriage."

Bumagsak ang katahimikan na parang pader.

Si Candice, napakurap. "What?"

"Marriage," anang abogado. "Kapag nag-asawa na po kayo, ma'am."

Si Leah, nagkunwaring concerned. "Oh my... Candice, anak, you'll find someone. We can help you."

Si Cassandra, ngumiti na parang angel pero halatang thrilled. "Ay, Ate... so kailangan mo pala ng husband? Ang hirap naman niyan. Wala kang boyfriend, right?"

Tumayo si Candice, nanginginig ang k**ay. "This is insane."

"Mrs. Rosales believed," paliwanag ni Atty. Tecson, "na mas protektado ang mana kung may legal family unit. She also stated... she doesn't want the assets to fall into the wrong hands."

Napatingin siya sa ama niya. Ang tingin nito, parang gusto siyang lamunin.

"May timeline ba?" tanong niya, pilit kumalma.

"Within a year," sagot ni Atty. Tecson. "If not fulfilled, the assets will be held in a separate trust managed by the current legal spouse, Mr. Rosales, until the condition is met."

Parang sinakal siya ng hangin.

So kung hindi siya magpapakasal... mapupunta sa ama ang control. Hindi siya makakapayag.

Hindi puwede.

Hindi niya hahayaang mapasak**ay nila ang pinaghirapan ng kanyag niya.

Pinahid niya ang palad niya sa skirt, parang binubura ang panginginig.

Napataas ang kilay ni Leah. "Fine?"

"Yes," sabi niya, mabagal, malinaw. " I'll get married."

Tumawa si Cassandra, pabulong. " Saan ka hahanap?"

Umiwas siya ng tingin. Ayaw niyang mag-react. Ayaw niyang bigyan sila ng satisfaction.

Pagkatapos ng reading, agad siyang tumayo.

"Miss Candice, may isa pa pong kondisyon," anang abogado.

Kabanata 602 Last Wish

Bago pa tuluyang makalabas si Candice, narinig niya ang boses ni Atty. Tecson.

"Ms. Candice... sandali lang po."

Huminto siya. Hindi siya lumingon agad. Parang ayaw niyang marinig ang susunod, pero alam niyang kailangan.

Lumapit ang abogado, hawak pa rin ang folder, mas seryoso ang mukha kaysa kanina. "May karagdagan po sa kondisyon na hindi ko pa nababanggit

Napaikot si Candice, pilit steady ang boses. "Ano pa?"

Nilingon ni Atty. Tecson ang tatlong nakaupo sa sala, si Carlos, si Leah, si Cassandra, na ngayon ay parang mga asong nag-aabang ng tira-tirang karne.

"Sa sandaling makasal po kayo," sabi ng abogado, "mare-release sa inyo ang kalahati ng mana. Ang natitirang kalahati... ay mare-release lamang sa sandaling magkaroon po kayo ng anak."

Parang may humampas na matigas na bato sa ulo niya.

"Anak?" ulit niya, halos pabulong. " You mean... I have to--"

"Opo," kumpirma ng abogado, walang paligoy. "Kailangan po ninyong magkaanak, ma'am. Kung hindi... mapupunta po ang kalahati ng mana sa inyong ama at sa iba pang k**ag-anak ayon sa nakasaad."

Napaawang ang labi ni Candice. Akala niya kasal lang ang problema. Pero ngayon... may bata pa. Isang buhay. Isang responsibilidad.

Hindi niya alam kung anong mararamdaman.

Bumuka ang bibig ni Cassandra, nagpapanggap na concern.

"You never had a boyfriend," sabi nito, kunwaring maamong tinig. Iniisip nga namin... baka member ka ng LGBTQ. So paano 'yan, Ate?" sabay tawa na pilit sinasakal. "Like, no judgment, ha. Concern lang."

Nag-init ang tenga niya. Umikot ang sikmura niya. Hindi dahil sa tanong, kundi dahil sa panlalait na nakabalot sa salitang concern.

Sumingit ang ama niyang si Carlos. " Anak, hindi mo naman kailangang sumunod sa mommy mo. We'll take care of the company," sabi nito.

" Gawin mo kung ano ang gusto mo. Kung babae ang gusto mo... si Maya--" ngumisi ito, "ituloy mo lang ang relasyon ninyo."

Parang may sumabog sa dibdib ni Candice. Hindi niya akalain na lalagyan ng malisya ng mga ito ang friendship nila ni Maya.

"Carlos..." pa-soft kunwari si Leah, sabay hawak sa braso ng lalaki. "Oo nga, Candice. Kita mo naman, hindi namin pinabayaan ang kumpanya ni Aurora. We managed it well.

Dumarating naman sa bank account mo ang shares. Ni hindi kami nagtatanong kung saan mo ginagamit."

Managed it well?

Nakapagtimpi siya kanina. Pero ngayon, tumaas ang kilay niya. Kumunot ang noo niya, at tumalim ang titig niya na parang kutsilyo.

"Natural hindi ninyo papabayaan. Ang tagal ninyong hinintay na mapunta sa inyo ang yamang pinaghirapan ni mommy! Now, I'm thinking, hindi kaya may kinalaman kayo sa aksidente niya?!"

"Hoy!" pumitik ang boses ni Carlos. " Mag-ingat ka sa sinasabi mo. Wala kang galang!"

"Mag-iingat ako? Kayo ang mag-ingat dahil sa sandaling malaman kong hindi aksidente ang pagk**atay ni mommy, mabubulok kayo sa bilangguan."

Tumayo si Leah, nagkunwaring nasaktan. "Candice, anak, huwag mo kaming pag-isipan ng ganyan."

"Wag mo akong tawaging anak," putol niya, malamig. "Hindi kita ina."

Pm me for the complete story

22/05/2026

Bossy Boss (Zach Brillantes- Completed)
by FionaQueen

"GOOD MORNING, sir!”

Masiglang bati ni Fame Sevillia sa kanyang Boss na si Zach Brillantes. Ang may ari ng isa sa pinak**alaking Real estate developer sa bansa ang ZB Realties kung saan siya kasalukuyang nagta-trabaho bilang sekretarya ang huli.



"Good Morning too." mahinang bati niya sa sarili ng dire-deretsong pumasok si Zach sa loob ng opisina ng hindi lang nito ginagantihan ang pagbati niya rito.



Fame just shrugged her shoulder too. Sanay na kasi siya sa pag-uugali ng kanyang boss. Hindi kasi ito ang una, pangalawa, pangatlong beses na binati niya ito at denedma lang siya. Bilang sekretarya ni Zach sa loob ng tatlong buwan ay alam na niya ang pag-uugali ni Zach. He was snob, strict, arrog4nt and bossy. Bawat salita na nanunulas sa bibig ng kanyang boss ay batas. Bawal salungatin. Kaya kung may ipinag-uutos ito ay dapat mong sundin kung ayaw mong masungitan o hindi kaya makunootan ng noo.



Noong una, akala ni Fame ay hindi siya magtatagal sa trabaho dahil sa ugali nitong iyon. Pero nagulat na lang si Fame sa sarili dahil nakaabot siya ng tatlong buwan sa pagta-trabaho niya sa ZB Realties bilang sekretarya ni Zach.



Fame Sevilla was a graduate of business course. At iyon ang pangatlong trabaho ni Fame. Una niyang trabaho ay sa isang Car Company, pero hindi siya nagtagal do'n dahil ayaw niya sa working environment. Masyadong sipsip at plastic ang mga kapwa niya empleyado kaya napagpasyahan niyang magbitiw na lang doon at maghanap na lang ng panibagong trabaho. Ayaw kasi niya sa taong plastic at sa taong tila linta kung sumipsip.



Pagkatapos niyang magresign ay naghanap uli siya ng trabaho. Nakahanap naman siya agad sa isang Advertising Company. Secretarya din siya ng boss ro'n. Maganda na sana trabaho niya roon, walang taong sipsip, walang taong plastic. Malaki ang sahod. Maganda din ang benefit na makukuha. Iyon nga lang ay hindi niya matagalan ang lagkit ng tingin ng kanyang boss. Kaya iyon, nagdesiyon muli siyang bumitiw at maghanap na lang muli ng iba kaysa manatili siya roon. Mahirap na baka pagsamantalahan siya ng manyak niyang boss.



Muli, hindi naman siya nahirapan sa paghahanap ng trabaho dahil no'ng nag-apply siya sa ZB Realties ay natanggap agad siya na maging Secretary ni Zach. At sa tatlong na buwan na pagta-trabaho niya roon ay wala naman siyang ibang mairereklamo, maganda ang trabaho, mataas ang sahod, maganda ang benefits at may dagdag bonus pa may gwapo kang makikita araw-araw kahit na may pagkasungit at palautos ang boss niya. Kayang-kaya naman ni Fame na i-handle ang ugaling iyon ng boss niya.



Kinuha na ni Fame ang notebook kung saan sinusulat niya ang appointment ni Zach araw-araw at ang kanyang ballpen sa ibabaw ng kanyang desk. Pagkatapos niyon ay tiningnan niya ang suot na relong pambisig. Nang makitang limang minuto na ang lumipas simula noong pumasok si Zach sa opisina nito ay tumayo na siya sa pagkakaupo niya. Mahigpit kasing bilin ni Zach sa kanya na kapag limang minuto na ang lumipas ay saka lang siya papasok sa opisina nito upang i-remind rito ang mga appointment nito para sa araw na iyon at para na rin sabihin sa kanya ang gusto nitong i-utos at kung ano ang ipapagawa nito. Inaayos mo na niya ang sarili bago siya kumatok ng tatlong beses sa pinto upang ipaalam ang presensiya niya.



"Come in." She heard him say. Bumuntong-hininga siya bago niya pinihit ang seradura.



"Good morning, Sir Zach." Bumati pa rin si Fame rito kahit na wala siyang makukuhang sagot sa binata. Nakatutok naman ang binata sa harap ng laptop nito. Hindi naman napigilan ni Fame na mapatitig sa seryoso at gwapong mukha ni Zach. At habang nakatitig siya kay Zach ay iisa lang ang masasabi niya, walang panama ang mga sikat na aktor at modelo sa bansa sa kagwapuhan ng kanyang Boss.



He was so d**n handsome and so d**n hot!



Agad siyang tumingin sa hawak na notebook biglang nag-angat ng tingin si Zach. At kahit hindi siya tumingin sa salamin ay nasisiguro ni Fame na kasingkulay ng k**atis ang magkabilang pisngi niya sa sandaling iyon. Naidalangin din ni Fame na sana hindi mahalata ni Zach na tinititigan niya ito kanina baka kasi kung ano ang isipin nito tungkol sa kanya.



"Do I have an appointment today, Miss Sevilla?" Zach asked.



Fame cleared her throat bago siya nag-angat ng tingin kay Zach upang sagutin ito.
"Yes, sir." Mabilis na sagot niya. Saglit niyang pinasadahan ang hawak na notebook upang tingnan kung ano ang appoinment ni Zach sa araw na iyon. "Sir may meeting po kayo with Mr. Guttierez ng alas onse." Imporma ni Fame sa kanyang boss. "And then at two pm kay Mr. Antonio naman po." Dagdag na wika niya kay Zach.



"Cancel my appointment with Mr. Antonio. And reschedule it tomorrow. May importante akong pupuntahan sa oras na iyon." Sabi ni Zach bago nito ibinalik ang tingin sa harap ng laptop.



"But Sir." Angal ni Fame. Hindi niya pwedeng ire-schedule ang appointment ni Zach kay Mr. Antonio bukas kasi masasagasaan ang ibang appointment ni Zach para bukas. Nakagat ni Fame ang pang-ibabang labi ng mapansin niya ang pagkunot ng noo ni Zach ng mag-angat ito ng tingin sa kanya.



"O-okay, Sir. I cancel your meeting with Mr. Antonio." Pagsunod ni Fame sa utos ni Zach. Naalala niya, ayaw pala ni Zach na sinusuway ang sinabi o utos nito. Kung ano ang sinabi nito dapat iyon ang masusunod huwag mo ng kontrahin kahit na gustong-gusto mo ang kumuntra.



"But Sir Zach I can't reschedule it tomorrow. Kasi puno po ang schedule niyo bukas." Paliwanag ni Fame kay Zach. "Check ko lang iyong schedule niyo this week at kung may bakante doon ko lang po i-schedule ang appointment niyo with him."



"Okay." Tanging sagot lang ni Zach. Bago nito muling ibinalik ang atensiyon sa harap ng laptop. At iyon ang senyales ni Fame na lumabas na ng opisina ni Zach. Hindi naman niya napigilan ang sarili na mapasimangot ng tumalikod siya. Hindi man lang nagpasalamat ang binata o hindi kaya ay sinabi na maari na siyang lumabas ng opisina. Well, anong bago roon? Binansagan nga si Zach na snob boss, minsan strict boss pero madalas ay bossy boss dahil sa ugali ng binata.



Bali-balita din ni Fame ay hindi lang si Zach ang may ugaling iyon. Balita niya pati ang dalawang nakakabatang kapatid nito na sina Xavier at Ylac ay ganoon din ang ugali. Ang tatlong magkakapatid kasi na Brillantes ay pawang mga bossy. Well, mapapatunayan ni Fame ang mga bali-balitang iyon dahil sa tatlong buwan niyang pagta-trabaho sa ZB Realties ay hindi lang iisang beses na nakita niya ang mga Brillantes. Tulad ni Zach ay may pagka-snob din ang mga ito. At aaminin din ni Fame na walang tulak kabigin ang kagwapuhan ng magkakapatid. Gwapo ang magkakapatid kahit saang anggulo tingnan.



Akmang pipihitin ni Fame ang seradura pabukas ng matigilan siya ng marinig niya ang pagtawag ni Zach sa kanyang pangalan.



"Miss Sevilla." Tawag ni Zach sa kanya.



Nilingon niya ang binata. "Yes, Sir Zach?" Aniya habang nakatitig sa binata. At sa unang pagkakataon ay ngayon lang siya tinitigan ng binata sa mga mata. And she had to admit that she love staring at those black eyes.



"Miss Sevilla, bring me a coffee." Utos ng binata dahilan para kumurap-kurap ang kanyang mata.



"Okay, Sir." Sabi niya kay Zach bago siya tuluyang lumabas ng opisina ng lalaki para ipagtimpla ito ng kape.

Pm me for the complete story

Address

Dumaguete City
6200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NOVEL BOOKS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category