Nikko & Colai BUSA Minimart

Nikko & Colai BUSA Minimart ๐Ÿ›’Whole Sale & Retail ๐Ÿบ๐Ÿงƒ

21/07/2026
Walang kabusugan ang mga  ๐ŸŠ๐ŸŠ๐ŸŠ
19/07/2026

Walang kabusugan ang mga ๐ŸŠ๐ŸŠ๐ŸŠ

"Tanggalin na ang BIR sa maliliit na negosyo."

Ito ang panawagan ng maliliit na negosyante.

Hindi ibig sabihin nito na hindi na sila magbabayad ng buwis.

Ang ibig sabihin nito ay huwag na nating iparanas sa micro at small businesses ang parehong antas ng compliance na ipinapataw sa malalaking kumpanya.

Hindi patas na pareho ang dami ng requirements, reports, at penalties para sa negosyong kumikita ng milyon at sa negosyong nagsisimula pa lang.

Ang maliliit na negosyo itinayo yan hindi para yumaman agad.
Kadalasan, nagnenegosyo sila para lang makasurvive sa pang-araw-araw.

Kaya sa halip na ubusin nila ang oras sa napakaraming compliances, hayaan nating ilaan nila ito sa pagpapalago ng kanilang negosyo.

Kung gusto nating dumami ang mga rehistradong negosyo, hindi mas maraming requirements ang kailangan.

Mas simple, mas malinaw, at mas makataong sistema ang kailangan.

Kaya panawagan namin sa gobyerno, pakinggan nyo ang boses namin.

P.S. For tax and bookkeeping updates
Join EC TAXPH Business Community
Sa loob pwede ka makaaccess sa trainings, tools and bookkeeping system.
Pagpasok mo sa group, click mo yung FEATURED POST.
Andun yung complete instructions kung paano ka makakaaccess.

26/02/2026

POST FOR AWARENESS

Patagal nang patagalโ€ฆ
pabulok nang pabulok ang sistema sa Pilipinas.

Yung mga gustong maghanapbuhay,
pinapahirapan sa requirements.
Pinapahirapan sa buwis.
Pinapahirapan sa penalties.
Kapag nagkulang ka โ€” kulong.
Kapag na-late ka โ€” may multa.
Kapag nalugi ka โ€” problema mo โ€˜yan.

Samantalang may mga tambay na may ayuda.
May sustento.
Hindi pagod.
Hindi puyat.

Hindi ko sinasabing masama ang tumulong sa mahihirap.
Kailangan โ€˜yan.

Pero sanaโ€ฆ

huwag namang parang kasalanan ang magsikap.

Ang maliliit na negosyante โ€”
hindi kriminal.
Hindi kalaban ng gobyerno.
Hindi kalaban ng bayan.
Kami ang nagbibigay trabaho.
Kami ang nagbabayad ng renta.
Kami ang bumubuhay ng pamilya.
Kami ang nagbabayad ng buwis kahit masakit.
Dugo at pawis ang puhunan namin.
Hindi ayuda.
Kung may dapat tulungan,
โ€˜yung mga lumalaban din sana ng patas.

Hindi lang ayuda ang kailangan ng negosyante โ€”
kundi gabay, malinaw na sistema,
at patas na pagpapatupad ng batas.

Hindi kami umaasa sa libre.
Ang gusto lang namin:
huwag pahirapan ang gustong umasenso.

Sa dulo, hindi kami titigil.
Kahit pabulok ang sistema,
lalaban pa rin kami ng patas.







Address

Brgy. Tabora Bailen
General Emilio Aguinaldo
4124

Opening Hours

Monday 7am - 10pm
Tuesday 7am - 10pm
Wednesday 7am - 10pm
Thursday 7am - 10pm
Friday 7am - 10pm
Saturday 7am - 10pm
Sunday 7am - 10pm

Telephone

+639663302843

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nikko & Colai BUSA Minimart posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share