Dane's Ukay Ukay Direct Supplier

Directions

Dane's Ukay Ukay Direct Supplier Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Dane's Ukay Ukay Direct Supplier, Shopping & retail, Floridablanca.

🔥 SP671 BEDSHEETS US BALEMABRANDEDBundle muna po tayo ☺See feedback below ❤
22/06/2021

🔥 SP671 BEDSHEETS

US BALE
MABRANDED

Bundle muna po tayo ☺

See feedback below ❤

10/02/2021

💫DANE'S UKAY UKAY DIRECT SUPPLIER💫
We ship nationwide! ❤️

F A Q 's
What to know more about UKAY WORLD?
Please read!

[‼️Bago po kayo bumili sakin, make sure na nabasa nyo po ito‼️]

~ Ano nga ba ang Ukay "bales"? Ang ukay bales ay factory sealed na mga bulto na nanggaling sa ibang bansa tulad ng korea, china, japan, at US. Yan ang mga kilalang countries na nag eexport ng ukay bales papunta dito sa bansa natin. Sa clothing factories palang sa ibang bansa, pinapack na yung mga bulto kaya kung mapapansin nyo sobrang intact/siksik ang laman ng bawat bulto dahil MACHINE SEALED po ang mga yan. Meaning po, walang sinoman na seller ang may alam ng laman ng bawat bulto na na-packed sa ibang bansa. Dahil pagdating dto sa pilipinas, nasa container truck na po ang mga 'yan at dinidistribute nalang sa iba't ibang panig ng bansa. Kaya doon sa mga baguhan na nagsasabing "pinilian" daw ni seller yung bultong napunta sakanila, paki-isip po mga sis wala naman si supplier doon sa factory nung pinack mga bales.

~Always remember, UKAY is RISKY. Sobrang gasgas na yang salitang "risky" I know pero ayan po talaga ang ukay. Parang sugal lang po, kapag maganda ang nabuksan mong bale edi panalo ka, pero pag di kagandahan ang nabuksan mo dyan naman mate-test kung may DISKARTE ka. Sa ukay po hinahaluan ng diskarte yan tulad ng paglalaba, pagtatahi, pag-iinvest ng mga materials like mannequins, hangers & magandang background para sa magandang presentation. Kasi the more na maganda ang presentation mo, the more na mas appealing 'yun sa customers mo.

~Sino ba yung mga di dapat mag-ukay?
1. Kung ikaw yung tipo ng tao na pag naka-open ng di maganda, sisisihin si supplier. First of all hindi alam ng supplier ang exact na laman ng mga bales na yan. Tanging mga taong nag-pack nyan sa ibang bansa yung nakakita kaya dapat walang sisihan.
2. Kung gusto mo mala-brandnew ang damit at di mo na didiskartehan. Truth be told, pag sinwerte ka sa nabuksan mong bulto may times talaga na maraming ma-like new na mga items & yung iba pa nga may tags pa eh. Pero HINDI PALAGI. Kasi wala namang kambal na bulto. Walang bulto na same na same ang laman.
3. kung ikaw yung taong nakisunod lang sa kung anong uso without even knowing ano ba talaga yung pinasok mong business. Dapat bago ka pumasok sa ukay mababa lang expectation mo. Wag mag expect ng sobra-sobra, at wag puro sisi sa supplier.
4. Lastly, kung ikaw yung taong kapag di nagandahan sa nabuksan, mag-aask ng REFUND or exchange ng bulto. Bawal na bawal po yan sa ukay mga sis. No. 1 rule na po yang no return no exchange as long as tama yung naibigay.

Ako po nagstart lang ako sa 100kg bulto ng korean tees AB. Naalala ko pa noon, pag-open ko ng bulto parang may part na inamag na. Dahil medyo ma-luma na sya. Napaisip ako, di pwedeng sayangin ko nalang basta basta yung 5500 ko na pinambili sa bulto dahil tagal kong pinag ipunan yun mula sa araw-araw na baon ko sa school nong college. So ginawa ko nilabhan ko at ayun wala akong pambiling mannequin that time kaya sinuot ko isa isa mga damit mirror shot pa, tapos niretail ko. Ni minsan HINDI ako nagcomplain or nagalit sa supplier ko dahil bago ko pinasok ang ukay, nagbasa-basa ako sa ukay groups. At alam kong wala naman din syang idea na may amag na yung bale na binigay nya sakin. 😅 In short, I knew what to expect. And in fact, nagsend pa ko sakanya ng good feedback photos after ko madiskartehan yung bale. Sa puhunang 5500 noon naging 20k++ yung pera ko. Dahil hindi ako sumuko, diniskartehan ko. Nasa 600++pcs yung laman ng ktees ab, di naman lahat yun pangit eh. Kaya dun ako bumawi sa mga nasolusyonan ko pa para gumanda itsura. Kung nung una palang na nakita ko yung laman ng bale na ma-luma at madumi e sumuko agad ako at nagreklamo, nagalit, nagpost at namahiya ng seller sa groups, ano kayang mapapala ko? WALA. Kasi guys ang kailangan dito ay diskarte. Nasa tao po talaga yan. Hindi po yung tipong di nagustuhan ang laman tapos ipopost si seller sa groups para pahiyain at sabihan ng kung ano-anong salita.

Kaya kung kayo po ay isang baguhan, make sure po muna na alam nyo po yung pinapasok nyong business bago po kayo mag-order. Sabi nga walang madaling paraan para maging successful. Lahat tayo dadaan at dadaan sa mga down moments. Hindi po laging wagi mga sis. Pero ang kailangan lang natin ay lakas ng loob para mapagpatuloy ang nasimulan! ☺️

💫 LOCATION: FLORIDABLANCA, PAMPANGA

🌻 DANE'S UKAY UKAY DIRECT SUPPLIER🌻

01/01/2021

May this year bring new happiness, new goals, new achievements, and a lot of new inspirations on your life. Wishing you a year fully loaded with happiness. Wishing every day of the new year to be filled with success, happiness, and prosperity for you. Happy New Year.

Address

Floridablanca
2006

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dane's Ukay Ukay Direct Supplier posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share