08/07/2026
"Bakit ang mahal naman sa inyo? Sa iba mas mura lang." 🤔
Isa ito sa mga madalas naming marinig, at valid naman ang tanong.
Pero tandaan po, hindi lang presyo ang binabayaran ninyo—pati kalidad ng produkto at serbisyo.
Kapag nagko-compare ng presyo, itanong din:
✅ Pareho ba ang brand at model?
✅ Original ba ang unit at materials?
✅ Kasama ba ang standard installation?
✅ Gumagamit ba ng tamang copper pipe at installation materials?
✅ May warranty ba ang unit at installation?
✅ May after-sales service ba kung magkaroon ng problema?
Minsan, ang mas murang presyo ay may mga hindi kasamang materials, may hidden charges, o gumagamit ng mas mababang kalidad ng installation.
Sa amin, ang priority namin ay maayos, ligtas, at pangmatagalang serbisyo. Gusto naming siguraduhin na sulit ang bawat pisong ibinabayad ninyo.
💙 Quality service is an investment, not just an expense.
Maraming salamat sa patuloy na pagtitiwala! 🙏